"Pa... a-anong nangyari sayo?"




Bumuntong hining si Papa. "Walang nangyari, Kezia, ganito na ako dati pa." Tumawa siya saglit. "Totoong gusto kong bumawi sa iyo dahil ikaw lang naman ang anak ko. Kaya nga ngayon ay tutuparin ko na ang pangako ko, gaya ng pagtupad mo sa pangako mo."





"P-pa... wag mong sasaktan si Nic-"




"Oh, yes dear. Hindi ko muna siya sasaktan. Pero depende, kanina pa ito nagmamatigas eh, ayaw maniwala na niloko mo siya, nakakatawa lang." Tumawa pa talaga siya na para bang sobrang nakakatawa talaga.






"H-hindi ko siya niloko pa-"



"Hindi ba? Kaya nga nakipagbalikan ka sa kaniya diba? Para sa plano ko? Dahil sa kasunduan natin? Nakalimutan mo na ba iyon? Huwebes ngayon at ngayon ang deadline mo, remember?"




Mas nanghina ako. Mas napaiyak ako ng mapagtantong kasalanan ko din, pero ni kailan hindi ko siya niloko, nakipagbalikan ako sa kaniya dahil mahal ko siya, um-oo ako nang yayain niya akong magpakasal sa kaniya dahil mahal ko siya, lahat ginawa ko dahil sa mahal ko siya hindi para sa plano ni papa.




"At baka sabihin mong di ako marunong tumupad sa usapan?" Matunog siyang ngumiti. "Hawak ko na ngayon ang mga anak mo. So what do you say? Want to see them?"





"Papa wag na wag mong sasaktan ang mga anak ko!" Pasigaw kong sabi, dala nadin ng pagka-frustrate at pagkataranta ko.



Tumawa siya. "Don't ya' worry my dear, mga apo ko din ang mga ito kaya hindi ko sila sasaktan. O siya, magkit nalang tayo dito sa bahay, bye anak."




Ng matapos na ang tawag ay sakto ding dumating ang ambulansya. Siniguro ko munang naidala na sa hospital si Nathaniel saka ako pumara ng taxi papuntang bahay ni Papa.




Di ko maiwasang kabahan ng matinde, matakot ng sobra, maiyak ng maiyak. Marami pa akong gustong gawin eh, marami pa akong plano, marami pa akong hiling, and I don't know if I could still do those things in my mind, siguro hanggang panaginip at plano nalang ang mga iyon.



I don't know what will happen next. Pero isa lang ang sisiguruhin ko, I won't lose any of them, not my children, not my man.



Matapos kong bayaran ang driver ng taxi ay lumabas ako sa taxi at tinitigan ang labas ng bahay ni Papa. Malaki, Sa katunayan ay hindi ito bahay dahil masnyon ito, halatang mayaman ang nakatira.




Iniwan kami ni Papa para dito, para makatira siya sa bahay na ganito, para maging mayaman, para sa pera. At kahit na hindi maganda ang mga ginawa at ginagawa niya ay ama ko pa din siya, anak niya padin ako.



I closed my eyes and Pray. Lord, sana, sana ito na ang huli. Gusto ko ng magpahinga eh. Gusto ko ng maging masaya at di na makaramdam ng sakit.




Dahan dahan akong lumapit sa gate at pinindot ang doorbell, wala pang isang minuto ay binuksan na ito ng isang kasambahay na halatang takot na takot na rin tulad ko. Pero sa kabila ng lahat, nginitian ko siya at binati, kitang kita ko ang pagkagulat niya sa inasta ko.




Sinabayan ng malakas na hangin ang paglalakad ko patungo sa double doors ng mansyon. Kung sa ibang pagkakataon pay masasabi kong para akong nasa shooting ng isabg pelekula. Hindi pa ako nakakakatok ay binuksan na ito ng kung sino galing sa loob. Bumungad sa akin ang nakangisi kong ama habang naka-upo na parang hari sa pang-isang taong sofa.





Nagtagis ang bagang ko ng magtama ang mga mata namin ni Diego, I tried to hard to keep my blank expression, ayaw kong makita ni papa ja takot na takot ako, dahil alam kong mas masisiyahan lang siya.




Ignored by Mr. Famous (ASHLEY 5)☑Where stories live. Discover now