Ako:
Sino ka ba? Ano bang mga sinasabi mo?

Unknown Number:

Kilala mo ba talaga ang sarili mo Chanel? Kilala mo ba talaga ang mga taong nakapaligid sa'yo? Nakakatawa ka.

Nangunot ang noo ko, nangangatal akong nag type ng susunod kong sasabihin ngunit parang wala na akong masabi dahil kung ano-ano na ang syang pumapasok sa isip ko.

Unknown Number:
Masyado kang nagpapauto, kahit sarili mong kadugo nagagawang mag lihim sa'yo. Nakakaawa ka.

Unknown Number:
Gusto mong malaman kung sino ka? Sasabihin ko sa'yo. Malalaman mo, kasi may konsiderasyon ako para sa kalagayan mo.

Unknown Number:
Pero hindi ko sasabihin agad sa'yo ngayon. Uunti-untiin ko, ayokong mabigla ka.

Wala ako sa wisyo habang kumakain kasabay ang mga kaibigan ko. Panay sila kwento samantalang tinititigan ko lamang ang pagkain na nasa pinggan ko, nakakailang subo pa lamang ako ay nawawalan na ako ng gana.

Sobrang daming pumapasok sa isipan ko, hindi ko makuha ang sinasabi ng mystery texter na iyon. Dapat ba akong maniwala sa kanya? Dapat ba akong mag pa uto sa mga sinasabi nya? Sinong pamilya ang tinutukoy nya? Sino? Ang mga kaibigan ko ba itong may alam sila?

Hindi... hindi dapat ako maniwala. Walang katotohanan ang mga sinabi niya, gusto lamang niya akong pagtripan. Kung sino man ang tao na iyon ipapakulong ko sya!

"Are you okay?"

Natigilan ako sa mga pag iisip ng magtanong si Drake sa kaliwa ko na syang nagmamaneho na ngayon pabalik sa manila.

Kanina pagkatapos kumain ay nagawa pang maligo nina Ayesha sa dagat, samantalang ako ay hindi ko man lang na enjoy

Tumango ako. "Oo naman." sabi ko at muling tumingin sa bintana.

"Kanina pa malalim ang iniisip mo."

"Pagod lang ako."

"Saan ka napagod? Iniisip mo parin ba iyong kagabi?"

Umiling ako at pumikit.

"Papahinga muna ako." Sabi ko ng hindi iminumulat ang mata.

Sa kahabaan nga ng biyahe ay nakatulog ako. Dilim na ng makarating kami sa bahay. Si Drake na ang syang kumuha ng gamit ko na nasa compartment niya.

"Nandito na pala kayo." Bungad ni Mama ng makapasok kami sa loob ng bahay.

Lumapit ako sa kanya at nag mano, ganon din naman ang ginawa ni Drake bago ibinaba ang mga gamit ko sa may sala.

"Kamusta?" Tanong ni Mama. "Maganda ba doon?"

"Opo Tita, sa susunod ay dadalhin ko po kayo doon. Kasama po ulit si Chanel."

Nilingon ko si Drake, nakangiti ito sa akin pero basang basa ko na nagtatanong ang kanyang mga mata. Inalis ko ang tingin sa kanya.

"Aakyat na po ako, gusto ko na pong mag pahinga."

"Naku! Mukhang napagod ang anak ko. Oh sya umakyat kana at ako na ang bahala kay Drake."

Tumango ako at hindi na nilingon pa si Drake. Hindi ako galit sa kanya, pakiramdam ko lang ay wala ako sa mood para magpaliwanag kung anong problema.

Pagkapasok ko sa kwarto ay humilata kaagad ako. Tinabunan ko ng kumot ang sarili ko at pumikit, hindi ko nagawang makatulog sa pwesto na iyon kaya umayos ako. Ngunit parang ayaw akong dalawin ng antok.

Pagod ang katawan ko pero ayaw makisama ng mata ko.

Bumangon ako at kinapa ang cellphone sa bulsa ng short na suot ko. Hindi ko pa pala naaalis.

Accidentally Fall In Love (Love Back Series 1)Where stories live. Discover now