Ang tulalang si Amara naman ay nabalik sa ulirat ng marinig ang sinabi ng hari. Nawalan ng emosyon ang kanyang mukha at marahas na nilingon ang hari.


"Hindi pwede," bulong niya. Dahil katabi niya si Alexander ay narinig niya ang sinambit ng dalaga na ikinawala ng kanyang ngiti.


"I will not marry him, not in this lifetime," madiing sabi ni Amara na ikinagulat ng lahat. Napapikit naman si Alexander at ikinuyom ang kamao para pigilan ang kumakawalang niyang apoy dahil sa matinding emosyong kanyang nararamdaman.


"Anak, hindi ba't bata pa lamang kayo ay nakatakda na kayo para sa isa't-isa? Anong dahilan at nagbago ang iyong isip?" takang tanong ng Emperor.


"Dahil ayoko. Wala ng iba pang rason, Dad," saad ni Amara na ikinakunot ng noo ng Emperor. Mabilis namang tumayo si Alexander at hinawakan ang palapulsuhan ni Amara.


"Excuse us Emperor," saad niya bago hilahin si Amara papalabas sa silid. Ng makarating sila sa isang bakanteng silid ay doon lamang niya binitawan si Amara.


"What?" tanong ni Amara habang nakapaskil ang blangkong mukha niya. Lumambot naman ang ekspresyon ni Alexander dahil doon.


"Baby..." nagsusumamong tawag niya at tangkang hahawakn muli niya ang kamay ni Amara pero iniiwas ito ng dalaga.


"Wag mo akong tawaging ganyan. Hindi yan ang pangalan ko," malamig na saad niya na ikinakuyom muli ng kamao ni Alexander.


"Why don't you want to marry me? Tell me. I will do anything, tanggapin mo lang ako, Nate," pagmamakaawa niya.


"Hindi mo naiintindihan Blaz. Marriage is a lifetime commitment of two people who loves and trusts each other unconditionally. How can we marry if we are not even in a relationship?! Hindi ko nga alam kung totoong mahal mo ako eh. And you think we will work out?" saad ni Amara.


Nanlaki naman ang mga mata niya ng lumuhod sa harap niya si Alexander. Hinawakan nito ang kamay niya at ramdam niya ang pangininig nito na ikinatulala niya. "Please. I beg you, baby. I love you. I really do. I lot of things are not clear to me, pero alam kong mahal kita, doon, sigurado ako. We can make it work, Nate, together. Please, marry me."


"In another life, maybe we can be together, but not in this life, Blaz." Pilit tinanggal ni Amara ang kamay niya sa hawak ni Alexander. Pagkalabas ni Amara sa silid ay doon tuluyang bumuhos ang luhang kanina pa niyang pinipigilan. Nasasaktan ang kanyang puso para sa prinsipe. Gusto niya tanggapin ang alok, ngunit hindi na maaari. Hindi na maaari.


Si Alexander naman ay napasandal na lamang sa pader at napatingala para pigilan ang luha na nais lumabas sa kanyang mga mata. Muli niyang naalala ang sinabi ng tinig noong mabuhay muli si Amara.


'Ihanda mo sana ang iyong puso sa bagsik ng kapalit na haharapin mo.'


"I guess you're really right. I should have prepared my heart because the consequence was really... massive." Kumawala na rin ang apoy sa kanyang katawan na kanina pa niyang pinipigilan. Kinain nito ang silid na kinaroroonan niya at halos papuno na ng apoy at usok ang paligid ngunit nanatili siyang tulala at nakatingin sa malayo.

Allaria: The Blazing FireWhere stories live. Discover now