001

21 3 2
                                    

A/N: CutieSteph07 Ito na po (._.   ). Gagaret ka na eh.


-

"Okay, Class 12-B, dismissed." Pagdi-dismiss ng Adviser nila Hestia nang tumunog na ang bell.

"Pst, Hestia." Napalingon naman si Hestia at agad na nakita ang kaibigan niyang si Elle. Mabilis niyang niligpit ang kaniyang gamut at nagtungo na sa labas ng classroom nila.

"Ang aga naman yata ng dismissal n'yo?" Takang tanong ni Hestia pagkalabas niya ng classroom.

"Kanina pa kita inaantay, wala kaming last subject eh." Sagot naman ni Elle at nagsimula na silang lumabas ng building nila. "Saan punta natin ngayon?"

"Sa bahay na lang muna tayo. Katamad mag-gala eh."

"Sige." Pag-sang ayon naman ni Elle. "Ay, Lobes, may bagong labas daw na kape sa cafeteria."

"Samahan mo'ko, dali!" Mabilis na aya ni Hestia habang hila-hila ang kamay ni Elle.

"Bitch, wai--what?" Naguguluhang tanong ni Elle.

"Kailangan ko ng kape ngayon, hindi ako nakapag-kape kaninang umaga." Hestia whined and gave Elle a puppy-dog eyes.

"Gaga, ako pa inuto mo. Nakita kita kaninang umaga papasok na may dalang City Blends." Pagsu-sungit ni Elle.

"Elle naman eh!"

"Anong Elle naman, Elle naman? Ako'y tigil-tigilan mo sa ganyan mo. Magpapa-tulong pa ako sa ate mo sa assignment ko." Ani niya.

"Aba!" Pangsi-sita din ni Hestia. "One-fifty talent fee no'n. Paki G-Cash na lang sa'kin." Biro niya at nag-peace sign pa.

"Heh!"

-

"Yie, hehe. Labyu talaga, Lobes." Pang-aasar ni Hestia kay Elle pagka-higop niya sa kape.

"Tangina mo." Walang emosyong saad ni Elle.

"Love you too, mwah!" Hestia responded.

"Hays. Ba't ba naging kaibigan pa kita?" Tanong ni Elle sa sarili.

"Kasi tatanga-tanga ako and kailangan ko ng taga-bantay!" Tatawa-tawang sagot ni Hestia.

"Ginawang guardian angel amp." Sabi na lang ni Elle at umirap.

Habang naglalakad pauwi ay bigla na lamang napatigil si Hestia.

"Shit! 'Yung project ko, nakalimutan ko i-submit!" Hestia exclaimed. "Lobes, uwi ka na pala muna. Hanggang ngayon na lang submission nito, eh." Bilin niya kay Elle at nagtatakbo na pabalik sa school nila.

"Hoy, magdahan-dahan ka nga!  Mamaya madapa ka pa, tawanan kita!" and Elle lost sight of Hestia. Iiling-iling na naglakad palayo si Elle at dumiretso na sa bahay nila Hestia.

Sa kabilang banda, nakarating na si Hestia sa school nila nang makita niya si Leuxe. Babatiin niya na sana si Leuxe ng makita niya ito ngunit kaagad itong pumasok sa loob ng room nila. Agad na lang dumiretso si Hestia sa Teacher's Faculty Room para ipasa ang project niya.

"Good Afternoon po, andyan po ba si Ms. Rosario?" Tanong niya sa mga teacher na nasa bungad ng faculty.

"Ano 'yon, Hestia? May kailangan ka ba?" Agad na nagitla si Hestia nang may magsalita sa likod niya.

"Ay, hi po Sir Abawan. Ipapasa ko lang po sana 'to kay Ms. Rosario. Andyan po ba siya?" Tanong ulit ni Hestia.

"Ah, oo. Ibinilin ka nga pala sa'kin ni Ms. Rosario. Upo ka na lang muna d'yan, I'll go check your project na lang." Alok ng guro kaya naman umupo si Hestia sa isa sa mga upuan sa faculty. 

ForbiddenWhere stories live. Discover now