My Kinder Crush 2 (I'vemissedTheOldDays..WithYou)

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi ko nga alan kung naaalala niya pa ako? Sa dami pa naman ng nalilink sakanya at balita ko eh sikat na sikat siya sa school niya. Heartthrob pa nga siya. Hayy. Tsaka Playboy daw,,

Wala na malaki na talaga pinagbago ni bitoy ko, snobbers na yun eh. Pag nagkakasalubong kami sa daan minsan di niya ako pinapansin miski Smile wala,, MISS KO NA KAYA YUNG NGITI NIYA,.

Naalala ko nun dati, isang araw di siya nagsasalita nun di niya ko pinapansin. Ewan ko kung bakit.. Salita ako ng salita wala siyang imik. Eh sa inis ko.. Kiniliti ko siya sa beywang niya. HAHAHHAHA. Natawa ako ng makita kong bungi pala siya hahahahaha ^_____^ ang cute niya tumawa at ngumiti lalo na't bungi isa niyang ngipin sa itaas hahahahahaha.. Inasar ko siya nun, nagalit siya pero. As usual at the end of the day we're okay. Because I admit that it's my fault. At nag apologize ako sakanya.

Ang sweet namin nun,. Pero ngayon wala na., lagi lang siya naka poker face ,, snobbers! Psh!

Ang yabang yabang na din niya. Wala na,, yung bitoy ko? Nasan na!? Di ko din kasi nasabi sakanya dati na crush ko siya. Ng Harapan ah? Sa facebook ko lang ata nasabi eh. Hahahaha ^_^

Kamusta na kaya yun? Siguro masayang masaya yun ngayon. Eh sa madami nagkakagusto sakanya ehh. Eh saken? Wala. Psh. Strict parents ko, makipagtext sa boys bawal. Naiintindihan ko naman sila. Kaya ayoko din muna nagpaligaw or mag boyfriend at BAWAL. Tsaka never ko na experience na may mag confess sakin ng feelings,, WALA NAMAN ATA TALAGA NAGKAKAGUSTO sakin eh?

Pero kahit ganun, madami na din ako naging crushes .. Bukod kay bitoy .. Madami sila. At may isang taong sineryoso ko nun, Si Jay, basta. Pero hindi naging kami BAWAL at ayoko diba? Sadyang maeffort lang ako sa mga taong mahal ko kaya inefforttan ko yon. Pero di niya ako type eh.

Ayos lang yon. Bata pa naman ako,, marami pa jan,, tama na muna yung crush crush lang muna..

Wag lang magseseryoso, kasi mahirap. Sobra.

Lalo na kapag binabalewala ka lang. O kaya kapag ginagamit ka lang. Eh lahat naman ng tao nagiging tanga kapag umiibig eh, yung iba Magaling lang talaga magcontrol ng emotions. Magaling mag handle at dumiskarte, yung iba naman magaling Magpanggap.. Magsinungaling.. Ng tunay na nararamdaman. Kasi ang tunay na nararamdaman mahirap talaga sabihin yan lalo na kapag natotorpe ka o natatakot ka sa kahihinatnan. Pero bakit di mo subukan diba? Di mo naman malalaman ang kalalabasan kung di mo susubukan. Kasi ang bagay kung gusto mo may paraan kung Ayaw may dahilan. Parang sa kanta lang yan. Diba? Kaya nga yung iba idinadaan nalang sa music ang Nararamdaman nila, o yung gusto nila sabihin na hindi nila masabi sabi dahil natatakot sila.

Wag kang magpadala sa takot mo. Kasi hindi mo pa naman alam kahihinatnan eh. Gawin mo kung ano ang magpapasaya sayo, kung ano man ang mangyari masama man o maganda Atleast ginawa mo kung ano ang gusto mo. At atleast naging masaya ka sa ginawa mo, pero tandaan mo na lahat ng bagay may Kapalit. Lahat ng bagay may dahilan kung bakit nangyayari at kung bakit hindi nangyayari. At Lahat ng bagay ay May Limitasyon . at dapat alam mo kung hanggang saan ang Limitasyon mo. Dahil once na sumobra ka masasaktan ka din ng sobra pero once na magkulang ka mas lalo kang panghihinaan,, try to control yourself. Ikaw lang ang may kakilala ng Buong Pagkatao mo. Wag mo hayaang idown ka ng mga nanghuhusga sayo dahil dun nasusukat yung katatagan at katapangan mo,. Dun nasusukat kung gano mo kamahal sarili mo. Kasi kapag nakinig ka sa sabi ng iba. Niloko mo lang sarili mo,. Tandaan mo Ikaw ang bumubuhay sa sarili mo. Ikaw nagpapatakbo ng buhay mo. Maaring tinutulungan ka nila pero Ikaw ang May alam kung paano Buhayin ang sarili mo.

Dahil sa aminin mo man o sa hindi, may sikreto kang alam ng iba pero may Sikreto ka ding Hindi alam ng kahit sino, bukod sa sarili mo at sa Diyos. Ang diyos.. Yun ang may alam ng buong pagkatao mo. Lagi siyang nandyan di mo man nakikita at di ka man sigurado kung mayroon ba talagang diyos dahil sa dinami dami ng teorya at paniniwala, magtiwala ka pa din at manalig.. Wala naman mawawala sayo kapag naniwala ka sakanya diba? Atleast nga ikaw may pinaniniwalaan at pinagkakatiwalaan eh.. Yung iba ba? Masyado silang self centered kaya di nila iniisip ang kapakanan ng ibang tao. Wag mong tularan yon. Basta Be yourself. Be proud to what you have. Wag mong bilangin yung mga nawawala bilangin mo yung blessings at yung dumadating. Kasi hindi rin tayo masuwerte. We're blessed. Always remember that.

----------------------------*

A/N

Hi ^___^ medyo matagal din hindi nakapag update. Ayan. One last chapter papo yung pinaka ending Ng story nila G&V . pasensya na wala na po takbo ang kwento tutal Short story lang naman po ito. One shot kumbaga. Tsaka gusto ko lang po ishare yung story ng buhay nila G&V :)

I hope na may natutunan po kayo sa chapter na ito. Bayaan niyo po susubukan ko pong iupdate ngayon yung Lastchapter para tapos ko napo itong My Kinder Crush (one shot)

Thankyou po sainyo! Mag vote at comments po kayo hah? Tsaka sorry po sa mga pagkakamali ko.

Nobody's perfect am i right? =) Godbless Always takecare Guys ^_^ _/\_

-Simplymeyri

My Kinder Crush (Three Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon