To: Vice

Wait lang ate ha?

Agad naman dumiretso sa kwarto ni Senyora Z si Karylle. Kumatok sya nang tatlong beses at pinagbuksanan naman sya.

"Um, Senyora.. aalis po sana ako ngayon.. pwede po ba?" Tugon ni Karylle.

"Okay, sige." Pasimpleng tugon ni Senyora Z.

"Thank you po!!" sambit ni Karylle at bumalik na sa kanyang kwarto at tinext si Vice.

To: Vice

Ate, give me an hour. Prep up lang ako.

From: Vice

Ok. Kita nalang tayo sa ABS. See you!! :*

Naligo na si Karylle, pagkatapos nya maligo ay naghanap sya ng matinong damit at sapatos. Blinower nya ang buhok nya kinulot ito sa ends, naglight make up lang sya. She wore a plain black tank top, acid wash skinny pants and black wedge shoes. Oh diba? Mukhang bagets na magpaparty ang ating bida. :-)

Nilock nya ang kanyang kwarto at nilisan na ang bahay nila. Sumakay na sya nang jeep papunta ABS.

Pagkarating nya roon, dumiretso muna sya nang Mcdo at bumili ng McFlurry.

Habang nilalantakan nya ang order nya, pumasok sa Mcdo ang sikat na vocalist nang Spongecola na si Yael na kasama pa si Billy. Lingid sa inyong kaalaman, Fan si Karylle ng KANTA ng Spongecola...hindi nung banda. Nung kanta lang.

Agad pumunta si Karylle sa counter kung saan naroroon si Yael at Billy, Kinalabit nya si Yael at lumingon naman sya kay Karylle.

"Hi sir Yael!!! Fan po ako ng SONGS nyo!!! Grabe!" tugon nang naghyhysterical na si Karylle.

Natameme naman si Yael kay Karylle. Makikita mong nabighani si Yael kay Karylle. "O-ohh, t-thanks." Thats all Yael can manage to say.

Lumingon naman si Billy kay Karylle, "Oh, karylle!!! Nandito ka pala!"

"Hi billy." tugon ni Karylle sabay kaway.

"Oh, Yael.. this is Karylle, friend namin sya especially ni Vice, Karylle, this is Yael, of course you know him." Tugon ni Billy.

Nag-offer naman nang shake hands si Karylle kay Yael, "Nice to meet you," nakangiting tugon ni Karylle. Wa ispluk pa si Yael dahil gandang ganda sya kay Karylle.

Natapos ang shake hands nang nag buzz ang cellphone ni Karylle. Nagtext si Vice na nasa ABS na sya. "Um, aalis na ko ha? Sige, ingat kayo." tugon ni Karylle at lumabas na nang Mcdo.

"Hoy, Mr. Yuzon. Bat ang tahimik mo?" tugon ni Billy.

"Man, She's gorgeous." finally nagsalita na si Yael.

"Pare, back off ka na sakanya, Kay Vice na yan."

*****

Kasalukuyang nagtetext si Vice sa labas nang ABS nang masilayan nya si Karylle na patawid galing Mcdo ABS.

Pagkatawid nang dalaga, agad syang bumeso at yumakap, tinignam nya ang dalaga mula ulo hanggang paa.

"Ganda mo tonight K." Sinserong tugon ni Vice.

"Ganda mo rin." tugon ni Karylle habang nakangiti.

"Alam ko na yun, haha. Tara, alis na tayo?" tugon ni Vice.

Tumango naman si Karylle. Sumakay na sila sa Hummer ni Vice. Sa second row sila umupo dahil may driver at nasa shotgun seat si Buern habang nasa likod naman si Archie.

"Hi Buern, Hi Archie!!" bati ni Karylle sa dalawang bakla.

"Hi K!" sabay nilang bati kay Karylle.

"Kamusta ka naman Karylle?" tugon ni Vice.

"Ayun, okay lang. Hehe. Ikaw? Okay ka na ba?" Karylle.

"Oo naman, I'm okay na. Uy, salamat pala sa pagalaga sakin noon ha?" Vice.

"Wala yun. Hehe." Karylle.

"Anong wala yun? Dahil dyan, bibigyan kita ng super hug!!!" sambit ni Vice at niyakap si Karylle, yung yakap na mapag-angkin kumbaga. Hinalikan rin ni Vice ang tuktok ng ulo ni Karylle.

"I love you K!!!" Sabi ni Vice between their hug.

"I love y-you t-too, Vice."

*****

Nakarating na sila nang Project Pie, pagkababa nila nang kotse, agad nilapitan ni Buern at Archie si Vice.

"HOY. Aminin mo nga saamin, inlove ka na sa merlat no?!" panimula ni Buern.

"Hala, hindi ah." tugon ni Vice habang papasok nang Project Pie.

"Eh ano yung yakapan nyo sa kotse? May pa-super hug ka pang nalalaman!!!" Archie.

"Hay nako kayo, porket ganon, Inlove agad? Espesyal saakin si Karylle. Okay?" sinserong tugon ni Vice.

"Kwento mo sa hotdog ni Aljur." Archie.

"Espesyal your face." Buern.

"Bahala nga kayo kung ayaw nyo maniwala! Mga baliw!!" At iniwan na ni Vice ang dalawang bakla at dumiretso sa table nila ni Karylle.

***

Habang nakain ang sina Vice, Karylle, Buern at Archie ay puno nang tawanan ang kanilang table, minsan kase ay nagpapatawa si Vice at minsan si Karylle.

"K, anong course kinuha mo nung college?" tanong ni Archie.

"Interior Designing." simpleng tugon ni K.

"Wow, Interior Designer pala tong si Kulot eh!!" sambit ni Buern.

"Magiging Interior Designer palang. Iinterview ako sa susunod na araw. Wish me luck pala, hehe." Karylle.

"I wish you all of my lucks!!!!" singit ni Vice habang nakain ng salad.

"Thank you, Vicey!" Karylle.

Napaupo naman si Buern at Archie. Fake cough para makuha atensyon ni Vice... at Karylle.

"Uy, okay lang kayo?" Concern na tanong ni Karylle.

"Ah eh.. (coughs) oo!" Buern.

"Wag kang maawa dyan, K. Paepal lang yan." tugon ni Vice dahil nagegets nya kung bakit nagfefake cough ang dalawa.

"Fake cough pa more!" Tugon ni Vice habang natatawa.

*******

"Thank you Vice ha? Super busog nung food doon." Karylle.

Nakabalik na sila nang ABS at pasakay na si Karylle ng jeep..

"No, K. Thank you for taking care of me back then." Vice.

"You're welcome!" Jolly na tugon ni Karylle.

Tumawa naman si Vice sa pagiging jolly ni Karylle, tinitigan nya ito saglit at biglang sumeryoso ang mukha nya. Nagtaka naman si Karylle.

"Okay ka lang, Vice?" Karylle.

Kesa sa tumugon sa tanong ng dalaga, Niyakap nya ng mahigpit si Karylle, yumakap naman ng pabalik si Karylle.

"Hindi mo alam kung gaano kaimportante saakin yung pagaalaga mo. No one took care of me eversince, but you came. So It's my responsibility to protect and to take care of you, and to make you happy. You are so special to me, Karylle."

*******

A/N: Kiligin sana tumbong nyo :-) Namiss ko kayo haha, mahaba yan ah. A for effort hihi.

Tweet meh i dont gigabyte (weeeeh) -@huskyvice

Perks of being a Fangirl (Vicerylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon