Project Pie

6K 237 28
                                    

Pagkatapos ma-discharge ni Vice sa hospital ay lagi na silang naguusap ni Karylle. They exchanged nunbers through twitter at halos mamatay na si Karylle sa kilig dahil coincidence na magkasunod sila nang last number sa cellphone numbers nila. Anak nga naman ng meant to be!!!

As for Vice, He is starting to get confused. Hindi nya alam kung bakit ganon na lang nya gustong makipag-close kay Karylle. Iniisip nya na dahil he wants a girl bestfriend, pero nandyan naman si Anne. Siguro talaga dahil fan sya ni Vice at sobrang attached na sya sa dalaga.

Kasalukuyang nasa "Maid Duties" si Karylle, mag-gagabi narin kaya tinatapos na nya ang kanyang trabaho.

Nagvavacuum sya nang carpet nang bumaba ang kanyang Senyora Zsazsa mula sa kanyang kwarto sa taas.

"Nasaan yung birth certificate mo?" tanong ni Zsazsa kay Karylle.

Napatigil naman si Karylle sa pagvavacuum, "Nasa kwarto ko po, Senyora."

Umupo naman si Zsazsa sa sofa, "Can I have it?"

"Yes po." sabi ni Karylle at dumiretso sa kanyang kwarto upang hanapin ang birth certificate.

Simula rin noon, nagiging tight na sila ng onti ng kanyang Ina. Although minsan pinagbubuntungan nya ito ng galit, nakakausap naman na nya ito ng matino. Which is a good thing for Karylle. Nanay nya kase yun, duuuuuh (chos lang po).

Pagkabalik ni Karylle sa living room, Agad nyang inabot kay Zsazsa ang Birth Certificate nya.

"Bakit nyo po hinanap ang birth certificate ko, Senyora Z?" tanong ni Karylle sa Ina.

"My friend is looking for an Interior Designer. And nirecommend kita kase I know you took Interior Designing. For you to have a decent job. Tommorow pupuntahan ko sya to give her this (birth certificate)." pag-eexplain ni Senyora Z.

Napanganga nalang si Karylle sa narinig. Hindi sya makapaniwala na mismo ang nanay nya tutulong sakanya makahanap ng trabaho. "T-talaga po?!" Tugon ni Karylle.

"Yes. Iuupdate nalang kita if they will have an interview for you." sambit ni Senyora Z.

"OH MY GAHD! THANK YOU SENYORA!!! GRABE, DI KO PO ITO INAASAHAN!!!" tuwang tuwa na tugon ni Karylle.

"You're welcome. Itabi mo na yang Vacuum. You're done working for the day." Senyora Z.

"Okay po, thank you po talaga!!!!" Akmang yayakapin ni Karylle si Senyora Z ngunit pinandilatan sya ng mata ng Senyora. Umakyat na ulit si Senyora Z at tinabi na ni Karylle ang Vacuum Cleaner.

..

Pagkarating ni Karylle sa kwarto nya, humiga sya agad at niyakap ang stuff toy nyang pony. Sobra syang masaya dahil magkakadesenteng trabaho na sya.

Halos gumulong gulong na si Karylle sa higaan nya nang buzz ang phone nya. May nagtext.

From: Vice

Karylle, hi! Busy ka ba?

Halos maibato na ni Karylle ang cellphone nya dahil sa nareceive na text. Agad naman itong nagreply.

To: Vice

Hindi naman po, bakit teh?

From: Vice

Yayain sana kitang kumain sa Project Pie. Pambawi ko naman sayo nung inalagaan mo ko. After kase nung nadischarge ako di na tayo nagkita eh. :-(

"Di na tayo nagkita eh." Paulit ulit na tugon ni Karylle dahil... kinilig nanaman ang gaga sa text ng kabayo.

Perks of being a Fangirl (Vicerylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon