Sa tuwing may naririnig akong tawa niya ay parang may lumalabas na ugat sa noo ko. Parang nang-aasar ang bawat tawa niya at parang sa akin talaga ang pagtawa niya.

Tinatawanan niya ang mga kamalian ko.

"Miss, kanina pa ako dito na kinakausap ka tungkol sa order ko.."

"Ahhh sorry, ano yun ulit?"

Naiinis na talaga ako.

Nang maibigay ko na ang order ay lumapit na ako kay Draco.

"Nangbubuwisit ka ba?" Agad ko nang sabi sa kaniya. Napatingin sa akin si Lucas at nagtataka ito sa inasta ko.

"Serenity, bakit?" Tanong ni Lucas sa akin.

"Kasi itong kaibigan mo, tawa ng tawa. Nakakaasar..." sabi ko at tinignan ng masama si Draco na tumawa lang.

"Draco, doon nalang tayo sa mga sofa mag-usap, mukhang hindi makapagtrabaho ng maayos ang empleya--girlfriend ko..."

"Hmmm..mas maganda na dito, malapit ang mga alak at simpleng tawag lang sa girlfriend then may alak na.."

"Hindi siya makapagtrabaho sa lakas ng tawa mo Draco.." sabi ni Lucas at napatingin sa akin. Napangiti naman ako doon dahil may care talaga siya sa akin. Malimit nalang ang mga kaibigan na may care sayo.

"Mas gusto ko dito..." sabi ni Draco at parang nag-iba ang tono niya. Naging seryoso siya.

Parang agad na nag-iba ang Draco na kilala ko. Na kanina lang ay palatawa at parang walang problema sa mundo.

Bakit ganun siya?

Hindi na siya nagsalita at uminom nalang ng alak.

Pinagpatuloy ko na ang trabaho ko at ang naririnig ko nalang ay ang boses ni Lucas. Panay tango nalang si Draco at kapag siya ang magsasalita ay mabibilang lang daliri ng kamay ang mga sasabihin niya.

Nakakainis dahil parang hinahanap ko ang tawa niya ngayon. Hindi ko gusto ang nakikita ko ngayon na ganyan siya katahimik. Napatingin siya sa akin at bigla na ding umiwas.

Napakunot ang noo ko sa nakita ko. Bakit siya ganyan?

Binalik ko nalang ang atensyon ko sa trabaho. Hindi na siya ngumingisi kapag nakatingin sa akin. Nakakadistract pa din kahit ganyan siya.

Nakakainis talaga.

Ngayon na puro boses nalang ang naririnig ko at kay Lucas yun. Kung pipikit ako ay baka iisipin kong walang kausap si Lucas dahil siya lang ang naririnig ko.

Nang may nabigay akong ordernay napatingin ako sa pwesto nilang dalawa at wala na doon si Draco. Si Lucas nalang ang nakikita ko.

Lumapit ako doon at tinanong agad si Lucas.

"Nasaan na yung kasama mo?"

"Ahh...umalis na, mukhang may pupuntahan siya." Napatingin sa akin si Lucas.

"Mukhang nawalan siya ng mood, kulang lang siya sa babae kaya ganun siya.." sabi ni Lucas at natatawang uminom ng alak.

"Hindi na kasi niya makasama si Clay dahil busy na yun sa buhay-pamilya. At masaya ako dahil nasa mabuting kalagayan na si Clay. Sana ay ganun na rin si Draco. Hindi naman dati ganyan si Draco, hindi mahilig magbar. Pero simula ng...." uminom siya ng alak at napatingin sa akin.

"Anong simula ng?"

"Wala na ako sa pwesto para sabihin sayo ang buhay ni Draco. Huwag mo nang alamin pa yun, buhay yun ni Draco" sabi niya.

"Out muna, kaya mag-ayos ka na..." sabi niya at umalis na sa pwesto niya.

Na-ayos na ako, dahil anong oras na. Malapit lang ang bar kaya maglalakad na lang ako. Sanay naman na ako maglakad at kung sakali mang may gumawa sa akin ng masama ay marunong naman ako pagtanggol ang sarili ko.

Nang makalabas na ako sa bar ay nagsimula na ako maglakad paalis.

Nakakaramdam ako ng may sumusunod sa akin kaya minabilis ko ang paglakad.

Agad akong tinayuan ng kaba ng makarinig ko ng ubo. Napahawak ako ng mahigpit sa cellphone at nagbiglang sa isip hanggang tatlo at agad akong tumakbo.

Minadali ko ang pagtakbo dahil naririnig kong hinahabol niya ako.

Parang bumalik ang ala-alang hinahabol ako ng mga lalaki. At umuulan pa yun.

Parang nawawala ako sa sarili ko at nagsilandas ang mga luha sa pisnge. Bumalik ang ala-ala na yun isipan ko.

Agad akong napatili ng mahawakan ako sa braso at ang nakakapagtaka ay agad niya akong niyakap.

Napakunot ang noo habang umiiyak dahil niyakap niya ako.

Ramdam ko rin ang paghingal niya dahil hinabol niya ako. Ngayon ko naramdaman ang pagod ko sa pagtakbo. Dahil siguro sa adrenaline kaya hindi ko naramdaman ang pagod habang tumatakbo ako.

"Ang bilis mo palang tumakbo." Rinig kong sabi niya. Agad na pumasok sa isip ko ang pamilyar niyang boses.

Agad akong lumayo at ang nakita ko agad ay ang suot nito na kanina ko lang nakita. Agad ko siyang pinaghampas-hampas sa dibdib. Hinayaan niya naman ako.

"Baliw ka!! Tinakot mo ako, akala ko na kung ano na yun!! Balik ka!! Baliw ka!!" Sabi ko lang sa kaniya at pinagpatuloy ang paghampas sa kaniya.

Nakakainis siya, lagi nalang niya ako ginaganito.

"Hindi ko naman akalaing tatakbo ka, lalapitan pa lang kita."

"Bakit hindi mo tinatawag ang pangalan ko.."

"Tatawagin ko palang ng tumakbo ka kaagad, wala na akong time pa para tawagin dahil ang layo muna..."

Pinunasan niya ang mga luha sa pisnge ko. Napatingin ako sa kaniya, ibang Draco na naman ang nasa harapan ko, ibang version na naman niya ang nakikita ko ngayon.

"Pasensiya kung natakot ka, wala akong balak na takutin ka kanina, gusto ko lang na may kasama kang umuwi. Gusto lang kitang samahan dahil masyado nang gabi at ikaw lang ang naglalakad.." sabi niya habang tinutuyo ang mga luha sa pisnge ko.

Tinigil ko na ang paghahampas sa kaniya at napatingin sa kaniya. Ang gulong isipin na ganiyan siya pero nakaramdam ako ng tuwa dahil nag-aalala siya sa akin kahit na hindi niya iyun sabihin sa akin ng direkta.

"Sa susunod ay magpahatid ka sa boyfriend mo, huwag mong hahayaang maglakad ka ng ganitong oras. Anong klaseng boyfriend ba yang si Lucas at ganito siya sayo.."

"Ammm..ano.." hindi ko naman masabi sa kaniya na nagpapanggap din kami ni Lucas gaya ng pagpapanggap namin sa harap nina Nicole.

"Kung ako sa kaniya ay hindi kita hahayaang maglakad mag-isa. Lagi kitang sasamahan sa kung saan ka man pupunta, lagi mo ako nasa tabi lang...."

Napatingin ako sa kaniya na seryoso niyang sinasabi yun...

"....but, sadly I'm not your boyfriend.."

..

...


Lost and Found Where stories live. Discover now