Chapter 5

116 13 0
                                    

Nandito ba talaga ako sa kwarto niya.Ito ang unang pagkakataon na masilayan ko ang room niya.Napaka-manly talaga ng scent nito pati na rin ang mga designs dito sa kanyang kwarto.

Pangalawang beses ko nang pasok sa bahay nila.Unang beses ay noong nanalo kami sa pageant na sinalihan namin.May selebrasyon na naganap dito kaya na-invite kami syempre ako yung kapartner ni Andrei at kami pa ang nanalo.

Pero noong unang punta ko dito ay hindi ako masyadong nakagala ng maayos.Hindi ko rin nasilayan ni pinto ni Andrei noon.Pero ngayon ay nasa loob na ako.Dito mismo sa kwarto niya.

Naka upo ako ngayon sa kama.Pinalibot ko ang tingin sa kanyang kwarto.May makikita kang study table malapit sa bintana niyang glass.May mini sala pa siya.Ang linis din ng kwarto niya.Karamaihan sa mga gamit na makikita mo ay kulay bughaw.Hilig niya talaga ang kulay na 'yon.

Mula sa pag-kakaupo ay humiga na ako sa kama niya.Grabe! Ang lambot.Parang gusto ko nalang humiga kaysa gawin ang aming activity.

"Hihiga ka dyan at 'di ka tutulong dito o papatungan kita."

Biglang parang kinilabutan ako sa sinabi niya.What the? Ano daw? Papatungan?

"Hoy! Anong sinabi mo?" Aba't ang bastos naman neto."Papatungan mo ako? Subukan mo lang dahil 'di ka nakakapatong sasalubungin ka na ng dalawang kamao ko." Pagbabanta ko sa kanya.

Subukan niya lang talaga.Kahit naman na sobrang mahal ko siya ay hindi ko siya papayagang gawin yun sa akin.Ang bata-bata ko pa at hindi pa naman kami kasal.

"Saka mo na ako patungan kapag kasal na tayo." Lakas loob kong sabi sakanya.Close na talaga kami sa isa't-isa.

Akala ko tatawa siya pero hindi ko inaasahan ang kanyang naging reaksyon.Ngumiti siya pero makikita sa mga mata niyang ang lungkot.

Napakunot-noo ako sa reaksyon niya.May problema ba 'to?

Maya-maya lang ay nag-iba ang facial expression niya.Kung kanina ay malungkot ang mga mata habang ngumingiti siya ngayon naman ay mababakas na dito ang kasiyahan.

Tumayo nalang ako sa aking pag-kakahiga ay pumunta sa study table niya.

"Saan ako uupo?" Isa lang kasi yung upuan niya sa study table niya.

Nagkibit-balikat muna siya bago tinignan ang lap niya at tumaas ang sulok ng kanyang labi.Sabay na nangunot ang aking noo at tumaas ang kaliwang kilay ko.

"Wala ka bang isang upuan?" Ang rich mo pero 'di ka maka-afford ng upuan? Seriously?

"Ba't pa ako bibili kung pwede ka namn umupo sa lap ko?"

"Ayaw ko.Ang bigat ko kaya.Baka 'di mo makaya at makanda-bali-bali yang buto mo."

Palusot ko lang yun,syempre.Ayaw kong umupo sa lap niya.Nahihiya ako.

"Uupo ka o uupo ka?"

"Parehas lang 'din na-" 'Di ko na naituloy yung sasabihin ko nang hawakan niya ang aking pulsuhan at pinaupo sa lap niya.

"Just sit and relax." Bulong niya sa tenga ko.Nakakapanindig balahibo yung pagbulong niya sa akin.

Napalunok nalang ako dahil ang halos mag-dampi na ang pisngi namin.Ang init naman.Walang bang aircon dito?

"Ang init naman." Reklamo ko kunwari.

"Wala pa akong ginagawa nag-iinit ka na." Napalunok ulit ako sa sinabi niya.

Wag ka namang ganyan Andrei.

Tumikhim ako at tinuon ang pansin sa gagawin naming activity tsaka ako tumingin sa kanya.

"Can we start na?" Para naman 'di na masyadobg awkward.

