Chapter 22

1.9K 37 0
                                    

Chapter 22

Lance pulled away from the hug. Tumayo ito at tinulungan makatayo si Ashley. Pagkatapos lumuhod ito at hinalikan ang impis na tiyan ni Ashley. " Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa iyo ngayon maysakit ang mommy mo. Hindi ko alam kung lalaki kang babae or lalaki. Malungkot kami ng mommy mo dahil hindi naming makikita ang iyong paglaki. Ngunit nagpapasalamat ako dahil dumating ka sa buhay naming. Kahit ano man ang mangyari, palaging kang may puwang sa puso ni daddy, at mahal na mahal kita.' At hinalikan ni Lance ang tiyan ni Ashley.

Tumayo at nakita niyang nakangiti si Ashley. Niyakap niya muli ito ng mahigpit.

'Go ang meet Monica, try to settle things with her.' Bulong ni Ashley. Binigyan niya ng nagtatanong na tingin ang babae.

'Huwag kang mag alala, okay lamang ako, nandito naman si Blake kasama ko. siguraduhin mo lang, huwag kang babalik na hindi kayo nagkakasundo.' Utos ni Ashley.

Samantala, kausap ni Monica ang kaibigan si Andrea habang naglalagay siya ng alak sa baso nito at tumabi sa kaniya.' So, ano ang gagawn mo ngayon?

Pagkaalis ni Ashley kanina sa kaniyang opisina,hindi makapag concentrate si Monica sa kaniyang trabaho. Laman ng kaniyang isipan ang tinuran ni Ashley kanina. Nakadama siya ng pagkahabag sa babae, no one deserves what she was going through.

Nang dumating si Monica galing trabaho, natuwa siya dahil tulog na ang kambal, at ngayon pwede niyang sabihin kay Andrea ang napag usapan nila ni Ashley.

'Sa totoo lang hindi ko alam.' Sagot ni Monica naguguluhan at pagod sa mga pagsubok na dumarating sa kaniyang buhay.

'Sa tingin ko kailangan mo ng harapin si Lance sa lalo madali panahon.' Suhestiyon ni Andrea

'Not again" Monica groaned,sumasakit na ang kaniyang ulo sa mga dramang naranasan niya ngayon araw.

"Takot ka bang harapin si Lance? Tanong ni Andrea, dahil hindi na niya naiintindihan ang kaniyang kaibigan ngayon.

"Hindi ko alam, siguro" nagkibit balikat siya.' Ngayon ko lang siya makakaharap pagkatapos ng limang taon, ayaw ako kausapin at tinangihan ako....ugh! ayaw ko ng isipin pa.' tugon ni Monica.

'Come on, it might not be that bad.' Sagot ni Andrea, sinubukan niya hikayatin ang kaibigan. The earlier she settles things , the quicker she has peace of mind.'

"Talaga" napatawa si Monica

"Facing Lance is not my problem;it's just bringing the kids involved. Ayaw ko silang masaktan.That's all.' Tugon ni Monica

'Hindi iyan problema, Monica gaya ng sinabi ni Ashley sa iyo,sigurado ako maging mabuti siyang ama at hindi niya sasaktan ang kambal.'

'Sana nga" bulong ni Monica at muli lumaok sa alak na kaniyang hawak.

"Mayroon ka pa rin bang damdamin sa kaniya,don't you? Bigla tanong ni Andrea,isang ngiti ang sumilay sa sulok ng kaniyang mga labi.

Nanlaki ang mga mata ni Monica sa tanong ni Andrea. At Nilagok ang natira alak sa baso.' Don't even go there, Andrea.'

'Mahal mo pa rin siya, diba? Tanong ulit ni Andrea,alam niya mahal pa rin ni Monica si Lance Del Fierro.

'Hindi ko alam,Andrea, hindi ko alam. Kahit mahal ko pa rin siya, hindi ko alam kung bibigyan ko pa rin siya ng pagkakataon. Masyado ako nasaktan, ano ang aking batayan hindi niya ako muli sasaktan?' tugon ni Monica.

"Naintindihan ni Andrea ang ibig sabihin ni Monica. Wala siyang pagdududa, mahihirapan si Lance kung gusto niya muli makuha ang loob ni Monica.

Tiningnan ni Andrea ang mga mat ani Monica at sabi.' Sa tingin ko may karapatan siyang malaman ang tungkol sa kambal. Limang taon na ang nakakaraan at wala siyang ideya tungkol sa mga bata. Please Monica, kahit hindi na para sa iyo, kundi para sa mga bata, karapatan nila malaman ang kanilang ama.'

Tumayo si Andrea, at niyakap si Monica.at bumulong ito,"Pag isipan mo ng mabuti, bago tumungo sa guestroom.

Habang malalim na nag iisip si Monica,ginambala siya ng tunog ng doorbell. Nagtataka siya kung sino ang bisita nila ngayon,dahil wala silang inaasahan darating. Tinatamad siyang tumayo at tinungo ang pintuan.

Nang buksan niya ang pintuan, ang taong nakatayo sa pintuan ay ang huling taong inaasahan niya makita. Andito sa kaniyang harapan ngayon, sa labas ng kanilang apartment.

'Lance Del Fierro" ang lalaking laging laman ng kaniyang isipan, ang lalaking naging dahilan kung bakit naging impiyerno ang kaniyang buhay noon. At ama ng kaniyang mga anak,there he was.'

Hindi maiwasan ni Lance tingnan si Monica. Bata pa siya ng huli niya makita ang babae, she was twenty years old noon. Ngayon twenty-five na siya, malaki ang pinagbago niya, ngunit lalo siyang naging magandang tingnan kahit mababakas ang pagod sa kaniyang mukha, gaya niya nakasoot pa rin ito ng office uniform.

Nagkatinginan sila ng ilang minuto hanggang si Lance ang bumasag sa katahimikan, na siyang ikinagulat ni Monica.

'Hi, Monica.' Bati ni Lance

Mapait ito napalunok pagkabangit sa kaniyang pangalan. Malakas pa rin ang epekto ni Lance sa kaniya, ngunit hindi pa siya handang tangapin ito. Hindi na siya ang dating mahinang babae noon.

Hindi niya sinagot ang pagbati ni Lance, napahalukipkip siya at sabi.' Hindi ko alam kung ano ang ginagawa mo dito"

"Alam ko hindi ako karapat dapat sa iyong presensiya. But please, kailangan kitang makausap, pwede baa ko pumasok? Nakikiusap na turan ni Lance.

'No" agad na sagot ni Monica.

Huminga ng malalim si Lance, napahaplos siya sa kaniyang walang ayos na buhok." I'm in for it today" bulong niya sa kaniyang sarili.

'Wala na tayo dapat pag usapan pa.' Monica finally said.

"Monica, mayroon kang karapatan magalit sa akin, ngunit pwede ba pakinggan mo muna ako? Pangako, sandali lang ako!

Hindi sumagot si Monica, nakatingin lamang siya kay Lance, pinag iisipan kung pakikingan niya si Lance o hindi"

'Please" pakiusap ni Lance sa kaniya

"Fine" pag-aatubili ni Monica.' Ngunit hindi dito, kunin ko lamang ang aking jacket, at hanap tayo ng ibang lugar para mag usap"

Pagkatapos niya dinampot ang kaniyang jacket, aalis na sana siya ng bigla lumitaw si Andrea sa kaniyang harapan.

"Try to settle with him, may karapatan siyang malaman tungkol sa kambal.' Nakikiusap na tugon ni Andrea.

Huminga ng malalim si Monica walang duda kanina pa nakikinig ang kaniyang kaibigan." I will try" Monica said, Andrea gave her a good luck hug.

The Billionaire MaidKde žijí příběhy. Začni objevovat