Gianna POV:
"Gianna, suotin mo na kasi ito. Hindi ako papayagan ni Mommy kapag hindi ka sumama sa akin sa party," wika ng pinsan kong si Lea. Niyaya niya ako sa isang party sa bar sa BGC ngunit hindi naman ako sanay pumunta doon at mas gusto ko na lang ang manatili sa bahay at magbasa ng libro. Mas matanda sakin ang pinsan kong si Lea ng dalawang taon samantalang ako ay magdidise-otso palang sa darating na Lunes.
Lumaki ako sa kapatid ng Mommy ko na ina ng pinsan kong si Lea. Maagang nawala sa mundo ang aking magulang dahil sa isang car accident noong ako ay anim na taong gulang pa lamang. Hindi ko na halos matandaan ang kanilang mga mukha dahil bata pa lang ako noong nangyari ang aksidente. Kahit papaano ay sanay na ako sa buhay na kasama sina Auntie Marielle at Uncle Jay na magulang ni Lea.
"Lea, alam mo naman na bawal pa ako sa ganyan at tsaka di ako sanay lumabas para magparty. May exam pa pati ako bukas kailangan kong mag-aral,"sambit ko.
"Hay naku, ang boring talaga ng buhay mo. Bakit kailangan mo pa kasing itago ang ganyang hitsura mo. Hayan tuloy ang pangit pangit mo na."
Sabi ni Auntie Marielle, nakuha ko daw ang maliit kong ilong, gray na mata at manipis na labi ko sa Mommy ko na may lahing kastila. Samantalang ang aking tangkad at kutis na bahagyang namumula kapag nasisikatan ng araw ay nakuha ko naman sa aking Daddy na isang half American at half Filipino.
"Alam mo naman siguro kung bakit tinatago ko ang mukha ko di ba?" wika ko.
Kailangan kong itago ang tunay kong itsura dahil noong nagdadalaga na ako, tinutukso ako ng mga kaklase ko. Inaagaw ko raw ang kanilang nobyo dahil inaakit ko raw. Hindi ko naman kasalanan kung bakit nagkaroon ako ng ganitong hitsura.
Minsan dinala ako ng mga kaklase kong mga babae sa isang bakanteng silid aralan at doon ako kinulong. Sa sobrang takot ko nawalan ako ng malay at natagpuan ko na lang ang aking sarili sa ospital kasama nina Auntie Marielle at Uncle Jay. Simula noon ninais kong itago ang aking tunay na hitsura upang maging malayo sa gulo. Ayoko nang maulit yung nangyari sa akin noon. Mas mabuti pang ganito na lang ang aking hitsura upang hindi ako lalong mapahamak.
"Kahit ngayong gabi lang pagbigyan mo na ako. Please, last request ko na ito," sambit ni Lea habang nagpapuppy eyes. "Bakit ba kasi gustong gusto mong pumunta sa bar na yun ha. Baka mapahamak lang tayo dun".
"Ano ka ba naman Gianna, siyempre nalaman ko sa isang source ko na pupunta daw dun yung grupo ng mayayamang businessmen. Yung nasa magazine na binili ko nung isang araw," kinikilig na sabi ni Lea.
"Hindi papayag si Mommy na pumunta ako dun ng walang kasama. Ikaw yung naisip ko kasi ikaw lang naman ang bestfriend ko na love na love ko," dagdag pa niya.
"Sige, sige. Pero promise mo sakin na last na ito ha. Hindi talaga ako mahilig sa bar bar na yan,"suko kong pahayag. "Oo na, since last request ko na ito, aalisin mo yang disguise mo. Susulitin natin ang gabing sobrang maganda ka," nakangising wika ng pinsan ko.
"Ha?!!! Pero.......". Pinutol na ni Lea ang sasabihin ako at dali dali na akong binihisan bago pa daw magbago ang isip ko.
Si Lea ang nag-ayos ng aking mukha dahil sanay na sanay na siya sa ganito. Ako lang talaga ang hindi mahilig mag-ayos dahil hindi naman ako sanay lumabas ng bahay. Pinili niya ang pulang lipstick at simpleng eye shadow dahil hindi raw bagay sakin ang makapal na make up. Inemphasize niya lang ang natural na makapal kong kilay na lalong nagpaganda para sa hitsura ko ngayong gabi.
Wala na akong choice kundi sundin ang kagustuhan ng aking pinsan since nangako siyang last na ito. Kahit hindi ako komportable sa aking suot na red tube dress na sobrang ikli sakin dahil mas matangkad ako kay Lea at pinaresan ito ng black stiletto na pawang pag-aari ni Lea, ay pumunta na kami agad sa nasabing bar.
PLEASE VOTE AND COMMENT. Thank you.
YOU ARE READING
Cavalier Series#1: Behind The Nerdy Glass Is A Goddess
General FictionCavalier Series #1 : Alexander Vincent Montereal and Gianna Des Moines Walang ibang ninais si Gianna Des Moines kundi ang tanggapin siya ng mundo sa kabila ng kanyang hitsura. Napadpad siya sa isang sitwasyong walang pagpipilian kundi ang it...
