“Bakit ka ganyan makatingin sakin?” nagtatakang tanong ko at kaagad naman tumayo mula sa kinauupuan niya si Elyas saka lumuhod sa harapan ko dahilan upang mapuno ng hiyawan at kilig ang buong paligid.

“Parang alam ko na ibig sabihin niyang Lieutenant!” sigaw ni Staff Sergeant Ramos at agad nagtawanan ang lahat.

“Alam ko sobrang daming pagsubok na ang magkasama natin napagdaan, nalagpasan, napagtagumpayan at marami pa tayong pagsubok ang magkasamang haharapin. Akala ko noon, imposible sa isang tulad ko ang mapamahal sa isang babae, pero nagbago yun ng makilala kita. Ikaw yung nagturo sakin na magmahal. Binigyan mo rin ako ng pagkakataon na maranasan na mahalin. Hindi ko makakaya kapag nawala ka sakin Jazz, sobrang mahal na mahal kita. First Lieutenant Jazz Vargas will you marry me?” nakangiting pagkakasabi ni Elyas sakin sabay pakita ng singsing.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ng mga sandaling yun. Walang mapagsidlan ng saya ang nararamdaman ko.

“Oo naman. I will marry you, kahit saang simbahan pa yan.” naiiyak na pagkakasabi ko dahil sa labis-labis na tuwa.

Agad naman sinuot ni Elyas sa finger ring ko ang singsing. Saka niya ako hinagkan sa labi.

Nagpalakpakan naman ang lahat.

Nasa kalagitnaan kami ng kasiyahan ng biglang dumating si Private Fernandez dala ang isang balita.

Pinapatawag daw kami ni General dahil sa isang importanteng Mission.

Agad naman kami nagtinginan apat.

“Ituloy nalang natin ang kasiyahan natin na 'to pagkatapos ng Mission natin.” saad ni Private First Class Sandoval.

—ELYAS POV—

Pasakay na ako sa C-130 ng tawagin ako ni General, ang aking ama.

“Kailangan mo ba talagang sumama sa mission na 'to anak?” seryosong tanong niya sakin.

“Kailangan. Dahil tungkulin ko rin na protektahan at pangalagaan si Jazz.” sagot ko.

“Mag iingat ka. Umaasa ako na tulad ng ibang sundalo ay buhay kang makakabalik dito.” nakangiting pagkakasabi ni General sabay tapik sa balikat ko.

“Wag kayo mag alala, makakabalik ako...ng buhay.” nakangiting pagkakasabi ko at agad narin humakbang palayo.

—CLEA POV—

Sakay ng isang C-130 ay nagtungo kami sa Marawi kasama si Elyas ang former NPA Commander.

“Pagkatapos ng labanan na 'to, mag iinuman tayo ulit ah? Nabitin ako doon sa inuman natin eh. Hindi ko pa nga nauubos yung laman ng nasa wine glass ko.” pagbibiro ni Technical Sergeant Bautista.

“Sa tingin mo ba ikaw lang? Ako rin naman eh.” mataray na pagkakasabi ko.

“Wag ka mag alala Clea, pagbalik natin sa Manila. Ikaw naman ang yayayain ko na pakasalan ako.” nakangising pagkakasabi ni Technical Sergeant Bautista dahilan upang makaramdam ako ng kilig.

—JAIRU POV—

Ilang saglit pa ay lumapag na ang sinasakyan namin na C-130 sa isang Military Air Field.

Saka naman kami sumakay sa Military vehicles patungo sa isang bayan sa Marawe kung saan sinasabing nagkukuta ang mga rebelde.

Nasa kalagitnaan kami ng aming biyahe ng bigla nalang may magpatutok kung saan kaya agad kami naalarma.

Sumabog narin ang dalawang Military vehicles sa unahan namin. Na-ambush kami ng mga rebelde.

Tila mula sa isang siniper nanggagaling ang putok ng baril.

GUNS N' ROSES (BOOK #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon