Sa ulap

34 0 0
                                    

Sa Ulap
by Modern day Dream

Hindi alam kung san ba to' patungo
Di mahagilap, mapanglaw ang puso
Saan ba napunta? Bakit di ko na makita
Ang pagasa sa iyong mga mata

Wala na ba? Wala na ba talaga?

Itatanong na lang sa ulap
Maghihintay na lang. Mangangarap.
Baka sa iba. Baka sa iba. Baka sa iba matagpuan ko na

Naghahanap ng dahilan kung bakit
Di maintindihan bakit sinapit
Ano nga ba ang aking nagawa at bigla na lang ika'y nawala
Sa aking paningin... Woah-oh

Wala na ba? Wala na ba talaga?

Itatanong na lang sa ulap
Maghihintay na lang. Mangangarap.
Baka sa iba. Baka sa iba
Baka sa iba matagpuan ko na

Itatanong na lang sa ulap
Maghihintay na lang. Mangangarap.
Baka sa iba... Baka sa iba...
Sana sa iba ikaw ay masaya

Song LyricsKde žijí příběhy. Začni objevovat