Siguro nasa closet siya…

Nag-CR muna ako, syempre tanggal tanggal din ng make-up sa mukha!

After nun, lumabas na ko kaagad.

I saw Daniel on the study table, checking his twitter account.

Di na ko nagsalita, nag-climb na ko kaagad sa bed.

Tapos pinatay ko yung lamp sa may gilid ko.

SYEMPRE, di ako bastos para patayin yung light sa gilid niya.

Dun ako sa right side kasi dun ako sanay.

Niyakap ko yung unan ko ng sobrang higpit tapos nag-kumot na rin ako.

Yung abot leeg yung takip.

Pano, ang lamig kaya ng aircon!

“Huy! Matutulog ka na?” Tanong niya. I had my eyes closed at wala akong balak imulat yun.

“Ay hindi. Magtatatalon ako dito sa kama para masaya”

 

“Ang ayos-ayos ng tanong ko tapos pinipilosopo mo ko”

 

“Bakit? Maayos din naman sagot ko ah!”

 

“Anong maayos dun? Teka, di pa tayo nagdi-dinner ah! Tumayo ka nga diyan, kumain muna tayo”

I groaned tapos tumalikod na ko.

“Ikaw na lang. Pagod na ko” Sabay takip ng unan sa mukha.

Ang heavy na kasi ng mata ko.

As in, inaantok na talaga ako!

Buti na lang Sunday bukas.

Walang pasok.

>_<

“Tayo!” Utos nitong makulit na nilalang.

Naramdaman kong pinipitik niya yung braso ko pero di naman ako gumalaw.

Pretending ako na sleep na ko.

“Hoy babae, tayo na nga! Kumain muna tayo sa baba! Hindi pwedeng walang laman yang tiyan mo! Magkaka-ulcer ka niyan!” 

“Wag ka ngang makulit! BUSOG AKO! BUSOG!”

 

“Anong busog! Eh hindi ka nga kumain kanina sa restaurant eh! Ano ba! Ang tigas naman ng ulo mo eh!”

Stuck Forever with You (Stuck Series Book 2)Where stories live. Discover now