Chapter 8: Password

16.2K 537 36
                                    

Nasa gitna ako ng meeting nang bigla akong maka-receive ng call mula kay Ten-Ten.

“Mr. Novales, sagutin ko lang ‘yung call,” pagpapaalam ko sa kanya.

“Sure! Take your time Jace.”

Lumabas ako ng meeting room para sagutin ang tawag ng kapatid ko na ngayo’y nasa States. “Napatawag ka Ten?”

“Where are you by the way?” tila usisa niyang tanong.

“Nasa meeting with Mr. Novales. Bakit?”

“Wala lang, I’m just checking. I just want to inform you something about,” pagputol niya.  “The Treasure.”

Medyo na uplift ang spirit ko ng mabanggit niya ang salitang “Treasure” sa hindi ko alam na kadahilanan. “Bakit nahanap na ba?” sagot ko sa mababang tono.

“Nope. Meron lang akong nakuhang information and it’s actually weirding me out,” sambit niya.

“Anong information naman ang tinutukoy mo?”

“Well, Tita Minerva has an idea na raw kung saan ito matatagpuan. According to my sources, nagjoin forces na raw sila ni Tita Jacky. Would you believe that? Mortal enemies became friends?”

Si Tita Minerva ang panganay na anak nina Don Fausto at Donya Lolita Saavedra na lolo at lola naman namin. Si Tita Jacky naman ang ikalawa. Si Tito Sunico ang ikatlo at kaisa-isang lalaki sa magkakapatid samantalang si Corazon (My Adoptive Mother) ang bunso. Kung si Mama at Tito Sunico e silent war lang ang nagaganap, world war naman ang hidwaan nina Tita Minerva at Tita Jacky.

“Talaga? It’s a revelation!”

“True! Pabonggahan pa sila sa abuloy nila kay Mama pero no show naman sila sa burol at mismong libing. Mabuti pa si Tito Sunico kahit galit kay Mama, present pa rin siya and he doesn’t get involved.”

“Pero all are involved now... with the treasure!” kumpyansa kong tugon.

“Exactly! Hindi nila alam na nasa atin talaga ang hinahanap nila kaya hanapin ang dapat hanapin before it’s too late. Nakatunog sila sa ginawang treasure hunting blah blah ni Madir. Akala nila yung kayamanan talaga ang hinahanap natin pero.... the treasure is somewhere hidden and it has a password.”

“So the password is..... Alex?” paalangan kong banggit.

Sa ending ng tatlong libro e nag-iwan ng tila palaisipan si Mama. “Alex” ang huling makikitang salita sa librong “Mystery of Life”, na makikita sa lower right portion ng huling page, na ginawa niya para sa ‘kin. Medyo vague sa ‘kin ‘to nung unang mabasa, naisip ko baka typo error lang ‘yung word o parang naligaw lang. Tinanong ako ni Ten matapos mabasa ang libro niyang “Blessing in Disguise” dahil may vague words na nakalagay sa huling pahina ng libro na “... to the real treasure is...” Dun ko parang nafigure out na merong gustong ipahiwatig si Mama, ramdam ko nun na hindi sadya ang pagkakabanggit ng mga salitang iyon dahil naka BOLD ang mga ito.

How to Seduce a Hunk Again [Book 2] COMPLETEDWhere stories live. Discover now