CHAPTER 47:

385 9 5
                                    

CHAPTER 47:

 "Phia!" Tawag sakin ni Michael.

Nagtatakbo pa din ako.Tulo lang ng tulo ang luha ko.Bakit kailangan ko pa silang makitang mag-kasama ?Hindi pa ba sapat na iniwan na nga ako ni Gio para kay Scarlett ?

Tumingin ako sa likod ko habang tumatakbo,sinusundan ako ni Michael.Mas binilisan ko ang pag-takbo ko.Bakit pa niya 'ko sinusundan ?Kaya nga ako bumitaw at tumakbo diba,para hindi niya na 'ko sundan.Hindi ba obvious na gusto kong mapag-isa ?!

"Ah!"Napaupo ako,may nabangga ako.Ano ba yan,kung ano-ano kasing iniisip ko.

Tumingin ako sa nabunggo ko at pinunasan ang luha ko.

"Luke."Oo,si Luke as in Luke Santiago na pinsan ng kambal at yung kasali sa isang gang.Walang na bang imamalas ang araw ko ?!

Tumayo agad ako at pinagpagan ang pantalon ko.Mag-uumpisa na sana akong mag-lakad pero hinawakan niya ang braso ko.Napatigil ako.

"Kamusta na ang braso mo ?"

Pagkasabi niya nun,tumindig agad balahibo ko.Ano bang kailangan niya sakin ?!

Tumingin ako sa likod ko,nakita kong nag-tago si Michael.Mas lalo akong napaiyak.Kanina lang sinusundan niya ko tapos ngayong nandito sila Luke,mag-tatago naman siya.Ang duwag naman niya.Ano na ngayong gagawin ko ?Sumigaw ?Tumakbo ?Lumaban ?o umiyak na lang ng umiyak ?AH!Alam ko na!

"Oh, sino nag-paiyak sayo ?Si Michael ba ?"Ngumiti siya."Wala talagang awa yang si Micahel,pati ba naman ang babaeng kasing ganda mo pinaiyak."

Bigla ko siyang niyakap at sinimulang umiyak ng malakas,naramdaman ko namang nagulat siya."Hindi kasi ako mahal ng mahal ko."Pag-kasabi ko nun mas lalo akong napaiyak kasi totoo yung sinabi ko.

"Ngayon ko lang narealize na mahal ko pala siya,tapos may mahal pala siyang iba!Hindi lang iba,yung step-sister ko pa!"

Marami pa sana akong sasabihin pero pinigil ko ang sarili ko.Ano bang ginagawa ko ?Magdradrama-dramahan lang sana ako pero nilabas ko  yung nasa loob ng damdamin ko.Ang tanga-tanga ko talaga.

Wala akong naririnig na nag-sasalita,nakayakap pa din ako kay Luke kaya alam kong nandyan pa rin siya at hindi ako iniiwan katulad ng isa dyan!

Dahil mukang nasa awkward na posisyon ako,nag simula na naman akong tumakbo,sana hindi na nila ko sundan,hindi ko na kailangan ng mga drama.Masyado ng madrama ang nangyari sakin kanina,ayoko ng dagdagan pa.

 Nakarating naman agad ako sa bahay.Dumiretso na agad ako sa salas dahil pakiramdam ko wala na kong lakas pang pumunta sa kwarto ko.

Dumapa ako sa sofa.

Ano na bang nangyayari sakin ?Lalaki, iniiyakan ko.Baka tuloy isipin ni Gio patay na patay ako sa kanya.Hindi naman ako iiyak,kung hindi niya ko winalk-outan noh,hindi na ba usong mag-paalam sa mga panahon ngayon ?Hindi na ba uso ang pag-eexplain ?Sana man lang sinabi niya sakin na 'Sorry niloko lang kita,Sorry hindi naman talaga kita mahal,Huwag na tayong maging magkaibigan pa'.Pero hindi eh,basta-basta na lang siyang umalis.

Tapos makikita ko pa silang mag-kasama ni Scarlett sa park.Ano yun ?Double kill ?

Dumagdag pa si Michael! Anong sabi niya sakin kanina ? 'Hindi kita iiwan' ?Tss.Alam kong tumakbo ako at iniwan siya,pero sinundan naman niya ko diba,pero bakit siya nag-tago nung nakaharap ko si Luke saka yung mga kaibigan niya.

Baka naman nung iniwan ako ni Gio,pinapunta niya si Michael sa mall para ihatid ako ni Micahel sa bahay at sabihin ang mga katagang 'Huwag ka mag-alala hindi kita iiwan.' pero ang totoo niyan iiwan ako ni Micahel sa oras na mag-pakita si Luke.Kinausap din nila si Luke na mag-pakita,at para matakot ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Gay ?The Badboy ? And The Nerd ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon