Chapter 2

0 0 0
                                    

♧♧Flynn's POV♧♧

"Students, you have 20 minutes to change into your P.E. uniforms." The teacher announced.

"Yes Ma'am."

Isang linggo na akong pumapasok sa Golden High University.
Naging maayos naman ang buhay ko dito pero nakakatawa lang talaga ang FG or Feelingera Girls kasi dinidiin talaga nila MAS MAGANDA sila. Share nyo lang? Mga impakta kayo tignan kaya nila yung mga mukha nila sa salamin baka sumigaw sila sa pangit nila.

Haha! Naglalakad na ako papuntang locker room para magbihis.
As usual may mga tsismis na naman akong narinig.

"Girls have you heard?"
"Heard what?
"May laro sila Captain at Prince Nyx ngayon!"
"OMG!Let's watch later!"

About naman kay "Captain" hindi ko pa rin sya kilala hindi naman sya pumapasok sa school eh parati nalang naka-absent.

At tungkol naman kay Nyx naging close na kami as in best of friends na talaga! Kasi araw-araw na kaming nagkikita.

Nalaman ko na mayaman sila at pag sinabi kong mayaman SOBRANG YAMAN! kasi yung mga Santos ay kasama sa top 10 most rich Filipino Families at pangtatlo sila!

Linagay ko ang smart watch at bracelet ko sa locker. Nang matapos na akong magbihis ay lumabas na ako.

Bumalik na ako sa gym kung nasaan ang mga kaklase ko para sa PE namin.

Pagdating ko duon ay wala pa ang ibang kaklase namin kaya umupo na muna ako sa isa sa mga upuan.

Nagmu-muni lang ako sa paligid ng may nang may namataan akong babaeng nakaupo sa isang sulok.

Ang cool niyang tignan!

Nakasuot siya ng black cap, black big sized shirt na may nakasulat 'White'. Suot niya ang skirt ng school namin. Nakasuot siya ng black adidas shoes.

Lumapit ako sa kanya at umupo katabi niya.

Tumingin siya sa'kin.

Ngumiti lang ako sa kanya ng matamis.

"What are you doing?" Tanong nya sa'kin.

Waaa! Ang ganda nang boses niya! Medyo nakakatakot nga lang.

"Hi! Ako nga pala si Flynn." Sabi ko sa kanya habang  nag wa-wave ng kamay.

"And?" Tanong niya sa'kin.

"Anong pangalan mo?"

"My name is none of your business." Masungit niyang sagot sa'kin.

Nako mahirap siguro to kaibiganin. Pero ako ata ang Ms. Friendship. Hindi ko to susukuan!

"It is my business. Because I want you to be my friend."

"And I don't want you to be my friend."

"Why not? I could be the best friend you could have."

"Hindi mo talaga ako titigilan?"

"Not until you will be my friend."

"Fine. My name is Fritz Perez."

Magsasalita pa sana ako nang biglang pumito si ma'am.

"STUDENTS FORM A LINE! 2O MINUTES HAD PASSED!"

"Alis na muna ako hah?"

Tumango lang siya sa'kin.

Pumunta na ako kung nasaan ang mga kaklase ko.

Nag line kami.

"We will perform volleyball! Count 1 to 2! The winner will have the perfect score!"

Pag-iinstruct ni ma'am samin. Nagsimula nang magbilang ang mga kaklase ko.

Unang maglalaro ang mga babae. Hinati kami sa dalawang grupo. Sa group 2 ako nabibilang.

Unang maglalaro ang napiling limang representative sa magkaibang grupo.

Napili ako sa unang limang representative kaya pumwesto na ako kung saan kami maglalaro.

Ang group 1 ang magseserve.

Nang lumipad na ang bola papunta sa'min ay sumigaw ang nasa unahang babae ng 'Mine'.

Nasa bandang likoran kasi ako. Dalawa kaming nasa likuran.

Natamaan ng kasama ko ang bola at lumipad ito papunta sa group 1. Tumira ulit sila at papunta ito sa akin kaya sumigaw ako.

"Mine!" Pagkatapos ay tumira ako.

Sa lakas at bilis ng pagbato ko ay hindi nila ito natamaan.

Binati ako ng mga kasama ko.

Ako na ang nagserve. Nang tumira na ako ay bumalik na ako sa pwesto ko.

Naging mainit ang labanan namin dahil walang gustong magpatalo.

Nang bumalik ulit papunta sa'kin ang bola ay kailangan ko na itong i-spike para manalo na kami.

Huminga muna ako ng malalim at nag-spike. Pag-spike ko ay  naputol ang panali ng buhok ko.

Hindi nila ito natirahan kaya nanalo kami. Nagpasalamat ang mga kasama ko at binati.

Ang susunod na maglalaro ay ang ibang limang kasama ko.

Nagpaalam na muna ako para mag restroom.

Galing ko dun ah! Halata kayang nag effort ako masyado?

HAHA! Baka sabihin nilang trying hard ako.

Mga jeje ang mga nag sabi nun. *rolling eyes*

========================================================

Fritz Perez

astraea_writes

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


astraea_writes

Innocently DangerousWhere stories live. Discover now