HOSPICIO ALAY HILING

19 10 1
                                    

Isinulat ni : John Kenneth Plaza
Wattpad @Themisteriousjuan
————✨✨✨————

Dedicated to: GURUSAKI
Thanks bunso for the support dito 😍

UMUULAN ng nyebe sa buong nayon. Tanaw rin mula sa labas ang mga nagngingitiang mga tao sa daan na parang walang iniindang problema. Mayroon ding ilang kabataan ang nagsisipag-awitan ng pampasko.

Habang naglalakad silang dalawa na maglola ay nasasamyo din ni Buboy ang katakam-takam na amoy ng bagong lutong puto bumbong sa tapat ng simbahan. Nagkatinginin silang dalawa ng kaniyang Lola, nakahawak ang munting kamay niya sa palad nito.

Ito na nga ang araw ng kapaskuhan. Ang panahon ng pagbibigayan at pagmamahalan. Naaninag pa niya ang mga masasayang mukha ng mga tao na nakapaligid sa kanila. Magkakasama ang bawat mag-anak na nakikita ang kakaibang kislap sa mga mata ng mga ito. Ngunit para sa isang musmos na kaisipan si Buboy ay wala itong dalang saya. Hindi niya mawari sa sarili kung bakit ang dami-daming tao ang labis ang kagalakan.

"Merry Christmas, Apo," mahinang tinig ang narinig niya mula sa kaniyang likuran.

Walang iba kung hindi ang taong nag-aruga sa kanya mula pagkabata. Nasabi sa kaniya ng kanyang Lola Felizidad na iniwan siya ng kaniyang mga magulang noong siya ay dalawang taon pa lamang. Pilit siyang ngumiti sa harap ng kaniyang Lola na may halong pagtataka.

"Kailagan bang magbatian ng katagang 'Merry Christmas' at bakit may mga pagkain sa hapag?"

"Merry Christmas din po, La" nakangiting tugon nito.

Nakangiti siya sa harap ng kaniyang Lola, ngunit ang kanyang mga mata ay makikita ang labis  na pangungulila't pagmamahal ng mga magulang.

Siguro kung hindi lang abala sa trabaho ang kaniyang mga magulang ay hindi siya iniwan ng mga ito. Na hanggang ngayon ay hindi man lamang siya masulyapan ng mga ito o nag-abala man lamang na makita siya.

Upang hindi na sumagi pa sa kaniyang isipan ang kaniyang mga magulang ay naging libangan na ni Buboy ang paglalaro ng brick games sa loob ng kwarto at nakahiligan na rin niyang dumungaw sa bintana araw-araw. Nagbabakasali na isang araw ay matunghuayan niyang nandoon sa labas ng bahay ang kaniyang mga magulang.

Minsan ay lihim siyang umaakyat sa bubongan ng tahanan nila upang masaksihan ang pagbagsak ng mga bituin. Katulad ng maraming kabataan, may mga bagay siyang hinihiling doon. Minsan ay nasabi ng kanyang Lola Felizidad na, "Kapag humiling ka sa bumabagsak na bituin mula sa langit nang mataimtim ay unti-unting matutupad ang iyong hilig.

Kailangan mo lamang magtiwala." Dahil doon ay maya't maya rin siyang tumitingin sa kalendaryong nakasabit sa pader ng kwarto niya.

Isang araw, sa susunod na lingo, at samakalawa. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at hinihiling na nandyan na ang kaniyamg mga magulang.

Kinabukasan ay gumising siya nang maaga.

May kakaibang kislap sa kaniyang mga mata at ngiting nakabungisngis ang nakalarawan sa mukha ni Buboy. Ito ang araw na espesyal para sa kaniya. Ang kaniyang pinakahihintay na araw, ang pag-uwi ng kaniyang mga magulang galing sa ibang bansa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 20, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hospicio Alay Hiling Where stories live. Discover now