XXVIII

6.3K 328 31
                                    

What are they?!

Third Person's POV

"Nalalapit na ang kasunduang araw." bigkas ng isang nilalang habang nakatingin sa madilim na kalangitan. Walang kahit isang bituin at buwan ang makikita sa kalangitan na tila pinagkaitan ang mundo na ito ng liwanag.

"Malapit ng magwakas ang lahat." dagdag ng isa pang nilalang habang nakangisi na kita ang pangil nito.

"Nasagawa na ba ang unang hakbang ng plano?" tanong ng pinuno nila.

Nagkatinginan ang lahat bago nagsalita ang isa.

"Napadala na ang mga kawal sa iba't ibang bayan."

Tumango ang pinuno.

"Halos lahat ng grupo ay nakabalik na may dalang mga bihag. Ngunit..." Nag-aalangan niyang tinignan ang pinuno. "May balitang dumating na patay na ang grupo na ipinadala sa bayan ng Guama."

Sumama ang timpla ng mukha ng pinuno at malakas na ibinagsak niya ang kamao sa lamesa.

"Sino ang mga walang hiya ang nagpatay sa kanila?!" galit ang boses nito.

"Mga mag-aaral ng akademya." Mabilis na sagot ng isa sa nasasakupan ng pinuno.

Napabuga naman ng hangin ang pinuno at malawak na napangisi.

"Akademya. Kamusta na ang ipinadala nating mga tauhan sa akademya?"

"Handa na po ang lahat. Hudyat na lamang po ang hinihintay." sagot ng isa na siyang nakapaghalakhak ng malakas ng pinuno.

"Magaling."


"Be ware

Everything is set
Traitors are just waiting for the order
When everyone is gathered
A big explosion will happen.
Have you find them?
Got any clue?
Move now, Pherso!"

-The Eye

Namumuo ang pawis sa noo ni Headmaster Pherso habang binabasa ang nakasulat na mahikal na papel na galing sa gamit na pangalang "The Eye".

Napalunok siya sa nabasa at nag-aalalang napatingin kay Hearth na kanina pa nakatingin sa reaksyon sa kanyang mukha.

"What happened? What did you read?" curiosity and confusion are vivid on his young face.

"A warning." he briefly replied.

"From who?" Hearth frowned.

"You don't need to know. Ang kailangan nating gawin ngayon ay ang hanapin lahat ng mga daga sa kahit saang sulok ng akademya." napabuntong hininga ang headmaster. "I need to investigate this myself." tumayo siya mila sa pagkakaupo.

"I already have someone in my mind who would likely to betray the academy."

Hearth tilts his head in response.
"Who?"

"A Lady."



"Nagawa mo ba ng maayos ang pinapagawa ko sayo?" Sabi ng babae sa kausap nitong estudyante.

Hindi nagsalita ang estudyante subalit tumango ito.

"Magaling." naglakad ng ilang hakbang ang babae bago ito muling lumingon sa estudyante. "Kamusta ang pinapabantayan ko sa iyo?"

Afianna: The Reincarnation Of A GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon