Ngumiti ako at tinanggap ang telepono. "Yes?"





"Tutuparin ko ang pinangako ko anak, tutuparin ko."




Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ang boses ni papa, dali dali akong tumakbo patungong silid kung saan siya kinulong ni Nic. Agad kumalabog ang puso ko ng makita ang tatlong tauhan ni Nic na nakahandusay sa sahig, at ang upaun kung saan siya nakatali ay hindi na siya ang nandito kundi ang walang malay na mayor doma ng mga kasambahay ni Nic.




Paanong nakatakas si Papa? Nasan na siya ngayon? Is he after my children?



Napa-iling ako habang isa-isang pumatak ang mga luha ko. Halos mapatalon ako ng biglang tumunog ang cellphone ko, natataranta ko itong sinagot.



"H-hello-"



"Si Diego ito."



"Diego, si Papa... k-kasama mo ba siya?"




"Hindi. Ang mga anak mo ang kasama ko."





Nakaramdam ako ng ginhawa. "B-bantayan mo sila, please.. wag mong hahayaang makuha sila ni Pa-"




"I'm sorry, pero kung gusto ng papa mong dalhin ko ang mga anak mo sa kaniya, ay wala akong magagawa, dahil tauhan niya lang ako."



"N-no, Diego listen-"




Binaba niya ang tawag, mas domoble ang kaba ko, hindi malabong may gawin si Papa sa mga anak ko. No, please wag sila... hindi ko pa sila nayayakap, di pa nga nila alam na ako ang Tunay nilang Ina, eh.




Napahawak ako sa magkabilang tenga ko sabay yuko ng may narinig akong putukan sa labas. Nanginginig ang kalamlaman ko at natatarantang tumakbo palabas kung nasan si Nic. Pero wala akong nakitang Nic, ang mga tauhan ni Nic ay nakahandusay lahat sa lupa maging si Nathaniel na may tama din.




Mabilis kong dinaluhan si Nathaniel, nagsilabasan naman ang iba pang mga tauhan na galing sa loob ng bahay, pinalibutan nila ako at ang iba naman ay tinulungan at chineck na ang mga kasamahan.




"Natoy!" Lumuhod ako at tiningnan ang kabuuan niya. May tama siya sa may binti.





He groan in pain, nakapikit siya habang hawak hawak ang parte kung saan siya natamaan. "Damn it!"




"T-teka lang..." nanginginig kong sabi at tinawag ang isang kasambahay. "Tumawag kayo ng ambulansya bilis! Maraming ambulansya!"



"Y-yes maam." Natataranta ding sagot sa akin ng kasamabahay.




Muli kong hinarap si Nathaniel. Mabilis kong pinahiran ang mga luha ko, hinawakan ko ang braso niya at marahan iyong pinisil, muli kong iginaya sa buong lugar ang aking paningin, pero wala siya...




"S-si Nic?"



"T-they got him..." nahihirapang sabi ni Nathaniel.




Muli ay tumunog ang cellphone ko. Nanginginig kong binasa ang pangalan ng caller saka ito sinagot.



"Pa..."



"Akala ko ay hindi mo na ako tatawaging papa, Kezia..." nagagalak niyang sabi.




Pinigilan ko ang sariling mapahikbi. "Pa nasan ka ngayon?"




"Alam kong iyan ang itatanong mo, at alam ko ding hindi lang iyan ang tanong mo."



Saglit kong tiningnan si Nathaniel na iniinda parin ang sakit ng binti niya. Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang pagdeklara ng kung sino na may dalawang patay na. Napasabunot ako sa sarili.





Ignored by Mr. Famous (ASHLEY 5)☑Where stories live. Discover now