43 Madness

9K 349 26
                                    


"Dongseng, bakit hindi mo man lang ginagalaw ang pagkain mo? Hindi ba masarap?" takang tanong ni Josh kay Amara na nakatitig lamang sa pagkain niya. Nagtataka ang prinsipe dahil hindi naman ganito si Amara. "Kumain ka na dongseng! May sakit ka ba?" Hinawakan niya ang noo ni Amara pero nagulat ito pati na rin ang mga kasama nila ng tabigin nito ang kamay niya.


Ilang linggo na ang nakalipas simula ng tanggihan ni Amara ang kasal nila ni Alexander at sa mga panahong iyon ay napapansin na ng kanyang mga kaibigan ang pagbabago ng ugali niya. Palagi na itong irita at galit. Hindi na rin ito kumakain ng maayos at mas gusto pa niyang mag-isa kaysa sumasama sa kanila.


"Hindi ako nagugutom," blangkong saad niya bago tumayo at maglakad papaalis, ngunit natigil siya ng pigilan siya ni Josh. "Ano ba?! Bitawan mo nga ako!"


"Ano bang nangyayari sa'yo Amara? Hindi ka naman ganyan dati ah," tanong ni Josh na ikinatawa ni Amara ng sarkastiko.


"Nagrerekamo ka? Sana kasi hindi niyo na lang ako binuhay diba? Para wala kayong problema." Inirapan ni Amara ang mga kaibigan niya na ngayon ay hindi makapaniwala sa mga salitang binibitawan niya.


"Baby girl, ginawa namin yun para sa'yo," saad ni Phil.


"Wag niyo akong lokohin, Phil. Ginawa niyo yun para sa sarili niyo. Ginawa niyo yun para mawala ang guilt niyo, diba?" saad niya na ikinatigil ng apat na prinsipe. "Wag niyong isumbat sa akin ang isang bagay na hindi ko naman hiniling na gawin niyo. Inisip niyo man lang ba kung gusto kong mabuhay uli? Hindi. Kasi sarili niyo lang ang iniisip niyo." Napaiwas na lang ng tingin si Phil dahil sa pagkapahiya.


"Hindi niyo man lang ba inisip na baka gusto ko ng magpahinga? Kasi sa totoo lang, pagod na pagod na ako sa inyo, alam niyo ba? Hindi din. Kasi hindi niyo naman iniintindi ang nararamdaman ko." Hindi naman sila makapagsalita dahil sa mga sinasabi ni Amara, dahil alam nilang totoo lahat ng iyon.


"Amara..." pagtawag ni Vinn pero hindi siya pinansin ni Amara.


"Bakit niyo nga ba ako binuhay ha? Wag niyong sabihin na hindi niyo kayang mabuhay ng wala ako dahil alam nating lahat na kayang-kaya niyo. Pinaglalaruan niyo ba ako? Boring na boring ba kayo sa buhay niyong puro pagpapasarap lang at naisipan niyo akong idamay?"


"Ara, why are saying that? We want you back because we love you," naiiyak na saad ni Gail.


"Ano ba ang gusto mo, Amara?" tanong ni Jen kasabay ng pagpatak ng mga luha sa pisngi ni Amara.


"Buti naman tinanong niyo din ako," natatawang sambit niya. "Gusto ko ng... mamatay." Napasinghap naman ang lahat ng may kuhanin itong kutsilyo at itutok sa leeg niya. "Pinigilan pa kasi ako ni Katelyn noon eh hahaha, kaya ngayon na lang."


"Nate, bitawan mo yan," madiing sambit ni Alexander habang nakakuyom ang kamao para pigilan ang kaba at takot na bumubundol sa sistema niya.


"Bakit Blaz? Pinapadali ko na nga para hindi ka na mahirapan eh," sagot ni Amara at mas lalong nagwala ang kalooban ni Alexander ng makita ang dugong umaagos sa leeg ni Amara dahil sa paglapat ng kutsilyo sa balat niya.

Allaria: The Blazing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon