Huhu nawawala na ako! Ang laki kasi ng eskwelahan na 'to eh!
Hindi ko na talaga mapigilang umiyak.

"Patay ako nito ngayon..." sabi ko habang umiiyak.
Huhu hindi ko talaga mapugilang umiyak baka hindi na ako makakain! Ayoko talaga sa lahat ang nagugutom tsaka baka mamaya nag-start na pala ang klase!

Ang tanga ko lang talaga! Nalimutan ko ding dalhin ang cellphone ko!

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iyak ng may narinig ako.

"Ano ba 'yan! Ang ingay! Kitang natutulog ako eh!"

Tumingin ako sa direksyon kung nasaan galing ang ingay. Nang makita niyang umiiyak nataranta siya. Agad niya akong nilapitan at tinanong.

"Uhmm...miss bakit ka umiiyak?" Tanong ng lalaking nagising ko. Hindi ko masyadong makita ang mukha niya kasi may tubig yung mata ko.

Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko at nakita ko kung gaano kagwapo ang lalaking ito.

Shuta! Umiiyak na nga ako yun pa rin ang iniisip ko.

"Kasi nawawala ako eh...hindi ko alam nasaan ako."

"Ganon ba miss? Huwag kang mag-alala tutulungan kita."

"Salamat hah? Pwede mo bang ituro muna sa'kin kung nasaan ang cafeteria? Gutom na gutom na kasi ako eh."

May binigay sya na kulay asul na panyo.

"Oo ba! Punasan mo muna ang mga luha sa mukha mo."

Tinanggap ko ang panyo na binigay niya at ipinunas sa mukha ko.

"Ako nga pala si Nyx." Sabi niya sabay lahad ng kamay.

"Flynn." Sabi ko at tinggap ang kamay niya.

"Bakita panlalaki ang pangalan mo?" Sabi niya na parang natatawa.

Katawa-tawa ba ang pangalan ko? Aba bastos to ah! Charot.

"Itanong mo sa nanay ko." Tumawa na talaga siya.

"Punta na tayo ng cafeteria?"

"Sige, ituro mo hah?" Ngumiti lang sya sakin.

Naglakad na kami papunta sa cafeteria. Habang naglalakad kami hindi ko talaga kaya katahimikan kaya nagtanong ako.

"Anong year kana?" Tanong ko sa kanya.

"Grade 12. Ikaw?"

"Grade 12 na din. Anong section mo?"

"Mendel."

"Hala! mag-kaklase pala tayo!" Hindi ko talaga mapigilang sumigaw kasi hindi ko sya nakita kanina pero mag kaklase kami.

OA ko noh? Haha.

Nakita kong nagtakip sya ng tenga. Ganon ba kalakas ang pagsigaw ko?

"Kailangan sumigaw?" Tanong niya at binaba ang dalawang kamay na nakatakip sa tenga nya.

"Hehe sorry... hindi kasi kita nakita kanina eh."

"Transferee ka?"

"Oo. Kaya nga ako nawawala kanina eh."

"Ahh...kakapasok mo lang kanina?"

"Oo." Nakita kong tumango lang sya.

Naalala ko ang pinag tsi-tsismisan kanina... yung captain daw?
Itanong ko kaya sa kanya?

"Uhm...Nyx?"

"Hmm?" Sabi niya at tumingin sa'kin.

"May kilala ka bang Captain dito?"

Innocently DangerousWhere stories live. Discover now