Chapter 28

42 24 1
                                    

'Ela POV'

Nasa front desk Lang ako nakiupo since si Demicco na ang kumausap sa manager nila, Malay ko kung ano ang sinabi niya doon at ayaw niya akong isama.

"Sigurado Po ba Kayo Ma'am na ayos Lang Po Kayo?"

Tumango ako at Muling napatitig sa paa kong dumudugo pa din. Nag offer silang gamutin ako ngunit ako naman Yong umayaw. Ayokong makaabala sa mga ginagawa nila, busy sila sa trabaho nilang ginagampanan tapos sisingit pa ako. Hinayaan kong dumugo ang aking mga paa na bumabakas sa sahig.

Bahala na silang maglinis dito.

Natanaw ko na si Demicco na papalapit sa gawi ko ngunit hindi pa din ako tumayo, nahihilo ako.

"Let's go Ela"

"San?"-walang gana kong tanong

"Hospital"

Tumayo ako at pilit pinigilan ang kamay na hindi mapahawak sa ulo dahil maaaring mahalata ito ni Demicco.

"You okey?"

Agad akong tumango kay Demicco.

"You're bleeding"-napansin niya ang paa ko

"Hmmm, you too"

"Let's go"-kinuha ni Demicco ang aking kamay at ipinagsiklop ito, pagsakay ko sa sasakyan ay agad akong sumandal dito at pumikit, sobrang aga pa kaya madilim pa ang buong paligid. Si Demicco na ang naglagay sakin ng seatbelt dahil sa wala talaga akong plano magkabit non.

"Does your feet hurt?"

"Hmm"

"You could still walk right?"

"Yeah"

"You sure?"

"Yeah"

"Open your eyes and look at me"

"Why?"-nakapikit pa din ang aking mga Mata, naiinis nako dahil sa pilit na pangungulit ni Demicco.

"Look at me"-ulit nito.

"Bakit nga?"

"Just look at me"

Wala akong nagawa at nagmulat na Lang ako ng mga mata at nilingon siya.

"You look pale"-nakakunot ang kanyang noo habang nakatitig sa aking mukha na tila sinusuri ng maayos "You sure you're okey?"

Muli akong tumango kahit na labag sa kalooban ko, napakagat ako sa pang ibaba kong labi dahil sa kirot ng paa ko at hilong nararamdaman.

"Tell me what do you feel?"

"Ayos Lang ako"-malamya kong aniya ngunit tila makulit itong lalaking ito at ayaw maniwala sa akin.

"You're not okey stop lying"

Umayos na ito ng upo at malakas na pinaharurot ang sasakyan papunta sa hospital.

"Good Morning Sir and Ma'am"-bati samin ng nurse na nasa nurse station.

Kinausap ito ni Demicco na hindi naman ako nakinig wala na talaga akong paki ansakit na ng paa ko, nararamdaman ko na ang bubog nito.

Maya Maya pa ay may wheelchair na tulak tulak na ang nurse papalapit sa akin.

"Umupo Po kayo miss, para Po Hindi pumailalim ang mga bubog na nasa paa niyo"-tumango ako at umupo na doon na agad namang inalalayan ni Demicco.

"Kayo din Po sir"-aniya nurse kay Demicco ngunit nakahawak lamang ang kamay niya sakin, mabilis itong umiling.

"No I'm fine"

Stay With Me (Completed) Onde histórias criam vida. Descubra agora