:)))))))))))))

5.9K 230 43
                                    

General POV

Nang mapagtanto ni Karylle na nasa kwarto sya ni Vice... biglang syang..

"AHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!" tumili si Karylle nang sobrang lakas. Rason para gumising si Vice.

"K, bakit?" sabi ni Vice na papungas pungas pa ng mata.

"Vice, bakit ako nandito?!" nagpapanic na tugon ni Karylle.

Bumangon si Vice mula sa pagkakahiga sa sofa."Ganito kase yun..."

Flashback--

Tapos na pumarty ang showtime family sa Valkyrie.. kasalukuyang naguusap sila sa parking lot dahil hindi nila alam kung saan nila iuuwi si Karylle.

"Do you know where she lives?" tanong ni Anne na binabackhug si Vhong.

"Hindi eh." tugon ni Vice sabay kamot ng ulo habang buhat si Karylle.

"Bestie, uwi mo nalang muna yan sainyo." suggestion ni Billy.

"Oo nga, wala naman mangyayari diba?" pang asar na tugon ni Vhong.

"Oo na. Sige na ilalagay ko lang si Karylle sa kotse." excuse ni Vice.

Binuksan ni Vice ang pintuan ng shotgun seat ng hummer at doon nilapag si Karylle sa shotgun seat. Binuckle nya ang seatbelt kay Karylle. Sinara nya ang pintuan at bumalik kina Vhong.

"Aalis na kami, guys." paalam ni Vice.

Habang pasakay na sya ng hummer nya, sumigaw si Vhong; "Brad, wag mabilis ha! Take it slow!"

"Pakyu!" sigaw ni Vice at nagmaneho na.

Pagkarating nila Vice at Karylle sa apartment ni Vice, agad nyang inakyat si Karylle sa kwarto nya.

Hiniga nya si Karylle. Papunta na sya ng CR ng sumigaw si Karylle.

"Lumalabas na ang kulot kehhhhhh" sigaw ni Karylle.

Bumalik si Vice kay Karylle at umupo sa kama para tignan si Karylle.

"Behhhhhhhh" lasing na tugon ni Karylle.

Tumawa nalang si Vice at nakisakay kay Karylle. "Yes behhhhh?" tugon ni Vice.

"Meserep behhhhhhh" sambit ni Karylle.

"Ang ano, beh?" tawang tawa na tugon ni Vice.

Magsasalita na sana si Karylle nang biglang nagsuka sya sa damit nya at sa kama ni Vice.

Nagulat naman si Vice. Hindi naman nya hahayaang madumi ang tutulugan at ang outfit ni Karylle.

Tinawag ni Vice si Jackie, ang katulong nya.

"Jackie, pakiayos naman tong kaibigan ko. Paayos na rin yung kama." kalmadong utos ni Vice.

Lumabas si Vice ng kwarto parang mapalitan ni Jackie ang bedsheet at ang damit ni Karylle.

Tinanggal ni Jackie ang dress ni Karylle at sinuotan ng bathrobe.

Nang pumasok na si Vice sa Kwarto, biglang nagtaka siya dahil kesa sa damit ang sinuot, bakit bathrobe pa.

"Jackie, bat bathrobe lang sinuot mo sakanya? Pwede nya naman hiramin damit ko eh." tugon ni Vice.

"Ah...ser, pakuha na sana ako ng damit sa closet nyu pero biglang humilik na si Ms. K. Ang hirap magpagising ng lasing, ser." explanation ni Jackie.

"Osige, thank you." tugon ni Vice at umalis na sj Jackie sa kwarto.

Wala nang choice si Vice kungdi sa sofa nalang matulog dahil baka may mangyari pa. Even if he's gay, he still has an equipment that is needed to be used. :)

Perks of being a Fangirl (Vicerylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon