CHAPTER 25:

397 10 0
                                    

CHAPTER 25:

"So tell me what happened."

Nandito ako,si Gio,at ang karamihan ng basketball team sa office.Buti na lang at malaki ang office na to para mag kasya kaming lahat.

"Nasa harapan po kasi ni Princess este ni Phia si Stefhanie."

"Tapos hawak po ni Phia yung tinidor."

"Natisod po yung isang kaibigan ni Stefhanie."

"Kaya napasundot yung tinidor sa ilong ni Stefhanie."

Bilib naman talaga ako sa mag kakaibigan na to oh.Magkakadugtong yung sinasabi.Para bang mga kambal.

"Okay.You can all go now."Nagtayuan na kaming lahat."Except Ms.Jimenez."WTF ?!!Yung totoo sir ?May gusto kayo sakin no ?Eew!

"Bakit po ?"

"Please sit down."

Alam kaya ni Sir yung totoo ?Baka naman nandun siya sa canteen ng mangyari yun.Kaya niya lang kami tinanong para malaman niya kung mag sisinungaling kami o hindi.Double dead na ko neto.

"I like your idea."

"Ano pong idea ?"Hala naku.Alam na nga ata ni Sir yung idea ng pag sisinungaling.Eh bakit niya naman magugustuhan yun ?

"About the pageant for our coming intramurals."

Hooo...Tungkol lang pala dun sa intrams na yun.

"Ah.Wala po yun.Pede na po ba kong umalis ?"Gusto ko ng makaalis sa office na to,baka kung ano pang sabihin sakin ni Sir.

"Not yet.Ms.Jimenez."

"Ano na naman po ba Sir ?"Ayoko na dito.Nag sasawa na ko.

"Thank you."

"Po ?"Baka nag kakamali lang ako ng naririnig,nag papasalamat ba talaga siya sakin ?

"I said thank you."

"Wala po yun.Yung iba naman po na school may pageant kaya naisip ko lang din po."Kelangan pa talagang mag pasalamat ?Tss.Bait haha

"It's not about the pageant."Ha ?Eh para san naman ?"It's about what you did to Ms.Gamez."

"Naka-katol kayo sir ?Tama bang mag pasalamat dahil dun ?"Mag sasalita na sana siya,pero nag salita na agad ako."Saka FYI sir,hindi nga po ako ang may kasalanan nun."

"Don't ..."

"Eh bakit naman kayo mag papasalamat para dun ?"

"It's none of your business Ms.Jimenez.You may go now."

"Ayy wala naman pong change topic."Ang daya daya naman ni sir.Kung kelan ang ganda ganda na ng pinag uusapan.

Tiningnan niya lang ako ng masama.Osige na nga aalis na.Tss.

Dali dali naman akong lumabas ng office.Pero sa totoo lang,ayoko na mag punta dun.Promise,susubukan kong huwag na gumawa ng bagay na magiging rason para mapa office pa ako ulit.

"Aaahhhhh!!!!"Bigla namang may humawak ng kamay ko.

"Ssshhh."Nilagay naman ni Gio yung hintuturo niya sa labi ko.

The Gay ?The Badboy ? And The Nerd ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon