Prologue:

28 2 0
                                        


"Tadea Issa!" sigaw ng isang batang patalon talon, at may galak na ngiti sa kanyang mukha.

"Ano iyon Niel?" magalang na pag tatanong ng isang may katandaang babae, ito ay si Tadea Issa Kung tawagin.

"Gusto ko lamang po mag paalam, na pupunta po ako sa ilog tribeta" magalang na pag hingi ng permisso ni Niel sa Tadea Issa.

"Maari namn, ngunit umuwi ka agad, wag na wag kang mag pag-gagabi, may pagdiriwang mamaya niel tandaan mo yan, at lahat ng tedas ay naroroon" mahabang lintaya ni Tadea Issa kay Niel, na may kasamang ka-striktohan sa bosses.

"Opo Tadea Issa, alam ko naman po yun eh, paulit ulit na lang" sabi ni Niel sa Tadea Issa na may pag uuyam sa bosses.

Nakita nyang may masamang tinging pinupukaw sakanya ang Tadea Issa,  hindi na sya nag abala pa at dali daling umalis ng kubo, dahil alam nya pag ka ganoon ang Tadea Issa ay  galit ito.

Naglalakad na ang batang Niel pa puntang ilog ng tribeta, habang tinatahak niya ang daan ay hindi niya mapgilang humga sa aking ganda ng paligid.

"Hmmmm Hmmm hmmm" pag hihimig ni Niel at unting unting na sisiliparan na ang mga ibon papalapit sakanya, ang nakakarinig ng tinig na ito'y Hindi mo maiiwasang mamangha, ang mga may buhay na nilalalang ay hindi mapigilang hanapin kung nasaan ang nag mamay- ari ng tinig na ito.

Habang si Niel ay masayang tumitinig, at napapalibutan ng kung ano anong hayup na tila nakikipag laro sakanya, ay may isang batang lalaking nag lalakad hindi alam kung saan pupunta, tila naliligaw.

"Lagot ako nito kay nanay" mahinang asal niya sakanyang sarili, lalo pat kinulit niya lamang ang kanyang ina para sumama.

"Hmmmm Hmmm" natigilan ang batang lalaki, at nag palinga linga. Sinundan niya ang tinig na syang nakaka akit akit sa pandinig.

Hindi nag tagal ay natunton niya ang may ari ng tinig, ito ay isang bata rin pero mas nakatatanda ang batang lalaki.

Hindi mapigilang pag masdan ng batang lalaki ang isang bata na tumitinig ay nakikipag laro sa mga ibon, tila nakaramdam naman ng may naka masid sa kanyang ginagawa, kaya nag palinga linga ito ng tingin at saktong nag tama ang tingin ng dalawang bata.

Napaatras ang batang Niel, dahil sa takot nitong nakatingin sa mga pulang mata ng isang batang nakamasid sakanya. Nag siliparan palayo ang mga ibon at nag sialisan ang mga hayup nanakapalibot sakanya.

"Wag kang matakot, Hindi ako isang Darklian" malumanay na pag kakasabi ng batang may pulang mata.

"Kung hindi ka isang darklian, sino ka?" Kinakabahang tanong ni Niel sa batang may pulang mata, dahil alam nyang walang nakakapasok sa kanilang isla na walang dugong Turma.

"Ako ay si Crimson, pag pasensyahan mo na't ikaw ay natakot ko pa" malagang na pag papakilala ng batang may pulang mata , kakilitaan ng kalungkutan sa kanyang mga Mata.

"Ako pala si Niel" masayang pag papakilala ni Niel kay Crimson, at inilahad ang kanyang kamay sa harapan nito tanda ng pag galang na pag papakilala.

Nag alinlangan may tinanggap  ni Crimson ang kamay ni Niel.

"Crimson" muling pag banggit nito ng pangalan, at sabay bitaw ng kamay.

Nag tataka ang batang crimson dahil ang kaninang takot na mukha at isang masayahing bata ang kaniyang nasa harapan.

"Ano palang ginagawa mo rito sa kagubatan?" Magaliw na pag tatanong ni Niel, sabay lapit ng mukha rito.

"Naliligaw" naiilang na sagot ng batang crimson, at mabilis na pagtibok ng puso nito.

Spectra: Curse and GiftsDes histoires addictives. Découvrez maintenant