“Sure ka? ‘Bat binigay mo sa ‘kin ang Scroll kung pwede mo naman pala siyang hanapin mag-isa? Kaanu-ano mo si Aling Corazon? Ba’t intersado ka sa kayamanan ng mga Saavedra? Ba’t mo ako sinusundan tuwing gabi? Ano bang major role mo sa book 2 na ‘to? At higit sa lahat... bakit ang gwapo mo?” Napatakip ako ng bibig dahil hindi ko intensyon na sabihin ang huling tanong ko sa kanya. Is it a Landi-generated question at bigla bigla na lang lumabas sa bibig ko ang tanong na ‘yun? Nagblush tuloy ako dahil hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ng Papable na kaharap ko ngayon.

Ipinatong niya ang kanyang kanang kamay upang ihilig sa pader na kinasasandalan ko. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil unti-unti niyang nilalapit ang kanyang mukha malapit sa aking mukha. Tinanggal niya gamit ang kaliwang kamay ang mga kamay ko na takip-takip ang bibig ko. Patuloy pa rin ang paglapit ng kanyang mukha hanggang sa......

Boom! Fireworks Display! Sparks fly! Is it real? Is it real? This can’t be happening! Hindi ‘to totoo! Hinalikan niya ako! Without any permission! Ang lambot ng labi niya at para akong timang na parang na-frozen at hindi na makagalaw sa pagkakahalik niyang ‘yun. OMG! A wattpad cliché story came to reality.

“Malalaman mo rin kung sino ako Alex pero hindi pa sa ngayon. Hanggang sa muli nating pagkikita,” ngiti niyang sabi sabay papalayo palabas ng eskinita at muling sinuot ang hoodie sa kanyang ulo.

OMG! Naramdaman ko ang lambot ng labi niya. Ang sharap sharap! Hindi ako makapaniwalang gagawin niya ‘yun na akitin ang maharot kong labi. Para akong tanga na hinahawakan ko ang aking labi habang tinitingnan siya palayo. Para akong nananaginip at nakasakay sa malambot na alapaap. Iba ang feeling na parang puma-fangurl lang ang peg. Kung siguro friends pa kami ni Darla iinggitin ko siya, sasabihin ko... Darla, ang sharap.... ang sharap sharap! Trip niya ang mga ganung klaseng boylets na sasakan ng gwapo at over sa sex appeal.

**

Safe akong nakarating pauwi kagabi at safe rin akong gumising today. Ang sarap ng tulog ko dahil napanaginipan ko ang gwapong gwaping Prince Charming kong si Joaquin. Ang mysterious lang ng peg niya na ayaw pang aminin kung sino ngang talaga siya with matching halik pa sa lips ko. Siguro’y minamatyagan niya ako araw-araw para gabayan at protektahan ako against evil forces like Echoserang palang dugyot na other Joaquin.

Medyo late ako ng konting gumising pero okay lang dahil tulog pa si Kuya. Nag prep up muna ako before akong magluto ng almusal namin. Medyo ganado ako today at waging wagi ang plano kong mag aliw-aliw kagabi dahil tanggal lahat ng stress ko sa katawan. Naipaghiganti ko na si Kuya sa haliparot na Terrylyn na ‘yun, meron pa akong libreng kiss sa Knight in Shining Armour kong si Papa Joaquin.

“Hanggang sa muli nating pagkikita.” Nagfaflashback talaga ang huling sinabi niya sa akin sa aking intelligent brains. Hayz, kailan kaya kaming muling magkikita ng love of my life slash future husband kong si Papa Joaquin? Ang sarap lang ng feeling na paulit-ulit na nagrereplay yung kissing scene namin sa utak kong puno ng kalandian.

Nang matapos magluto ng aalmusalin e tinapon ko ang basurang naipon sa lagayan ng basura sa labas ng aming gate. Bawat pag-apak ko sa paglakad e si Papa Joaquin pa rin ang laman ng isip ko kaya’t para akong timang na ngumingiti sa kawalan. Ang sarap ng feeling na nainlove at first sight ka sa isang gwapong gwapong lalaki. First time kong naramdaman ang ganitong klaseng feeling. ‘Yung kay Papa Jace e through time nadevelop ang hidden desire and fantasy ko sa kanya simula nang maghiwalay kami ni Gerome. Pero itong si Papa Joaquin, love at first sight and kiss talaga!

“I LOVE YOU JOAQUIN! IKAW ANG LALAKING PINAPANGARAP KO. I WANT TO BE YOUR WIFE NOT YOUR GIRLFRIEND,” madrama kong sabi habang kinakausap ang sarili sa kawalan. Wala namang tao kaya medyo nag-iinternalize ako ng aking sasabihin kung sakaling magkita kaming muli ng Knight in Shining Armour ko.

“Mahal na mahal kita Joaquin. Sana tanggapin mo ang pag-ibig ko now na. Mamamatay ako kung hindi mo matatanggap ang pag-ibig ko sayo. I LOVE YOU JOAQUIN. I TRULY LOVE YOU. WOULD YOU BE MY HUSBAND?” masidhi kong sabi na feeling e kaharap ko lang ‘yung taong kinakausap ko.

“Oo. Yes! Yes na Yes!!!”

Nagulat ako nang may biglang sumagot. Hindi ko narecognize kaagad ang boses pero biglang humagip sa isip ko na bigla kaagad  dumating si Papa Joaquin upang tingnan ako dahil sa pagkamiss niya sa ‘kin. Hindi niya ata ako matiis. Naadik ata siya sa lips ko kagabi kaya he wants more kiss.

I was in a state of shock and anticipation. Unti-unti kong iniharap ang sarili ko sa taong sumagot na nuo’y nasa labas lang ng pinto. Ang mukhang puno ng ligaya at pagmamahal ay napalitan ng pagkayamot, pakainis, pagkasuklam, pagkalumo... lahat lahat na ata ng negatibo e pumasok sa utak ko to find out na ang sumagot ng OO e walang iba kundi ang Echoserang Palakang si Joaquin.

Nagsalubong ang kilay ko ng literal at ang nguso ko’y nakakagawa na ng matulis na bagay na kulang na lang e gawin kong panaksak sa baga niya. Ang loko’y akala mo’y nasa Cloud 9 kung makangiti na feeling e siya ‘yung Joaquin na tinutukoy ko.

“Paano ka nakapasok dito?” mataray kong sabi niya.

“Nakabukas ang gate e. Sinasabi ko na nga ba Alex at may matindi ka palang pagnanasa sa ‘kin. Gusto mo rin pala akong maging asawa? Aaminin ko na sayo Alex, gusto rin kita. Gusto rin kitang maging asawa kaya... Yes ang sagot ko!” confident niyang sabi.

Bigla na lang akong nakaramdam ng hilab sa tiyan, yung tipong gusto kong maduwal dahil sa pandidiri.

“Ergggghhh”

Dali-dali akong dumiretso ng lababo upang dumuwal. Grabe lang ang pandidiri ko sa sinabi niya na kahit kelan e hindi pumasok sa isip ko ang ganung kaganapan.

“Grabe naman Alex. Sasagutin pa lang kita buntis ka na kaagad?” hirit pa nung tarantadong buteteng tukmol na kamukha naman ni Chocolate. Tuluyan na akong sumuka nang sinabi niya ‘yun.

How to Seduce a Hunk Again [Book 2] COMPLETEDWhere stories live. Discover now