"A-Anong sabi mo?" Napadiin ang hawak ni Zyon sa kamay kong pilit na kumakawala sa kanya.
"Yan ba ang nagagawa ng kaka drums mo? Nabingi ka na?" I almost rolled my eyes at him.
"Selene..."
Napatitig ako sa mukha niya. We've been together for two years now. I liked him the first time I saw him. It took him a lot of time to have the guts to pursue me. Muntik na ngang ako ang manligaw kay Zy.
"I will be 18 in a couple of months. Three months to be exact,Zy. Marry me or let's end this now."
Alam ko na kino-consume na ako masyado ng pagseselos ko. I know I should understand that he needed to do these things. Tumutugtog siya tuwing weekends sa isang bistro. I couldn't even go there to watch him perform. Tuwing weekends kasi ay parang grand nights ng bistro. Parang nagiging bar ito sa gabi pag weekends. Drinks and bands. And that only means one thing-minors are not allowed. I am not allowed to go there. Unlike some minors na pwedeng pumuslit,ako hindi. Baka tuluyang mapasara ang bistro kapag pinapasok ako ng mga bouncer doon.
Tumutugtog ang banda ni Zy doon pero hindi naman siya sumasama dati. Nitong nakaraan lang niya naisipan at pinilit ko naman siyang intindihin.
"Pinag iisipan ang bagay na yan,Selene." Tinitigan ko lang ang gwapong mukha niya na mapuno ng pagtutol. Nakaramdam ako ng sakit. I felt rejected. Pero pinilit kong maging matapang parin ang ekspresyon sa harap niya.
Pinilit kong hinila ang mga kamay ko na hawak niya. "Then let's break up,Zy."
"Tang ina naman!"
Napaigtad ako ng bigla niyang sipain ang nanahimik na basurahan sa gilid.
Hindi makapaniwalang napatingin siya sakin."Nung nakaraan lang pinipilit mo akong wag nang tumugtog sa bistro. Ngayon naman,heto. Selene,gustong gusto kitang pakasalan. Pero anong ipapakain ko sayo? Kulang pa nga yung kinikita ko sa pagtugtog para sa pag-aaral ko."
"You don't have to feed me!"Napatayo na rin ako."It will just be a secret marriage,Zy. You don't need to give me anything. Only your name. Then pag okay na lahat,we can tell my parents about it. We don't even need to live together yet."
Naplano ko na to sa isipan ko ng ilang beses. Siguro dahil sa mga nakikita at naririnig kong pagkahumaling ng mga tao sa paligid ko kay Zy. Palagi kong naririnig ang pangalan niya sa school. May kakaiba siyang hatak sa tao lalo na sa mga kababaihan. And since he started appearing in that bistro,mas yumabong ang takot na nararamdaman ko. Wala man lang akong pinanghahawakan sa kanya. Sa dalawang taon namin,ni hindi ko masabi sa mga tao na akin siya. I can't even introduce him to my parents. Kilala ako ng tatay niya. At kilala siya ng driver ko. Hanggang dun na lang ba kami?
No. I don't want that anymore. I already planned everything in my head. What could go wrong?
"One year na lang naman ga-graduate ka na diba? After that,you probably will find a good paying job. We can tell them. Kahit tumutol pa sila,wala na silang magagawa dahil kasal na tayo." Three years lang ang tanda niya sakin. So he will finish college by then.
"Naririnig mo ba ang sarili mo,Selene? Anong mukha ang ihaharap ko sa mga magulang mo? Hindi ko man lang maipagpaalam sa kanila na pakakasalan kita? I respect them as much as I respect you. Pumayag na akong itago mo ako sa kanila dahil ayokong ilayo ka nila sakin. Tama na yun. Wag na nating gawing mas komplikado to."
"You made your choice,then." Pinilit kong patatagin ang boses ko. I don't want him to see me like a kid throwing a tantrum dahil lang sa hindi ko makuha ang gusto ko. God! I just realized I was the one who proposed to him. And I got rejected. Siguro dapat may singsing ako? Para na tuloy akong tangang natatawa sa sarili ko.
YOU ARE READING
Always And Forever
Romance"I will be 18 in a couple of months. Three months to be exact,Zy. Marry me or let's end this now." Kung alam lang ni Selene ang consequences ng mga katagang sinabi niya noon sa tanging lalaking nagpatibok ng puso niya, siguro ay hindi niya ito yayai...
