"Tubig at towel lang ang naririto, wala iyong energy drink."

"Ako na po coach ang kukuha." pag piprisinta ko na agad tumayo.

"Samahan kana namin." Si Zarene ngunit umiling ako.

"Huwag na. Balitaan nyo na lang ako sa laro nila Drake. Magsisimula na din."

"Sure ka?" si Ayesha.

Tumango ako at nag paalam na sa kanila.

Nagtungo ako sa office ng mga player kung nasaan naroon lahat ng kailangan nila. Nakita ko iyong isang box ng energy drink. Binuksan ko iyon at kinuha iyong isang jug. Nilagay ko sa loob noon isa isa ang mga energy drink na iinumin nila Drake. Kumuha din ako ng yelo para lumamig. Sinubukan ko ng buhatin iyon ngunit mabigat pala.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko para akuin ang lahat ng ito. Sana pala ay nag pasama ako, bakit ba hindi ko naisip na mabigat nga pala ito.

Bumuntong hininga ako at bahagyang binuhat, lakad, tigil, lakad, tigil ang gawa ko dahil sa bigat ng dala ko.

Pagkabuhat ko ng jug at mag lalakad na sana ay bigla na lamang akong nag sungaba.

"My god! I'm sorry."

Bumangon ako, napansin ko ang stilettos na suot nya, kulay pula iyon. Umangat ang aking tingin pataas sa kanya. Napansin ko agad ang mamahalin na suot nyang damit sa kanyang katawan. Tiningnan ko ito, mataas ang puyod ng kanyang buhok, mapula ang labi at mayroon syang kakapalan na make up sa kanyang mukha na bagay na bagay sa kanya.

"Oh sorry." maarte ang pagkakasabi nya ngunit ramdam mo ang sinseridad.

Tinulungan ako nito bumangon. Pinagpagan ko ang suot ko.

"I didn't mean to bump you." dagdag pa nito.

Tiningnan ko sya at bahagyang ngumiti.

"Okay lang."

"Are you sure? I was in a hurry, I'm really sorry."

"Yup. I'm fine, sige na. Dalian mo na sabi mo nagmamadali ka."

Tumango tango ito.

"I'm really sorry again. I'm sorry I gotta go. Be careful next time." nagpaalam na ito at tuluyan ng nagtatakbo.

Suminghap ako at tiningnan iyon kaunting galos sa tuhod ko. Mahapdi iyon ngunit hinayaan ko na, kanina pa ako wala sa laro. Hindi ko na alam kung ano na ang kaganapan doon.

Nakarating ako sa gymnasium, naglalaro na sina Drake, bahagya akong naki excuse sa mga taong naroroon at tumungo sa pwesto nila coach.

"Ito na po!" nilapag ko 'yung cooler sa kanila.

"Salamat, Ms. Lee." si Coach kaya naman nagtungo na ako sa upuan ko kung nasaan sina Ayesha.

"Anong nangyari na?" takang tanong ko sa kanila.

"Lamang ang Agase." tinuro ni Ayesha iyong score na kung saan malaki na ang lamang ng Agase sa Dubi.

Pinanonood ko ang bawat galaw nilang lahat sa paglalaro ganon narin 'yung Dayson at 'yung captain nila. Hindi ko alam pero pakiramdam ko sa tuwing mag tatama ang mga paningin ni Drake at Dayson parang may kuryenteng naglalaban. Ang tutulis pareho ng tingin nila sa isa't-isa hindi ko alam kung bakit.

Kalaunan ay naging lamang ang Dubi sa Agase, kaya halos mamaos ang mga tao dito sa buong gym kaka sigaw.

Natapos nga ang game at panalo sila. Drake is the MVP kaya agad syang binuhat ng mga kasamahan nya. Agad kaming lumapit sa kanila, si Drake ay mabilis na bumaba at hinila ako. Niyakap nya ako ng mahigpit.

Accidentally Fall In Love (Love Back Series 1)Where stories live. Discover now