Ngayon ay kasalukuyang nakay Drake ang bola at dini-dribol nya na ito. Nag mumustra si Marcus na sa kanya ipasa nito ang bola ngunit panay lamang ang dribol ni Drake na tila walang pakialam sa mustra ng pinsan ko.

Tumalon ito at inihagis ang bola patungo sa ring, ngunit tinalon ito ng isang lalaki na may ahit ang isang kilay at ipinasa doon sa nakapuyod na lalaki.

"Artajo 3 points!" sigaw ng a-announce ng ma shoot noon ang bola.

Pinag papawisan ako sa kaba, may mga naririnig ako na bumubulong sa likod ko na bakit hindi ipinasa ni Drake ang bola kay Marcus. Kahit ako ay hindi ko alam kung bakit ipinilit nya ang sarili nya.

Oo magaling si Drake, pero sa puntong ito hindi sya maaaring maging gahaman sa bola.

Nag time out ang team nila Drake kaya naman bumaba ako ng isang palapag para tumungo sa pwesto nila. Nag abot ako ng tubig sa mga player at sa kanya.

Kitang kita ko ang galit sa mga mata nya, lumapit ito sa akin at kinuha ang tubig na nasa kamay ko.

"Are you tired?" tanong ko rito dahil basang basa na sya ng pawis.

Bahagya itong ngumiti sa akin. "You don't have to worry." aniya na inilagay ang kamay sa ulo ko at pinadausdos iyon para haplusin ang buhok ko.

"Good luck." ngumiti ako.

Tumunog ang tila hudyat na para muling mag simula ang laro, kaya naman umakyat na ako patungo sa kinauupuan ko.

Tumingin ako sa score nila at nakitang pantay na ang score nila, meron na lang silang natitirang 2 minuto bago mag 3rd quarter. Kinakabahan ako lalo na't kita kong pagod na pagod na sina Drake.

Nilingon ko ang kabilang team. Namataan ko iyong Artajo na nakatingin sa akin. Nangunot ang noo ko at nag iwas ng tingin dito. Hindi ko nagustuhan ang titig nya, para akong nilalamon ng buhay.

Pumito na ang referee kaya nagsimula na ang game. Unang bola ay kina Drake kaya sila ngayon ang tumatakbo papunta sa kanilang court.

Ilang oras na ang nagugol halos magkadikit ang laban. Last game na lang at malalaman na kung sino ang mananalo, panay dasal kami dito nina Ayesha. Nakakapikon lang dahil ngayon lamang ako nakanood ng ganitong laban na gitgitan.

83 na ang Dubi at 82 naman ang Agase, iisa lamang ang lamang. Kung matatalo ang Dubi ay hindi sila ang mapapalaban para sa Finals.

Time out nina Drake. Hindi na ako makalapit sa kanya dahil mukhang nag fo-focus na sya sa laro. Tagak-tak na ang pawis ni Drake, wala pa syang pahinga. Sa lahat ng quarter ay hindi sya nagpapa sub manlang. Ang tanging nagpapalit lang kasi ay si Leo at Jay hindi sila nakikipag palit. Gusto ko sanang sabihan si Drake na makipag palit muna pero alam kong hindi sya papayag.

"Masyadong na train ang kalaban. Hindi na siguro kinaya kung ang Dubi pa rin ang mananalo." ani Leila na iniikot-ikot pa ng kanyang mga daliri sa kanyang sintido.

"Magaling 'tong transferee student na 'to." si Ayesha na tinuro nga iyong nakapuyod na lalaki na nagngangalang Artajo.

Muling tumunog ang pagpapahinto sa time out. Pumito na ang referee hudyat na simula na ulit kaya nag focus na kami.

Okay pa naman ang nagiging laro, may last 2 minutes pa para ma end ang game ngunit nagulat kaming lahat ng itinulak noong Artajo si Drake dahilan ng pag upo nito.

Nangangati ang pwet ko dahil gusto kong tumayo at puntahan sya dahil ramdam kong nasaktan sya base on his reaction. Ngunit alam kong kaya nya, nandyan sina Marcus para sa kanya.

"Artajo faul!" sigaw ng nag a-announce.

Kita ko ang inis sa mga mata nung Artajo, tila hindi nagustuhan na nagkaroon sya ng foul.

Accidentally Fall In Love (Love Back Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon