Chapter 19

1.7K 37 1
                                    

Chapter 19

'May balak ka bang sabihin kay Lance ang tungkol.........'

'No! putol ni Monica sa sasabihin ni Blake. Wala akong planong sasabihin sa kaniya ang tungkol sa mga bata.' Matigas niyang turan.

'Ngunit, sa isip mo wala siyang karapatan malaman ? tanong niya

'I don't think so.' Sagot ni Monica.

'Monica, Ngunit......' nagsasalita si Blake ngunit naputol muli ni Monica.

'Huwag mo ng ipagdiinan pa, Blake. Engaged na siya at magkakaroon na siya ng anak. Masaya na siya, diba? Turan ni Monica

Tumango si Blake.' Ngunti Monica, hindi niya alam na nandito ka, at hindi rin niya alam ang tungkol sa kambal.'

'Maraming salamat sa pag aalala mo, Blake. Hindi na niya kailangan pang malaman. Masaya na kami ng mga anak ko at kuntento kung ano meron kami. Masaya kami kahit wala si Lance sa aming buhay. Engaged na siya at mag kakaroon na siya ng anak. Kailangan siya ng anak niya. At masaya ako para sa kanila. Tugon ni Monica, kahit na nagpapatunay na ang kaniyang tinuran ay may halong sama ng loob.

Hinawakan ni Monica ang kamay ni Blake.' Mangako ka, huwag mo sasabihin sa mga Del Fierro.' Maluha-luha pakiusap ni Monica.

'Alam mo mahirap iyan pinapakiusap mo, diba? Parang pagtataksil sa bestfriend ko ang mapapangasawa ko kasama na ang mag asawang Del Fierro.

'Huminga ng malalim si Monica.' Alam ko, huwag mo muna sasabihin, kailangan ko lamang ng tamang panahon, pangako ako mismo ang mag sasabi.' Turan ni Monica

Tumango si Blake, tumayo ito at binigyan ng friendly hug si Monica.' Maging maayos din ang lahat, kung may kailangan ka, sabihin mo lamang sa akin.' He told her.

'Maraming salamat Blake, I appreciate it.' Turan niya habang bumibitaw sa braso ni Blake.

Pagkatapos ng kanilang usapan, nag order sila ng pagkain at nag usap tungkol sa Negosyo. Tinanong ni Blake ang mga bata, at nagkwento naman si Monica.

Nang magkwento si Monica, nakita ni Blake ang kislap ng kasiyahan sa mga mat ani Monica. Naintindihan nito kung ano ang pamamahal ng isang ina sa kaniyang anak. Maging napakahirap para sa kaniyang ilihim ang tungkol sa mga bata, lalo na't araw araw niya kasama ang magkapatid na si Lance at Bella.

Pagkatapos nila kumain, agad ng dumiretso si Monica sa kaniyang apartment, at umuwi na rin si Blake sa kaniyang Villa.

Blake was cuddling with Bella habang nakahiga sila sa kama. 'Masaya ka ba sa engagement ni kapatid mo kay Ashley? Biglang tanong ni Blake kay Bella.

'I think I am. Marami kaming dapat ipagpasalamat kay Ashley. Kung hindi dahil sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang naging kahihinatnan ng kapatid ko.' Sagot ni Bella.

'Yeah, alam ko, ngunit sa tingin mo mahal niya si Ashley? Tanong muli ni Blake

'iyan ang malaking tanong.'sagot ni Bella habang iniisip ang kaniyang kapatid.'alam kung mahalaga si Ashley kay Lance. Siguro itong baby ang mag uugnay sa kanilang dalawa. Maging matatag ang kanilang relasyon dahil magkakaanak na sila. Ngunit nag dududa ako, kung nakalimutan na niya si Monica.' Usal ni Bella.

'Diba malapit kayo sa isat-isa? Tanong ni Blak, referring to Bella and Monica.

'Very close, and I miss her so much, nang makabalik siya sa kanila work. Palagi niya ako tinatawagan. Nang biglang nahinto nag kaniyang atwag. Sinubukan kung tawagan, ngunti hindi pumanig sa akin ang panahon, hindi ko na siya ,muli nakausap.' Mababakas ang lungkot sa boses ni Bella.

'So, paano kung bigla lumitaw si Monica ngayon? ano ang gagawin mo? tanong ni Blake

Napatawa si Bella.' Nagbibiro ka ba! Hindi siya magpapakita pa sa amin buhay muli. Napakabait niya tao. ngunit masyado siyang sinaktan ng kapatid ko.' malungkot na sagot ni Bella.

'Sa tingin mo maging kumplikado ang lahat kapag bumalik siya? Tanong ni Bella, at tiningnan si Blake. ' Ang ibig kung sabihin, engaged na siya kay Ashley at magkakaroon na sila ng baby.' She clarified

'Yes, it will.' Sagot ni Blake habang hinahaplos ang buhok ni Bella. He clearly frustrated from all the drama.

'Goodnight, my love.' Turan ni Bella while yawning

'Good night, baby.'malambing niya sagot at hinalikan sa kaniyang noo.

Samantala sa Villa ni Lance Magkayakap si Lance at Ashley habang nanood ng tv. Pinagstay ni Lance si Ashley sa kaniyang villa dahil hindi maganda ang kaniyang pakiramdam. Ngayon buntis siya, mas lalong naging possessive si Lance sa kaniya.

'Ano sa tingin mo, mas gusto mo ang lalaki or babae? tanong ni Ashley kay Lance.

'Nakangiti ito sumagot.' Hindi iyan patas na tanong. Ngunit sigurado ako mamahalin ang bata kahit ano pa ang kasarian niya.

Pilit ang ngiting sumagot si Ashley, mababakas ang lungkot sa kaniyang mukha.'alam niyang hindi niya maiibigay kay Lance ang kagustuhan niya.' A healthy baby.'

Kinaumagahan , magkasabay si Lance at Ashley patungo sa opisina. Mayroon silang hindi pagkakaunawaan kaninang umaga. Ayaw ni Lance papasukin si Ashley sa trabaho ngunit mapilit si Ashley. Pinipilit niya maayos ang kaniyang kalagayan. Ayaw niyang may masabi ang kaniyang mga co workers dahil lamang sa engaged siya sa CEO.

Pinayagan ni Lance si Ashley papasok, ngunit sinabihan kapag hindi maayos ang kaniyang pakiramdam kailangan niya umuwi.

Pumasok si Ashley sa kaniyang opisina at napansin niya ang brown na envelope sa kaniyang table. Ngumiti ito. She could now bring her plan into action. Mabilis mag trabaho ang binayaran niyang imbestigador. Kinuha niya ang brown envelope at inilagay sa kaniyang drawer. Mamaya na niya bubuksan kapag lunch break niya.

Bago mag lunch break,nagpasiya ito tingnan ang impormasyon nakalap ng imbestigador. Dinampot ni Ashley ang brown envelope, umaasa itong maganda ang nilalaman nito.

Nang buksan niya ang envelope nagulat ito sa nakita. 'What? She work's at Spencer Inc.? secretary ni Blake? Hindi makapaniwalang usal niya sa kaniyang sarili.'Paano nangyari iyon?alam ba nito ni Blake? Of course, alam niya, siya ang sabi sa kaniya noon tungkul kay Monica. What a deceitful friend! Ashely said furiously.

'Twins! Halus lumuwa ang kaniyang mga mata.Monica? twins? How come? Tama ba ang taong inimbestigahan nito? Tanong ni Ashley sa kaniyang sarili, dahil mukha nagkamali ang impormasyon dumating sa kaniya.

Huminahon si Ashley ng makitang single ang marital status ni Monica. Nagkaroon siya ng pag-asa maging maayos ang kanyang plano. Humanga siya kay Monica sa pagiging matatag nito buhayin ang dalawang bata mag isa.

'Sino ang ama ng dalawang bata? Si Lanca kaya? Bulong ni Ashley, hindi inilagay ng imbestigador kung ilang taon na ang kambal. Hindi niya pwedeng sabihin kung kay Lance nga ang bata. Kung sa kaniya nga, maging bunos sa kanyang plano.


The Billionaire MaidHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin