II. All by myself

8 0 0
                                    


Pag pasok ko sa bahay ay dumeretso na muna ako sa aking kwarto upang maligo at maka pag ayos bago kausapin sila papa.

Kung saan tumama na ang malamig na tubig sa aking balat ay saka ko pa lamang naramdaman ang pagod, sakit at pagiging marumi. Naibuhos ko ang aking mga luha kasabay ng mga dumadaloy na tubig sa akin. Tila sinaksak ako ng mahigit isang daan, inundayan ng samurai at namatay ng walang hustisya. Napa upo ako at napakapit sa aking tuhod at ng mahismasan ako ay tinapos ko ang paliligo.

Pinili ko ang isang puting t-shirt at isang boxer short tsaka bumaba.

Naabutan ko si mama sa kusina na nagluluto, tinignan ko ang isang wallclock na naka sabit sa dinding at ibinalandra nito ang 12:33.

"Ma?" tawag ko sa kaniyang pansin, abala siya sa paghihiwa ng kaniyang ipangsasahog.

"Oh, naka uwi kana pala?" tanong niya sa akin.

Hindi na ako sumagot sa kaniya, niyakap ko nalang siya mula sa likod at umiyak. Walang lumalabas sa aking bibig kundi tanging mga hikbi na lang.

"Tigilan mo ako Vim, wag kang iiyak- iyak sa akin! Umalis ka at nag luluto ako!" imbes na umalis ay mas hinigpitan ko ang aking pagkakayakap.

" Mama, hindi ko alam ang gagawin" nagsusumamo kong pagsusumbong. Nanay ko siya kaya, I do expect na makikinig siya sa akin. Ngunit umatras lahat ng luha ko sa isinagot niya.

"Ano ba Vim! Tigilan mo ako, ilang beses ka na bang umuwing umiiyak at kung hindi man ay lasing. Paulit-ulit ka naming pinagsasabihan ng papa mo pero hindi ka nakikinig. Hala! Harapin mo iyang problema mo kung ano man iyan at kung may napatay kang tao ay mas mabuting makulong ka at mawala dito sa bahay dahil sakit ka lang sa ulong bata ka!" unti-unting lumuwag ang aking mga kamay sa bewang ni mama, kusa ring tumigil ang aking mga mata sa pag patak ng masaganang luha.

"Hindi mo man lang ba ako papakinggan ma?" mahina kong tanong habang nakayuko.

"At bakit ka naman papakinggan ng mama mo? Bakit sasabihin mo bang may nahukay kang ginto sa kung saan kaman nag susu-suot o baka iba ang hinukay mo kagabi at hindi mo na naisipang umuwi?" nagulat ako ng sumabat si papa sa aming likuran. "Kung wala naman yang kwenta, tumahimik ka nalang at umiinit ang ulo ko sayo" dagdag pa nito

Nag lakas loob akong magsalita kahit alam kong hindi sila maniniwala "Ma, Pa" nagsisimula palang ako pero bumuhos ulit ang aking luha "ginahasa ako". Napa akap na lang ako sa aking sarili at hinihintay na e-cocomfort ako ng aking mga magulang.

"HAHAHAHAAHAHA" pagak na tawa ng aking papa, at nakita ko ring umiling si mama habang sarkastikong ngumingiti.

"Hindi po ba kayo naniniwala?" takang tanong ko

"Sira ulo ka na ba? Nasobrahan ka ng hithit?" pagalit na tanong ni mama "at sino ang gagawa niyan sayo ang mga babae o baka naman talagang bakla ka? Nabitin ka kaya sinasabi mong ginahasa ka ?" sunod-sunod nitong sabi

Umiling ako ng paulit-ulit para iparating na hindi tama ang mga sinasabi nila. Tinuro ni papa sa akin ang pintuan at sinigawang umalis sa harapan nila at wag mag pakita dahil baka hindi niya daw mapigilan ang sarili at mabugbog ako.

Tumakbo ako pabalik sa aking kwarto at nagkulong. Tinatanong ko nga minsan ang sarili ko kung ano ba talagang mali, nagising nalang ako isang araw na ganito sila sa akin. Sinubukan kong magwalwal at mas maging suwail para naman mas bigyan nila ako ng pansin at mas mahalin ngunit wala mas lalong nag iiba ang trato nila sakin. Si papa bigla nalang umiinit ang ulo pag nakikita ako ng wala namang dahilan, si mama naman minsan parang concern na hindi maintindihan dahil bigla-bigla ding umiinit ang ulo.

Napalingon ako sa isang picture frame na naka patong sa aking side table. Bata pa ako sa litrato at buhat-buhat pa ni papa. Ang saya naming tatlo sa mga panahong iyon, napangiti ako ng kusa. Kinuha koi yon, niyakap habang humihiga sa kama. Nagmuni-muni ako hanggang sa dalawin ako ng antok at nakatulog na ng tuluyan.

FADED COLORS:  UNFORGETABLE LOVE STORYWhere stories live. Discover now