09: HOW DEEP IS YOUR LOVE

Start from the beginning
                                    

"I love you my tomato"
He said





NAIMULAT ko nalang ang mga mata ko dahil sa sikat ng araw na tumama sa mukha ko. Medyo inaantok pa ko pero parang hindi na din naman ako makakatulog.

Nasapo ko ang aking noo ng bumalik ang isipin sa nangyari kagabi

FLASHBACK

Nagtagal pa kami ng kaunting sandali ni Erick sa tabing dagat hanggat sa humina ang ulan at kumalma ang langit

"Tayo na"
Aya ko sa kaniya

"Nilalamig ka na ba?"
nag aalala pa niyang sabi ng makatayo kami

"Hindi naman baka lang gusto mo na bumalik kasi malalim na din ang gabi baka magkasakit tayo sa ginagawa natin e"
i said

Natango tango naman ang lalaking ito sa sinabi ko

"Sige tayo na dahan dahan ha baka lumubog ang paa mo"
Inaalalayan niya akong maglakad ang kamay niyang isa ay hawak ang aking isang kamay habang naka alalay ang isang kamay sa bewang ko

"Kayong dalawa balak niyo ba magkasakit"
natanaw namin sila Yena,ate Ky ,Kaze and Taj na palapit sa amin habang may dalang payong at flashlight

Nagkatinginan nalang kami at natawa buti nalang pala at hindi sila napaaga ng dating dahil baka makita nila ang chukchakan na naganap kanina

"Saxia ano bang nangyari sayo ha pinag alala mo kami"
pag sermon pa ni Yena sa akin

Hinatak naman ako ni Ate Ky at kaagad pinulupot sa akin ang dalang tuwalya si Kaze naman ay hawak ang payong na nakaharang sa ulo ko

Dinampot ko ang isang tuwalya na hawak ni ate Ky at pinulupot yun kay Erick na mukhang nilalamig na

"Okay ka lang"
nag aalala ko pang sabi dito habang hawak hawak ang kamay

"O-o ikaw okay ka lang?"
Natango naman ako bago muling tinapunan sila ng tingin na nakatitig sa amin

"Kayo na ba?"
Sabay sabay pa nilang sabi

Nailing nalang ako at sabay kaming naglakad

We are still not a couple?

Mahal namin ang isa't isa at ayaw naming may nadikit sa kahit sino sa amin. We can say that we love and care for each other pero walang label!

"Tayo na baka nag aalala na mga yun"
Aya ni Yena

Nang makabalik kami sa bahay bumungad sa amin si Ate Cynde and Jon na nag aabang sa sala

"Finally nakabalik na kayo"
may pag aalala sa boses nitong sabi ng malapit sa akin

"Saan ba kasi kayo pumunta,Xacia okay ka lang?"
napakawang ang bibig ko dahil hindi ko rin alam ang sasabihin ko

Alangan namang sabihin ko na kaya ako umalis dahil masyado akong nag paapekto sa ginawa ng higad na yun kay Erick baka mag mukha akong amfee dito!

"Ah-hh bumalik kasi ako sa event na-iwan ko kasi yung cellphone ko"
Pagdadahilan ko pa

"Ang bilis mo makalimot"
pag agaw atensyon ni Kaze

"h-uh"
halos lahat kami nakatingin kay kaze

Sheyt inabot ko nga pala sa kaniya kanina yung cellphone ko ng mag peperform!

"Nasa akin cellphone mo hindi ba inabot mo kanina"
She said

"O-o nga pala"
Tipid kong sagot

Pero mukhang hindi naman ako nabuking sa dahilan ko dahil wala namang bakas sa mukha nila ang nagdalawang isip

I STILL LOVE YOU Where stories live. Discover now