Nilingon ko si Leila, tumango-tango ito sa sinabi ni Ayesha.

"Totoo ba?" gulat na tanong ko.

"Oo, naku kaya delikado talaga na makalabas sya." si Zarene na inabot na sa akin iyong mga strawberry na nahugasan nya.

Kumuha ako doon at kumagat, iniisip kung tunay ba ang sinabi nila. Ngunit kung iyon talaga ang totoo kailangan ko talagang mag ingat. Hindi ko alam kung ano ang pinaka mismong rason kung bakit nya ito nagawa sa akin, kay Drake sya may galit ngunit bakit ako ang kinidnap nya? Galit ba sya kay Drake dahil natalo sila? Napakababaw ng rason nyang iyon para gawin ang karumal dumal na ito.

Nanatili ang mga ito sa kwarto ko, panay ang kwento ko sa nangyari. Hindi sila maka get over na ganon nga ang kinahinatnan ko, pati ang tama ng bala ay tinanong nila sa akin kung gaano daw ba kasakit.

Natigilan kaming apat ng may kumatok mula sa pinto. Napa tingin kami doon at tumambad nga sa amin si Lola Immavel kasama si Tito Marlon at ang anak nitong si Wayne.

"Mama." si Mama na agad sinalubong ang mga ito at kinuha ang dala sa kanila.

"Chanel." si Ayesha na inimustra ang labas. "Labas muna kami,"

Tumango ako at ngumiti sa mga ito, bumati pa sila kay Lola bago tuluyang lumabas. Lumapit si Lola sa pwesto ko.

"Kamusta kana hija?"

Bahagya akong tumango. "Okay na naman po."

"Inaayos na ng pinsan at boyfriend mo ang tungkol sa kaso ng lalaking kumidnap sa'yo. Nag hire din ako ng ilang security for your safety." aniya at naupo sa upuan sa tabi ng kama ko.

"Lola, thank you po. Pero... sana po hindi na kayo nag abala pa po, sabi sa akin ng mga kaibigan ko nakakulong na po ito."

"Pansamantala lamang ang pagkakakulong nya, Chanel. Hindi parin safe kung magpasa walang bahala ka lang sa nangyari. Your Lola Immavel was concerned for your life and for your safety of course. Hindi pa natin alam kung ano ang puno't dulo kung bakit nya iyon nagawa sa'yo." si Tito Marlon na hindi sinang ayunan ang sinabi ko.

Tumango na lamang ako kahit ang totoo ay alanganin iyon para sa akin. Hindi dahil ayaw ko ng concern ng Lola ko ngunit ayoko lang na may masabi ang ilang kapatid ni Papa.

"The bill is already paid, Chaney." Si Lola Immavel na nakatingin kay Mama na nasa isang gilid ng kama ko.

"Thank you po, Mama. Babayaran ko din po kayo." Si Mama na hinawakan ako sa balikat.

"You don't have too Chaney. Chanel is my granddaughter. I won't let you suffer from what happened, kaunting tulong lamang ito. Marami akong naging pagkukulang sa apo ko." Hinawakan ni Lola ang mga kamay ko. "Just be safe, hija. Hindi namin hahayaang may mangyari pa ulit sa'yo."

"Salamat po," tipid akong ngumiti hindi makuha ng mga labi ko kung anong galak na meron sa puso ko, hindi ko alam kung bakit.

"Delikado sa bahay ninyo, Chaney. Mayroon akong vacation house sa subdivision nila Marlon. You can go there, doon muna kayo ni Chanel."

Umiling ako. Masyado ng maraming natutulong si Lola, kahit sabihing bumabawi ito ay hindi dapat namin inaabuso. Isa pa, kung ano man din ang nangyari noon ay kinalimutan na namin ni Mama iyon.

"Masyado na pong madami ang natutulong nyo. May mga security naman po kayong na hire. Okay na po siguro iyon."

"Pero hija..."

"Lola... maraming salamat po sa offer ninyo, malaking tulong po sa amin ni Mama iyon. Pero okay na po kami ni Mama sa bahay, sinisigurado nadin naman po nila Marcus na makukulong ang gumawa nito sakin."

Accidentally Fall In Love (Love Back Series 1)Where stories live. Discover now