18: REHINA AND SAXIA

Start from the beginning
                                    

"Ayy"
Tipid kong sagot habang pinapatuyo ang luha ko

"Daddy kasi hindi ako pinapatapos e"
Natatawa pa nitong sabi

"Ano ba kasi anak hindi mo nililinaw kay Daddy alam mo namang ngayon lang kita nakasama tas aalis ka ulit "
Natatawa na may halong pangamba kong sabi sa kaniya

"Sorry Daddy,ganito ihatid niyo nalang ako sa bahay nila Mama then pahatid nalang ako kay Tito Carlos pag uwi."
She asked

I nodded and tumayo at lumapit sa kaniya.

"Thank you my Saxia,by the way if you really want to stay kay Mama mo okay lang basta kumportable ka. Ang amin lang naman ni Mommy mo e huwag mo kami kalimutan at matutunan na mahalin"
Sabi ko dito

"Opo Daddy,lagi niyong tandaan ni Mommy na mahal ko kayo,mahal na mahal ko kayo ni Mommy"
She said

I hugged her yung sobrang higpit

"Hindi na ako makahinga Daddy"
Reklamo pa nito

"Sorry naman,ano hatid na kita?"
I asked

Tumango lang siya at natayo na din sa pag kakaupo.

Akala ko talaga iiwan na niya kami at malalayo sa amin. Siguro hindi lang sila nag kaintindihan din ni Rehina kanina hay naku yan naman kasing mahal ko.

Hindi ko na din natanong pa kay Saxia ang tungkol sa napag usapan nila ng Mommy niya dahil baka masyadong personal o ewan basta sa kanila nalang yun ng Mommy niya kung importante naman ay sasabihin din yun sa akin ni Rehina.

Hinatid ko na siya kanila Bobbie nadtanan lang namin si Carlos na nasa salas nagtungo naman si Saxia sa kwarto ni Bobbie.

Hinintay ko na din siya para sure na makakuwi siya ng safe.

"Oscar"
Anito ng makaupo ako sa tabi niya

Nagtapon lang ako ng tingin dito bago tinuon ang atensyon sa orange juice na dala ng katulong.

"Sorry ha,alam mo naman na gusto ko din talaga na mag kasama sama kayo nila Saxia,pero alam mo yung pag si Bobbie na ang humiling parang ang hirap tanggihan."

Napatingin nalang ako sa kaniya na sa malayo ang tanaw at parang ang lalim ng iniisip

"Noong nakita ko sila noon sabi ko sayo ibabalik ko si Saxia sa inyo pero nabigo ako kasi yung taong mahal ko nilayuan din ako para sa anak niyo. At ngayon na kasama ko na siya,natakot ako na ibalik sayo si Saxia e dahil baka mawala na naman siya sa akin. Kaya sorry ha kung nagkamali din ako ng kunsintihin ko siya"
Pag tutuloy nito

Naintindihan ko naman siya dahil kung sa ako din ang nasa posisyon niya hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil nandun yung takot e....

Yung takot na mawalan ka ulit ng taong minamahal mo.

"ano ka ba pinsan,naiintindihan kita at tsaka wala na yun sa amin ni Rehina ang mahalaga lang naman sa amin ay ang makita at makasama si Saxia. Alam ko hindi niyo kami maiintindihan sa paraan na nakikita niyo pero nag papasalamat pa din kami kay Bobbie dahil pinalaki niya ng maayos si Saxia"
Aniko dito habang hinahagod ang likod

I STILL LOVE YOU Where stories live. Discover now