"Tapos na ako, sorry hindi ako nakapagsara ng pinto. Hindi ko na kaya ehh. Kanina pa ako naghihintay sa pinto." Sabi niya habang pina-flush niya ang toilet bowl.

Napatingin ako sa kaniya ng nakalabas na siya ng pinti at sinira yun.

Teka? Hindi niya nakita si Draco?

Nasaan siya?

"Ang dami mo yatang kinakain ngayon? Dalawang kape?"

"Ahhh...ano, para yung isa sa umaga at tanghali naman..."

"Edi malamig na yung isa?"

"Yun na nga! Gusto ko rin ng malamig.."

"Hmm...sige.."

"Aalis ka na?"

Lumapit siya sa akin at tinignan ako ng parang inaakit ako.

"Bakit? Gusto mo bang mag-stay ako rito?" Sabi niya habang tinataas-baba ang kilay nito at nakangiti..

"Amm...loko ka, sige na alis ka na. Ang dami ko pang gagawin dito at maglilinis ako. Magkita nalang tayo sa bar.."

"Hmmm...sige, maghihintay ako.."

"See you!" Sabi ko nalang at pinanood siyang lumabas at siya na rin ang nagsara ng pinto.

Lumakad ako palapit sa pinto ng CR. Bubuksan ko na sana nang bumukas yun agad.

Nafreeze ang kamay ko at napatingin kay Draco na masama ang tingin sa akin.

"Draco--"

"Sa susunod ay huwag mo akong itatago sa CR mo..." sabi niya at lumakad paalis doon at umupo sa upuan at uminon ng kape.

"Paano? Hindi ka niya nakita?"

"Nagtago ako sa likod ng pinto at mabuti nalang hindi siya nagsara ng pinto. At saka sirang-ulong yun, kahit na mabuti na hindi siya nagsara ng pinto ay dapat nagsara parin siya ng pinto. Babae ka tapos makikiihi siya sa CR mo at hindi pa nagsasara ng pinto.." sabi niya at uminom ulit. Binaba niya ang baso niya at napatingin sa akin na para bang kinikilatis ako.

Agad akong nailang sa tingin niya.

"Hindi ka naman sigurong tumingin sa..."

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya ng pinaghahampas ko siya ng kutsara sa braso niya.

"Aray! Aray!!" Sabi niya kaya tinigil ko na at binaba iyun sa mesa.

"Loko ka, ano ako manyak! At bakit ako titingin sa kaniya! Loko ka!!! Natural hindi! Tumalikod ako nun!"

"Mabuti naman, sa akin lang dapat ang titignan mo.." sabi niya habang hinihimas ang braso niya.

Umupo nalang ulit ako at nagsimula ng kumain.

Habang kumakain ay agad na may nagtext sa cellphone ko. Kukunin ko na sana ng damputin iyun agad ni Draco yun.

"Draco, ano ba!!"

"Sino itong baby boy ahh?!!" Sabi niya at tumaas talaga ang boses niya.

Si Drake yun, mabuti nalang at ate ang mga tawag niya sa akin sa mga text niya.

"Bahala ka na nga, kung kukunin mo yang cellphone ko at titignan dapat ganun ka rin..." sabi ko sa kaniya at parang hinahamon ko na din siya.

Kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa at binaba nalang basta sa harapan ko. Pareho lang ang tatak ng cellphone namin pero sa akin ay kulang nalang ay slow motion kong binababa pero siya ay basta nalang tapon-bagsak.

"Ok lang na i-check mo sa akin, wala naman akong tinatago.."

Agad ko na din kinuha ang cellphone niya at tinignan lahat. Pumunta ako sa gallery niya. Halos walang nakalagay. Puro alak lang..

Napalaki ang mata ko ng may isang picture sa pinakadulo na nakatopless siya at ang suot niyang pantalon na maong ay parang mahuhulog na. Nakikita ko na ang v-line at ilang mumunting buhok...

"Pwede kong isend sayo ang pic ko na yan..." agad na namula ang mukha ko sa sinabi niya kaya agad kong pinindut ang back.

Binaba niya ang cellphone ko na parang bang wala lang.

"Ang baby boy mo ay yung kapatid mo, binasa ko lahat ng convo mo...at tinignan ang mga pic.."

"Diba, wala naman talaga ang akin...."

"Yahh...clear.."

"Hmmm..pupunta ako sa contacts, tignan ko kung ilan ang mga babae mo..." sabi ko at agad na pinindut iyun. Pipigilan pa sana ako ng loko.

Huh!!! Babaero kasi kaya maraming mga contact sa mga babae.

" hmmm....ohhh....Sexy Lexy, fuck me whatever you want Delilah, fuck time Cindy, innocent type Grace, good licker Melissa, Merlinda, Bratt...."

Napatingin ako sa kaniya at ngumisi..

"Dami mong babae at talagang may mga description ahh..."

Nagpatuloy ako sa pagbaba at sa pagsabi ng pangalan ng may napansin ako isang caller contact na may picture. At may heart () emoji pa sa pangalan. Lahat kasi ng mga contacts niyang mga babae ay number at name lang. Walang pictures, pero eto ay meron...

"Stephanie with heart emoji pa sa pangalan ahh. May girlfriend ka pala tapos ang dami mong babae, hmmm..maganda siya ahhh..."

Napakunot ang noo ko na parang hawig ko lang sita ng kunti...

Hindi ko na pinansin pa yun..

Tinignan ko ang convo nila at puro ' I miss you' pero si Draco lang. Walang text ang babae-- ay meron pala pero pinakadulong-dulo pa..

"Grabe ka maka-I miss you ahh...walang siyang text sayo doon. Puro ikaw lang...pero may isa siyanh text na pinakadulo pa, 'I miss you and i love you, can't wait to see you'. Yun lang ang text niya sayo at.....2012 pa yun. 2020 na ngayon, 8 years na ang lumipas sa text niya tapos ikaw ay puro 'i miss you lang'. Nagbago na ang number nito kaya hindi siya makareply--"

Napatigil ako ng makita ko ang reaction ni Draco na nakatingin lang sa mesa at mahigpit ang pagkahawak sa kutsara. Halos nakikita ko na ang mga ugat sa kamay niya.

"Uy! Ayos ka lang ba? Puputok na ang mga ugat mo sa braso ohhh..."

Napatingin siya sa akin at ang lalim ng pagkatingin niya. Agad niyang kinuha sa akin ang cellphone njya at tumayo na. Nakatingin lang ako sa kaniya ng binulsa niya iyun at magsimula ng lumabas sa pinto.

May nasabi ba akong mali?

"Draco! Huy!!"

Tumayo na rin ako sa pagkaupo at sinundan siya. Hinawakan ko siya sa braso at kaya napahinto siya at napatingin sa akin.

Para siyang nakakita ng multo kong makatingin sa akin pero ang mas nakakagulat ay ang bigla niya akong niyakap.

"I miss you.....please come back." Sabi niya habang yakap niya ako ng mahigpit. Nang kumalas siya ay napatingin siya sa akin at ngumiti. Pero agad ding nawala yun...

"Serenity...." sabi niya. Nalilito ako sa inakto niya kaya tumango nalang ako.

"Sorry, sorry..." balisang sabi niya at mabilis na umalis.

Kahit nalilito ako ay nakaramdam ako ng awa..

Bakit ganun ang nangyayari sa kaniya? Sino ba yung Stephanie na yun?

..

..

Lost and Found Where stories live. Discover now