Sa labas nito ay napapaligiran ng mga shells na kasing ganda ng keychain na binigay niya sakin.

"p-para saan to? " tanong ko dito na hindi parin naaalis ang mata ko sa tent.

" Gusto kong bumawi hindi bilang ang dating masungit mong boss kung hindi dahil bilang si chenchen na kababata mo xyra" nakangiting saad nito

"hindi mo naman kailangan gawin to knight, sapat na sakin nahanap ko ulit at nakilala si chenchen. Masaya na ako sa bagay na iyon" saad ko dito.

Hinawakan nito ang mga kamay ko at sabay ngumiti sakin.

"xyra, pwede ba hanggat nandito ka ay makasama kita? Bilang si chenchen na nakilala mo. Xyra, naghintay ako. I waited til the day comes that destiny will cross our path again, diba sinabi ko sayo noon na ang gusto ko tanging sa harap ko papatak ang mga luha mo pero ngayon ang gusto ko ay tanging ngiti ang makita ko sa mukha mo" nakangiting saad nito.

Sa oras na ito hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, tanging malakas na kabog ng dibdib ko ang naririnig ko.

"c-chenchen" naiiyak na saad ko.

Ang sakit, bakit mo ba ito ginagawa sakin chenchen?

" tara na sa loob ng tent may pagkain sa loob. Magdinner na tayo" nakangiting saad nito.

"s-sige" simpleng saad ko at pinunasan ang luha sa pisngi ko.

Umupo na kami sa loob ng tent at nagsimulang kumain.

Napansin kong walang okra ang handa dito kahit almost puro gulay kaya hindi ko maiwasang magtanong.

"tanda mo pa pala na hindi ako kumakain ng okra? " nagtatakang tanong ko dito.

" oo naman, tanda ko nung time na pinakain ka ng lolo mo non diring diri ka pa kasi sabi mo parang laway" natatawang saad nito.

" totoo naman na parang laway yon" nakangusong saad ko na ikinatawa nito.

Pagkatapos namin kumain ay lumabas na kami ng tela upang maglatag sa laba para mag star gazing.

" sana pala ginamit ko na ng maaga ang key chain para nalaman ko agad nam ikaw yan " saad ko dito

"ang ganda ang bituwin no? Ang ganda ng ganap nila sa mundo dahil nagsisilbi silang liwanag sa oras na nasa kadiliman ka" saad ko

"minsan iniisip ko pano kaya kung naging isang bituwin ako? Magiging liwanag ako sa mundo at sa mga taong mga
Mahal ko , tanging pag kinang ang gagawin ko at walang sakit na mararamdaman ang puso ko." saad ko habang nakatingin sa kalangitan

" nagpapasalamat ako dahil hindi ka naging isang bituwin dahil kung oo baka ang pagtingala lang sayo ang magagawa ko at baka hindi ko makilala ang isang batang prinsesa na naging parte ng buhay ko" nakangiting saad nito

" inaantok na ako pwede ba ko matulog saglit? " saad ko at ipinikit ang mga mata ko

"sige gigisingin nalang kita maya maya kapag babalik na tayo

"s-sana ako nalang a-ang babaeng mahal m-mo" nauutal na saad ko at at tuluyang nilamon ng dilim ang paningin ko.

"ikaw lang" hindi ko na narinig sa sobrang hina ng boses nito at nang antok na nararamdaman ko.

*Kinabukasan

Pagkagising ko ay bumungad sa paningin ko si knight na nakangiti kaya napabangon agad ako.

" b-bakit hindi mo ako ginising? " tanong ko dito.

"masarap kasi ang tulog mo kaya binantayan nalang kita" saad nito.

My Naughty Girl Where stories live. Discover now