"Yeah,mas maganda nga sigurong simulan na natin." Ngi-ngiti-ngiti niyang sabi at parang may double meaning yun.Bahala na nga.

Nagsimula na kami sa pag-gawa ng activity namin.Dahil matalino siya ay tinuturuan niya ako kung paano ba gawin 'tong activity na pinagawa sa amin ni sir Almond.

"Ba't kasi ang talino mo Andrei? Sana may ganyan din akong utak."

Sana din ay magkaroon tayo ng baby na kasing talino mo.

"Bakit? Matalino ka rin naman ah." Psh! Pinapataba lang niya ang puso ko eh.

"Pero mas matalino ka naman.Magpatuloy na nga lang tayo.Ang hirap naman kasi ng pinapagawa ni sir almond." Reklamo kong sabi pero sa totoo lang nagpapasalamt talaga ako kay sir Almond.Nangyari ang lahat ng ito dahil sa kanya.

Lumipas na ang ilang oras pero konti palang ang natatapos namin.Hindi kasi kami maka-focus kasi palagi niya akong inaasar.Palagi din kaming napapahinto dahil may konting conversation about sa mga life namin.

"I think hanggang dito na lang muna tayo kasi sobtang pagod na yung utak mo." Tumatawa pa siya habang sinasabi niya.Inaasar niya talaga ako porket matalino siya ginaganyan niya na ako.Napa-pout nalang ako.

Paminsan-minsan ay binabatukan ko 'to dahil sa pang-aasar niya sa akin eh.

"Nakakapagod nga.Ilang oras na ba ang nasayang natin sa mga kalokohan natin ha? Kita mo.." Turo ko sa mga ginagawang activity namin."Kokonti palang natatapos natin,ikaw na lang bahal jan total matalino ka naman."

Imbes na sagutin ako ay tumawa lang siya ng malakas.Kaasar talaga.

"Tumahimik ka nga sa katatawa mo.Hindi ka ba napapagod kanina ka pa tawa ng tawa." Ang lakas makatawa parang wala ng bukas.

"Natatawa ako sa'yo eh."

Dahil sa sinabi niya ay pinagkukurot ko siya at pinagsasapak.Napatayo kaming dalawa at nagpatuloy sa asaran.Hanggang sa hindi ko namalayan na nahulog siya sa kama at nakapatong ako sakanya.Nasa dibdib niya ang dalawa kong kamay.

Biglang parang tumigil ang mundo ko.Parang kami lang ang tao sa mundo.

Nakatingin ako sa mga magaganda niyang mata at ganoon din siya.Dumako ang mata niya sa mapupula kong labi.

Ingangat niya ang ulo niya at walang pasabing hinalikan ng mabilis ang labi ko.

Nagulat ako sa ginawa niya kaya bumangon ako mula sa pagkakadagan ko sa kanya.Pati rin siya ay bumangon.

Parang bigla akong nahiya sa ginawa niya.Parang ako yung nahiya sa paghalik niya sa akin.That was my first kiss.

"I'm sorry." Ang tanging nasabi niya lang.

Bakit siya nag-so-sorry? Hindi niya ba talaga sinasadya yun? Pero bakit parang bigla ako nasaktan sa paghingi niya ng tawad.Parang pinagsisihan niya ang ginawa niya sa akin.

"Hindi,okay lang"

Oaky lang talaga sa akin.Ikaw lang din naman ang magiging future husband ko kaya ayos lang sa akin.Pero baka hindi okay sa kanya.Baka magalit si Shiela.

Oo nga pala.'Di ko na naisip na girlfriend niya pala si Shiela.Sa sobrang saya ko hindi ko na naisip na may girlfriend pala siya.

"Ako dapat ang humingi ng sorry kasi baka magalit yung girlfriend mo." Kumunot naman ang noo niya.Parang nagtataka siya sa sinabi ko.

"Hindi ko girlfriend so Shiela." Nagulat ako sa sinabi ni Andrei.

Hindi niya pala girlfriend si Shiela.

Tumikhim siya kaya.

"Tara na? Baka gutom ka na." Ngumiti nalang siya sa akin kaya ginatihan ko rin siya ng matamis kong ngiti.

Ito na siguro ang pinakamasayang araw sa aking buhay.

(COMPLETED) Ericka's Threefold Of HeartacheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon