Thirteen </3

25 0 0
                                    

Dear Ex,
Masaya ako ngayong araw. Nakita ko ulit ung favorite ko. pero naalala nanaman kita kay Mickey Mouse. At naka letter M payun. Kamusta kana? Tagal ko nadin hindi nakapagsulat medyo busy kasi ako. pero hindi ka naman nawala sa isip ko. Nasasanay narin ako sa panibagong routine ng buhay ko na hindi kana kasama. At okay na ako. Nakakalimutan ko na ung sakit. May nanliligaw nadin sakin okay siya. Masayahin at palabiro. Natutuwa nadin ako kapag lagi siyang andyan sa tabi ko. Nasasanay na ako sakanya na lagi siyang andyan. At siguro kung wala siya hirap padin ako makalimutan ka. Alam mo minsan inisip ko kung mag kakaroon ba ako ng bago maiisipan mung balikan ako? At kung magkakabago ka kaya pagsisisihan mo bang iniwan mo ako? Siguro hindi. Siguro wala lang talaga sayo na iwan ako. Ayos lang naman. Sana naging masaya ka sa desisyon mo. Basta masaya ka magiging masaya nadin ako para sayo.
Siguro tama nga sila. Itigil ko na ung kakaantay sayo kasi mas lalo lang akong nasasaktan. Mas lalo lang ako mahihirapan. Hindi ko padin maiwasang ibalik ung dati at umiyak sa sakit sa tuwing naaalala ko. Ang bilis talaga ng panahon no? Dati ang saya saya pa natin pero ngayon wala na. Ganun lang kadaling tapusin ang lahat. Masaya naman ako at nakasama kita sa ganun ka ikling panahon at ni isa wala akong pinagsisisihin. pero kung kaya ko lang ibalik ung dati :( kung kaya ko lang itama ang lahat :( kung alam ko lang na ganto pala ang mangyayari :( kung may time machine lang gusto ko ibalik ung araw na NAINLOVE NA AKO SAYO! Kasi yun yung pinaka masayang araw na meron ako. Akala ko ung boyfriend kung 3 years ang pinaka minahal ko pero hindi ko alam na may mas hihigit pa pla ung pag mamahal ko sakanya. At nahigitan mo siya. Nung una naisip ko bakit ako nagkakaganito sayo e anung labang ng isang buwan sa tatlong taon? pero hindi ko nagawa sakanya yung mga bagay na nagagawa ko sayo. At hindi din ako ganun kasaya tulad ng inaasahan ko ngayon. :) at hinding hindi ko makakalimutan to.

Dear ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon