Chapter 9: Hoodie

Mulai dari awal
                                    

Binigyan na lang ako nung cute na guy ng isang glass of water. Hindi porket mabigat ang problema ko e kailangan ko ng magpakalasing. Once na maubos ko ‘tong water e magda-dive ako sa pool of wild people para sumayaw. Pero nasa labi pa lang ng baso ang labi ko e meron akong napansing kakaiba. ‘Yung babaeng nasa may dingding kissing another guy ay walang iba kundi si Terrylyn, na ex ni Kuya. Medyo malapit lang sila sa mismong kinauupuan kong stool kaya kitang kita ko ang laplapan nila. Malanding babae talaga!? Hindi ko rin naman masisisi si Kuya kung bakit iniwanan siya nang ganun ganun na lang. Mabuti nga sa kanya!

Pinapanood ko talaga ang ginagawa nila nung unknown guy dahil pukaw atensyon sila. After a moment, bigla na lang siyang napaharap sa may sight ko at bigla kong binago ang direksyon kung saan ako nakatingin. Tumalikod ako ng slight para hindi siya makatingin sa ‘kin  dahil ayokong makilala niya ako. Baka isumbong pa ako ng haliparot na babaeng ito kay Kuya Mick.

Kahit nakatalikod na ‘ko e feeling ko’y lalapit siya sa ‘kin para siguro kilalanin ako..... at ‘yun nga ang nangyari.

“Alex?!” patanong niyang sabi sa pangalan ko. Thrice ko pa lang nakita ang Terrylyn na ‘to in person nung maging sila ni Kuya. Saksakan siya ng kaartehan kaya hindi ko siya nagustuhan ever since. Feel naman niya ‘yun dahil hindi ko siya pinapansin... e siya rin naman e?

“Oh Hi? Nandito ka pala? Anong ginagawa mo rito?” Humarap ako sa kanya na umaktong kunwari’y hindi ko siya nakita dahil sa pagkasorpresa ko.

“Ako ang dapat magtanong niyan. What are you doing here?” naka-cross arm niyang sabi na medyo may pagka sarcastic ang dating.

“You know... I’m here to drink.... water?!” pabiro kong sabi sa kanya habang hawak-hawak ang basong tubig.

“Ha-ha-ha funny?!” sarcastic na naman niyang pagkakasabi while smirking. “Corny!?”

Ano kayang gustong palabasin ng babaeng ito? Mukhang naghahanap ng away kahit hindi ko naman siya inaano.

“Ha-ha-ha palibhasa wala kang sense of humor kaya walang sumiseryoso sayo,” pabulong kong sabi.

“I heard that! Aanhin ko ang sense of humor kung ‘Corny’ naman?” she said smirking again. “Siya nga pala where is your faggot uncle?” maarte niyang sabi.

Faggot? It means gay or bading? Medyo na-confuse ako kung bakit niya sinabing bading si Kuya? Alam na ba niya about sa naging relasyon ni Kuya kay Papa Jace? How come? Other than that, hindi ko nagustuhan ang tabas ng dila niyang tila nang-iinsulto.

“Say that again?” sabi ko kahit narinig ko na.

“Oh?! Bingi ka na rin pala? Nasaan ang faggot mong uncle?” ulit muli niyang nang-iinsulto.

Napatayo ako sa kinauupuan kong stool at lumapit ng kaunti sa kanya. Tila ba tumaas ang presyon ko sa intensyon niyang insultuhin si Kuya pati asarin ako. I maintain my composure para hindi sumabog ang galit ko sa kanya.

“Paano mo namang nasabing Faggot ang Kuya ko Pokpok, maarte at masamang ugaling malandi ka?” taas kong kilay na sabi sa kanya na tila tinatarayan.

How to Seduce a Hunk Again [Book 2] COMPLETEDTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang