Nang naputol na ang linya ay nakahinga kami nang maluwag.

Tumingin siya sa'kin.

"Oh eh pa'no 'yan? May pasok ka bukas? Anong gagawin mo?" Tanong niya.

"Bella may tinatawag na sumbrero. Yun ang gagamitin ko."
Sarcastic kong sagot sa kanya.

"Ewan ko sa'yo Flynn! Bahala ka na nga!"

Pumunta sya sa kama niya at humiga. Tumabi ako sa kanya ag natulog.

[Kinabukasan.....]

Nagising ako nang may yumuyogyog sa'kin.

"Hoy Flynn! Gumising ka na!"

"Mamaya na..." sabi ko at tinakpan ang mukha ko nang unan.

"Alas siete na! Papasok ka pa ba?!"

Bigla akong napabangon sa sinabi niya. Alas siete na?!
Tumingin ako sa wall clock ni Bella at alas siete na nga!

Putspa!

"Alas siete na! Ba't di mo ako ginising?!" Tanong ko sa kanya.

Tumayo na ako at pumunta sa bathroom niya. Dali-dali akong naligo at nagbihis.

Paglabas ko ay wala na si Bella. Nasa baba na siguro iyon.

Bumaba na ako at nakita ko sya na nag aantay sa'kin.

"Kumain ka muna." Sabi niya.

"Wag na! Sa school na ako kakain." Sabi ko at lumabas ako ang naunang sumakay sa kotse niya.

Kapal ng mukha ko noh? Hmph!

Sumakay na siya at umupo sa driver's seat.

Pinaandar na niya ang sasakyan niya at nagmaneho. Nang makarating na kami sa school ay bababa na sana ako nang pinigilan ako ni Bella.

"Hoy!" Sigaw niya sa'kin.

"Ano?! Bilisan mo! Malelate na ako!"

"Tanga! Yung sumbrero mo oy!" Sigaw niya at binigay ang isang cap na black.

"Salamat! Sibat nako!" Sigaw ko at bumaba sa kotse niya.

Pansin ko na wala nang mga estudyanteng dumadaan.
Mabuti nalang at kaibigan ko si manong guard at pinapasok ako.

Hehehe the benefits of connections.

Nang makapasok na ako sa school ay tumatakbo ako papunta sa classroom.

Pagpasok ko dun ay nagle-lecture na si ma'am.

"Good morning Ms. Samonte! Dinaig mo pa ang isang guro!" Sermon niya sa'kin.

"Sorry ma'am nalate po ako ng gising." Mahinahon kong sambit.

"That is not my problem! Umupo kana bago pa kita palabasin!"

Sumunod nalang ako sa sinabi niya. Pero pag upo ko pa lang ay ang buwisit na isang miyembro ng FG ay nagsumbong.

"Ma'am!" Tawag niya sa atensyon ng aming guro.

"Yes Ms. Villanueva?" Tanong ng guro.

"As far as I know ma'am may rule tayo na bawal ang magsuot ng sumbrero inside the classroom." Maarte niyang sumbong kay ma'am.

Tumingin sa akin si ma'am na sinasabing 'She's right'. Wala akong nagawa kundi ang magbuntong hininga.

Mabuti nalang talaga at wala akong black-eye. Sugat lang sa gilid ng labi, maliit na sugat sa ilong at sugat sa kilay. Yun nga lang malaki ang sugat ko sa kilay dahil may singsing ang lalaking sumuntok sa'kin.

Innocently DangerousWhere stories live. Discover now