Actually, dati kapag binu-bully siya at kapag hindi na niya kaya ay tini-tingnan niya sila ng masama. Natatakot naman ang mga bully dahil sa sama ng tingin niya at nandidilim pa ang mukha nito. Ngunit, dahil dito ay mas lalo siyang binubully.

Nasa labas na si Nicholas, sa kwarto nina Stacy at naghihintay. Inayos niya ang damit niya pagkatapos inamoy ang flower na pinabili niya kanina.

He was wearing a white button down shirt with two buttons opened - which showed up a bit of his chest - that was tucked in with his black pants, and a white sneakers na galing sa UK. He was also wearing his necklace na always niyang sinusuot.

Biglang bumukas ang pinto kaya agad niyang tinago ang bulaklak na hawak sa kaniyang likuran.

"Oh, Henry, are you waiting for Stacy?" It was Klare who was smirking.

"Ah oo hehe."

"Napaaga ka ata. Anyway, walang tao ngayon dito sa kwarto dahil lahat kami may pasok maliban kay Stacy," sabi ni Klare tapos biglang may naisip itong kalokohan. "Bat hindi ka nalang pumasok? Baka sumakit ang paa mo sa kakatayo riyan."

Nagulat naman si Nicholas sa sinabi nito, "ha? Ayoko, okay lang ako, rito lang ako."

"Tsk, bahala ka baka may makakita pa sayo rito at iba ang isipin."

"Oo na sige na."

"Okay, ingat kayo sa date niyo ha? Ingatan mo ang kaibigan ko." Klare said and then went out.

Bumuntong hininga muna si Nicholas bago pumasok sa kwarto nila na nanginginig ang kamay nito. Nang makapasok na siya ay sinara niya ang pinto. Tapos nilibot niya ang kaniyang paningin. May naririnig siyang agos ng tubig sa comfort room at may nagha-humming pa.

Naliligo ata. Nicholas blushed and shook his head.

The room was colored baby pink and it was clean. Nilapitan niya ang higaan na may mga sakura flowers na naka-paint at may nakasulat na 'Stacy'. Ito siguro ang kama niya. Napatigil siya ng may makitang kulay pink na bra at panty na nakalagay ron. Uminit ang mukha ni Nicholas at napailing siya at napaatras. Stop! Stop, don't go there.

Naatrasan niya ang isang cabinet at pagtingin niya katulad nong nasa wall ni Stacy ay may mga flower din na nakapaint don. Sakto ang dala kong flower, sakura flower. Napansin kasi ni Nicholas na mahilig sa kulay pink si Stacy at may nakita rin siyang pendat na sakura flower na nakasabit sa bag nito.

Napatingin siya sa hawakan nong cabinet at hindi niya alam ngunit gusto niyang buksan ito. Ngunit hindi pa niya tuluyan itong nabuksan ng makarinig siya ng tili.

"Kyaaaaahhh!"

Hindi pa nakalingon si Nicholas ng kumaripas na ng takbo si Stacy papunta sa cabinet nito at ni-harang ang sarili na parang ayaw ipakita ang laman nito.

Nagulat si Nicholas ng makita si Stacy na magkalapit sila ngunit mas nagulat ito ng makitang nakatapis lang ito ng towel na kulay pink kaya kitang kita niya ang hubog ng katawan nito at ang balat nitong makinis.

Nakita niya ba? Nakita niya? Sana hindi.

'Yong mga pictures kasi ni Nicholas na nakadikit sa loob ng cabinet niya ang iniisip niya baka kung ano ang maisip nito at maging creepy pa ang tingin niya sa kaniya.

Napatigil siya ng may napagtanto habang nakatingin sa namumulang mukha ni Nicholas. Napababa siya ng tingin at nakitang towel lang ang nakatakip sa katawan niya.

"Ahh... ahh..." biglang nailang si Stacy at kung saan saan napapatingin.

"Sorry, si-si Klare ang nagpapasok sa akin," nahihiyang sabi ni Nicholas.

Who are YOUWhere stories live. Discover now