The End Part 3 (Chapter 43): Our Love is Made by Shadows

11.1K 443 64
                                    


"Hindi ka ba nako-conscious Jace?"

Zanmiks pulled up a mysterious smile na ang mga mata'y tila nangingiti. Narito pa rin kami ngayon sa lugar kung saan ako nabitag ng sarili kong patibong. Mga alas sais na ng gabi at padilim na ang paligid pero minabuti naming umupo sa ilalim ng matayog na puno ng buko habang pinagmamasdan ang kalawakan ng karagatan.

"Bakit naman?!"

"Yung pakiramdam na feeling mo.... Lahat ng tao nakatingin sayo? Lahat ng tao alam yung ginagawa mo? Lahat pinag-iisipan ka ng masama pero hindi lang nila masabi sa 'yo ng diretso? Yung mga ganung feeling?"

Pareho kami ng nararamdaman ni Mick. We're both paranoid! Sa sobrang tago ng relasyon namin, mas lalo kaming nakaka-create ng MONSTERS deep inside us. At ito yung takot na sinasabi ko nuong una pa lang.... What if malaman ng iba? Anong mangyayari sa 'min? Paano namin 'yun malulusutan?

"Syempre naman Mick. Manhid na talaga ako kung hindi ko 'yun mararamdaman," paliwanag ko na may halong ngiti. "Kaya nga siguro... laking pagsisisi ko na sinabi ko kay Alex ang naging relasyon natin. Hindi pala ganun kadali pero I made it easy to KISS AND TELL. Naiintindihan na kita kung bakit ka nagalit sa 'kin. Mahirap pala talaga yung relasyong ganito."

Kumuha si Mick ng maliit na bato at inihagis papuntang tubig. "Napatawad na kita dun Jace, wala ka naman talagang kasalanan. Masyado lang siguro akong nasaktan, di ko naman maiiwasan na darating din sa puntong ganun pero......."

Napatigil si Mick sa pagsasalita. Damang-dama ko 'yung frustrations niya na frustrations ko na rin.

"Pero.... ano Mick?!"

"Pero.... tsssss.... Hindi ko talaga alam Jace e. Wala akong alam na gawin. Parang feeling ko napaka useless ko. Napaka duwag ko kase.... Hindi ko alam kung anong gusto kong mangyari sa buhay ko."

"Bakit? Ano bang gusto mong mangyari sa buhay mo Mick?"

Napabuntong hininga siya. Hinahaplos haplos niya ang kanyang braso na tipong aligaga. First time ko siyang makitang ganun.

"Marami! Pero.... hindi ko alam. Hindi ko na alam Jace!"

Ipinatong ko ang aking kaliwang kamay sa kanyang kanang braso. Hinaplos haplos ko ito upang makaramdam siya ng assurance na, kahit anong mangyari, narito lang akong para sa kanya.

"Saka mo na lang isipin ang mga 'yan Mick 'pag tapos na ang misyong ito."

"Matapos man ang misyong ito. Hindi ko pa rin maikakaila na, hindi ko alam kung ano ba talagang misyon ko sa buhay."

Hindi maitatago sa hitsura ni Mick ang labis na pagkalito at pagkabalisa. Ano bang pwede kong gawin? Naiparamdam ko naman sa kanya na lagi akong nandito para sa kanya. Na pareho lang naman kami ng pinagdadaanan kaya't hindi siya nag-iisa. Pero ibang Mick ang nakikita ko ngayon, ibang anggulo ng personalidad niya na hindi ko pa nakikita kahit kailangan maliban ngayon.

"Hindi lang naman ikaw Mick. Tingin mo ba ikaw lang 'yung nakakaramdam ng ganyan? Ako rin naman e. Hindi ko alam kung, tayo ba ang magkakatuluyan? Magiging magkarelasyon ba tayo officially? Magiging mag-asawa? Mamumuhay ng normal gaya ng sa babae at lalaki? Magiging masaya ba tayo na hindi pinag-iisipan ng masama ng mga taong nakapaligid sa 'tin? 'Yun lang naman 'yun e!"

"Alam ko 'yang mga sinasabi mo Jace, pero hindi lang dun 'yun nagtatapos."

"Dun lang naman umiikot 'yun Mick. Pareho tayong lalaki. Straight tayo bago nagkrus ang mga landas natin. Pero ngayon? Anong tingin mo? Takot tayong mawala 'yung kaisa-isang nagbubuo ng pagkalalaki natin. Dun pa lang hindi na natin malagpasan. Pero hinusgahan ba kita? Hinusgahan mo ba ako? Naghusgahan ba tayo?"

How to Seduce a Hunk Again [Book 2] COMPLETEDWhere stories live. Discover now