Throwback 6 (the last)

27 0 0
                                    

Dear Ex,
Dumating ung araw na mukhang wala kang balak kausapin ako kaya ako na gumawa ng paraan. Nagtext ako at tumawag sayo pero hindi mo sinasagot. Nagtext ka pero imbis na maayos ang gulo mas lalong lumala at sa mga text mo plang mukhang wala na. Ayaw mo na sakin. Kaya ako na nagsabi na papayag na ako magbreak tayo kasi ikaw na mismo umaayaw. paano nga naman gagana ang relasyon kung mismong ikaw nalang ang gumagawa ng paraan para magkaayos kayo. Sinubukan ko padin maayos ung relasyon. Dumating sa point n nagmakaawa ako!! OO NAG MAKAAWA AKO SAYO pero anung ginawa mo. Hindi mo ako pinagbigyan. Inantay ko text mo ng madaling araw inumaga na ako kakatext sayo pero wala na. Hindi kana nagreply :(( at ang sakit sakit. Galit! Galit nalang natira sakin. Wala na ung pride at dignity ko sa sarili ko. Ngayon lang ako nagkaganito at sayo pa. Halos mabaliw ako nun. OA ko diba? Wala naman tayong isang taon pero kung maka react ako parang isang taon tayo. Kaso alam mo ung masakit ung lahat na binigay ko at wala na natira sakin at bigla nalang masasayang ng ganun ganun. Alam mo ba kung gaano kasakit yun? Galit na galit ako sayo. Ano ba ginawa ko para gawin mo sakin to? Hindi mo ako binigyan ng reason. Ang sabi mo lang Wala akong tiwala sayo. Kung wala akong tiwala bakit kita hinahabol padin? Bakit inaayos ko padin yung relasyon natin. Kasi kung wala akong tiwala hahayaan ko nalang ikaw tutal hindi nadin ako naniniwala sayo. Bakit mo ako iniwan?

Dear ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon