Because it hurts to think that I left my mother alone and here I am, happy living a life na wala siya. I also have a second mother na hindi niya alam. I don't know. My mind's a mess.

Kinabukasan, maaga kaming naglakad-lakad sa kabahayan.

I am wearing a hood and a mask and tight jeans and sneakers.

And we are strolling together. Imagine a group of teenagers walking leisurely at your neighborhood with a big number. At mga magagandang nilalang pa ang mga kasama ko.

Pinagtitinginan po kami ngayon. Kunti lamang ang tao rito ngunit lahat sila ay nakatingin sa gawi namin.

"Hindi pa ba umiilaw, Gem?" Rinig kong tanong ni Vanilla.

Pero wala siyang nakuhang sagot sa taong yelo.

"Masakit na paa ko." Reklamo niya.

"Sino ba kasi ang nagsabi sayo na magsuot ka ng heels?" Naiinis na tanong sa kanya ni Lance.

"Tapos ang iksi pa ng suot mo. Hindi tayo pupunta sa isang bar, Vanilla." Dagdag pa ni Gelo.

"Si Carmen lang yata ang mabait tignan sa inyong mga babae." Sabi ni Lance.

"Excuse me?" Nakataas kilay na sabi ni Hailey.

"Bakit? Totoo naman ahh. Kayong dalawa ni Afianna para kayong mga sindikato na nagbabalak na nakawan ang isang boutique. Nakahood ba naman at may mask pa tapos all black! Saan ka pa?!" Sabi ni Lance.

Binalewala ko lang ito dahil kanina pa ako kinikilabutan. Alam ko kung anong daan ito. Kung saan ito patungo. Ewan, sana mali ang iniisip ko.

"Ikaw naman Vanilla, saang bar ka ba pupunta?" Tanong pa ni Lance.

"You guys better shut up. You are gathering more attention." Seryosong wika ni Ken.

"Tsk."

Ilang sandali na namayani ang katahimikan sa amin nang magsalita si Orium.

"They are near."

He is holding the amulet in his hands at may mumunti itong ilaw.

Nagmadali kaming maglakad at tumitindi rin ang liwanag nito.

At ang puso ko ay sobrang lakas ng kabog. Para itong lalabas sa lakas. Rinig na rinig ko ang tibok nito dahil sa kaba. Malapit na rin kami sa bahay ng pamilya ng mga Klove.

Pero malapit na rin kami sa bahay ng kaibigan kong si Grace.

"We are here." Rinig kong sabi ni Orium at huminto sa tapat ng isang bahay.

At nanghihina ko itong pinamasdan. Damn.

Ken rang the doorbell two times at ilang sandali ang aming hinintay ay lumabas ang ginang na hindi ko inaasahan.

Walang pinagbago. Damn. Ano ba ang nangyayari?

I stare at her. The mother of Grace, Reina. Walang naging anong pagbabago sa kaanyuan niya. Parang hindi lumipas ang panahon sa kanya. It was 17 years ago, right?

"Sino po sila?" Tanong niya sa amin.

"We are here to convince the Klove family to comeback at our world." Malamig na tono ang boses na tugon ni Orium.

At mas nanginig ako dahil sa narinig. Tell me this is not true.

Nakita ko ang pagkaputla at pagkabigla sa mukha ni Tita bago siya tumikhim at magsalita.

Afianna: The Reincarnation Of A GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon