V

10.3K 489 34
                                    

Heart Academy

Matapos ilagay ang lahat ng mga kailangan kong gamit sa loob ng magical backpack like clothes, shoes, the case with the twin katana, and few things that got sentimental value.

Most of my clothes were made by my Inang Carmela. She got this ability that can create things or object if the materials needed are all available. She is partially a creator because of her ability, pero ang sabi niya sa akin noon na hindi daw ito gaano kalakas kaya mas tinindihan niya ang pag-eensayo sa kanyang physical combat and using weapons to protect the village and her family. Isa si Inang Carmela sa mga warriors ng bayan and she is one of the best.

Pero sa kaso ng cloak, case and katana, ako mismo ang gumawa noon gamit ang sariling kapangyarihan upang mas maging komportable ako sa paggamit ng mga ito. At dahil sa gawa sa kapangyarihan ko ang case at katana, walang sino man ang makakapagdala nito ng hindi nahihirapan dahil na rin sa proteksyon na inilagay ko but the case and katana are initially heavy because of the materials used to make it. Para magawa ang lahat ng ito, tinulungan ako ni Magma sa paggawa ng lahat ng ito. Sa tulong din ni Magma, I controlled my power within a year through a hellish training. Tuwing hatinggabi ako pumupunta roon upang hindi ako makita ni Ina pero alam din naman pala niya. Kung mag-eensayo kami, walang araw na hindi ako umuwing walang galos o sugat sa katawan.
And speaking of Magma, I need to go see him.

I wore my tight black tube, a leather jacket with a hood, combat short shorts, knee-length black boots and a silky black small cloth to cover the half of my face.

I looked at the clock on my study table. Still 2 o'clock in the morning. I still got time to see Magma, the Black-winged lava dragon that protects the whole village from bad and dangerous creatures. Sabi ni Ina sa akin noon na ang dragon daw ang nagsabi sa kanya na alagaan daw ako kaya lumaki ako sa puder ni Ina which is why I am thankful to her kasi pinalaki niya ako ng maayos at may pag-aaruga ng isang ina.

With a snapped, nakarating ako sa lungga ni Magma at nakita siyang mahimbing na natutulog. I poked his enormous nose using my little index finger.

Hindi naman ako nagkamali sa paggising sa kanya dahil ilang sandali lang at nagdilat na siya ng mga mata.

"Afianna. Tigilan mo yan." Sabi niya gamit ang kanyang malaking boses. Humakbang naman ako papaatras at tiningnan kung paano umilaw ang kanyang katawan at naging anyong tao.

I stared at his appearance. Hindi nagbabago, gwapo pa rin talaga.

He is wearing a blue ancient Chinese robe that matches his long silver hair and is holding an ancient Chinese fan with Mandarin imprinted on it. He got this face that can make you drool all over. In short, he is handsome. At hindi naman siguro halata na mahilig siya sa ancient Chinese, no?

"Afianna. Balita ko aalis ka raw." Sabi niya gamit ang seryosong boses at may seryosong mukha, as always. Tumango naman ako sa kanyang sinabi. "Then why are you here?"

Ngumiti naman ako sa kanya kahit hindi niya makita.

'Seal Activated.'' lampas 5 hours na kaya kailangan ko ulit itong i-activate.

At sumagot ng, "Training." With just one word, he understands what I mean. And we start my training with my special sparring partner.

Third Person POV

7:45 a.m.

Sa gate o boundary ng bayan, kapansin-pansin ang dalawang karwahe na kulay puti na hila-hila ng mga kabayong may pakpak o pegasus.

Naghihintay na sa tarangkahan ang tatlong opisyal ng akademya at ang isang binata. Si Afianna na lang ang kulang.

"Nasaan na kasi si Afianna. Kanina pa ako excited eh." Pagmamaktol ni Gelo gamit ang mahinang boses pero hindi ito nakalampas sa pandinig ng tatlong opisyal.

Afianna: The Reincarnation Of A GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon