Royal Blood University 1: Meet the Trouble Maker

2.9K 88 0
                                    

Warning ⚠ : The chapters of the story contains grammatical errors and typos. I'm sorry. The author is not perfect. Read at your own risk.

***

Kasalukuyan kong ninanamnam ang masarap at malamig na bagay na hawak-hawak ko ngayon. I lick. I lick again.

I'm now heading to my house. I bought a cone of ice cream just for myself kasi sarili ko lang naman ang kaya kong buhayin.

Lumiko ako at napahinto ng makita kong sino ang nakaabang saakin. Tatlong mga gago na nakangising aso.

Hindi ko sila pinansin at agad nalang na nilampasan pero laking gulat ko ng hinaklit nito ang braso ko at dahil hindi ako handa ay nabitawan ko ang ice cream at tumapon ito sa lupa.

Nawalan ng buhay ang mga mata ko habang nakatitig sa chocolate ice cream na nasa lupa bago ibinalik ang tingin sa humaklit saakin na tinititigan ako ng mariin.

“Anong kailangan mo?” seryoso kong tanong sakanya. Mag-iisang linggo narin akong pinag-iinitan ng magkapatid na ‘to simula no’ng nalipat sila dito at alam ko namang sinulsolan ng iba pang kapitbahay ko.

Ngumisi siya at kinagat ang makapal na pang-ibabang labi tuyo pa sa disyerto at mukhang nakaranas ng matinding el niño.

Inilagay niya ang dalawang kamay sa baywang ko at hindi ako pumalag. Nanatili lang akong nakatayo.

“Chill panget. Panget na nga, ang sungit pa.” tumawa siya sa sinabi at nagsitawanan narin ang iba pa niyang kasama.

Hanggang sa naramdaman ko ng may kamay na pumisil sa pwet ko. Hindi parin ako umimik o pumalag kasi kapag ako nagalit tiyak sa kabaong agad deritso nila.

“Uy, hindi siya pumalag at talagang nagustuhan niya kuya.” saad ng nasa likod ko.

He's about to cupped my butt again ng mabilis kong hinuli ang kamay niya at pinilipit ito habang hindi siya hinaharap.

“Pakshit! Ouch! Ang sakit! Bitaw!”

Binitawan ko siya at galit na galit na tinulak niya ako dahilan para matumba ako sa direksiyon ng kapatid niya.

“You bitch!” sinipa ako no’ng isa pa ng eksaktong lumanding ako sa sahig.

Mabilis na bumangon ako para ilagan ang sipa nila.

“Akala mo kung sinong maganda. Ang pangit naman. Pweh!” muntik pa ako nitong duraan sa mukha at mas lalong nawalan ng buhay ang mga mata ko.

I'm tired playing with these bastards. Hindi ako umimik at kaagad nalang na nagpatuloy sa paglakad pero muli na namang naudlot ng sinipa nito ang likod ko dahilan para makipaghalikan ako sa sahig.

Damnation!

Inis na bumangon ako at ng humarap ako sa may gawa ay agad ko siyang binati ng kamao ko.

“Shit!” malakas na mura niya at napahawak sa ilong habang walang tigil na napaatras.

I wiped my lips kasi ang gaspang ng labi ko dahil dumikit ‘yong lupa. Tangina!

Mabilis na sinugod ako ng dalawa at kagaya ng ginawa ko sa kuya nila ay pinagsusuntok ko rin sila at sinadya kong sapulin ang mga matatangos nilang ilong. Tingnan natin kung may tatayo pa bang ilong diyan.

Nagsiatrasan ang mga duwag kaya pinatunog ko ang mga kamao ko habang malamig silang tinitigan.

“Run or run?” sa sinabi kong ‘yun ay nawala kaagad sila sa harapan ko.

I sighed at agad nalang na nagpatuloy sa paglalakad. Nang marating ko ang bahay ay kumunot ang noo ko ng makita ang isang lalaking nakatayo doon.

Huminto ako habang tinatanaw siyang nakatitig lang saakin.

Royal Blood University 1: The Vampire's BelovedWhere stories live. Discover now