Natapos ang pagkain, kaya naman nag pasya na ulit akong mag hugas. Mabuti na lang at wala ng masyadong pinuna pa si Kian. Kinakabahan ako sa tuwing nag sasalita sya, pakiramdam ko ay may alam sya sa nangyari kagabi.

"You look pale."

Nabitawan ko iyong kutsarang binabanlawan ko ng marinig ang boses ni Drake sa likod ko. Nilingon ko ito, nakasandal na ito sa sink ng lababo.

"Hindi pa ba kayo uuwi?" Tanong ko rito at inalis na ang tingin sa kanya.

"Pinapauwi mo na ba ako?" Lumapit ito sa akin.

Parang may kung anong sumibol sa puso ko ng maramdaman ang presensya nya sa likod ko. Ipinilupot nya ang kanyang braso sa aking tiyan. Napalunok ako, kasabay noon ang kung anong bagay ang syang kumikiliti sa bituka ko.

"Those still hurt?"

"H-hindi na..."

Masyado ng naaalarma ang buong pagkatao ko. Hindi ba sya aalis sa likod ko?

"Continue what you're doing." Sabi niya ng mapansin na pinaglalaruan ko na lamang ang mga daliri ko sa tubig.

"Hindi ka ba aalis dyan?" Sabi ko at pinag patuloy na ang pag ba-banlaw.

"May I ask something?" Tanong niya at nilagay pa ang kanyang ulo sa balikat ko.

"Ano 'yon?"

"Tayo na ba?"

Tinigil ko saglit ang pag babanlaw ko. At bahagyag inisip ang nangyari kagabi. I give my virginity to him, hindi naman ako klase ng babae na ibibigay ang akin kung wala namang kami.

"I'm asking. Tinulugan mo na ako kagabi." Aniya.

"Oo. Hindi pa ba sapat 'yung nangyari kagabi?" Hinarap ko sya, napatitig ako sa namumula nyang mga labi.

I'm here again, tempting to kiss him.

"I don't want to take advantage, Chanel. Gusto ko sa'yo mismo marinig kung tayo na ba–"

"Tayo na nga. Sinabi ko na kagabi na let's be together."

"Tinulugan mo ako pagkatapos mong sabihin iyon." Bahagya nyang pinindot ang tuktok ng ilong ko. "I'll never hurt you." Lumapit ito at pinatakan ng halik ang aking labi.

Naitulak ko ito sa gulat ng may tumikhim sa may likod. Namumulang hinarap ko ang dalawa kong kaibigan na naroroon sa hamba ng kusina.

"Nakakaistorbo ba kami?" Tanong ni Ayesha na lumapit sa amin.

Nilingon ko si Drake, seryoso lamang itong nakatingin sa dalawa. Napapaisip kung bakit naririto, miske ako.

"Tinext ako ni Marcus. Pauwi daw sya maya maya, wala ka daw kasama kaya nagpunta kami dito."

Bahagyang umikot ang mata ko sa kawalan at hinarap na ang mga binabanlawang plato.

"Hindi naman na ako bata." Sabi ko na inabala ang sarili sa pagbabanlaw.

"Drake! C'mon let's play xbox. Uuwi na din tayo mamaya, may meeting tayo kay coach." Si Kian na pumasok sa kusina.

Hindi ko na sila nilingon pa. Ramdam ko ang pagkawala ng presensya ni Drake sa likuran ko.

"Dito natulog 'yon?" Si Zarene na narinig kong naghila ng silya.

"Oo." Tugon ko.

"Tabi kayo?"

Isang pinggan na lang ang binabanlawan ko. Hindi ko muna sinagot iyon at nilagay na sa lalagyan ang pinggan.

"Silent means yes! May nangyari na ba sa inyo?"

Accidentally Fall In Love (Love Back Series 1)Where stories live. Discover now