Nagtama ang mata namin ni Drake, kita ko ang multong ngiti sa kanyang mga labi. Napansin ko din ang mabilisang sigla nya.

"Energetic na." nangingiting sabi ni Zarene.

Hinayaan ko ang sarili kong malibang sa laro. Napapansin ko din ang sarili ko na sumisigaw sa team nila Drake, at minsan ay na didisappoint kapag hindi sila nakakapag shoot ng bola o kaya naman ay naaagaw sa kanila.

Nang matapos ang laro ay naideklara na sina Drake ang panalo at ang lalaban para sa semi finals ay hinila na agad ako nina Ayesha pababa upang puntahan sina Drake. Kinalma ko ang puso ko nang makalapit na kami sa kanya.

"Nanood ka." aniya na tila natuwa na nanood ako sa laro nya.

Tipid akong ngumiti. "Congrats."

Nginitian lamang ako nito at nag paalam sa mga kasamahan nya bago hinigit ako palayo roon. Napansin ko na agad ang mga matang nanlilisik ng mga kababaihan sa kani-kanilang upuan. Lumabas kami ng gym, nag tungo kami sa may field.

"Anong ginagawa natin dito?" takang tanong ko sa kanya.

Naupo ito sa isang upuan, tinapik nya ang kanyang tabi. Inaaya nya akong maupo kaya ganon na nga ang ginawa ko.

"Gusto ko lang mag pahangin." aniya na sumandal sa kinauupuan nya.

"Bakit sinama mo ako?"

Nilingon nya ako. Nakita ko kung papaano umigting ang kanyang panga. Umayos ito sa kanyang pagkakaupo at hinarap ako.

"Can you tell me now about what happened? You're avoiding me without giving me any idea." aniya na sinubukang kuhanin ang kamay ko. "May nagawa ba ako?"

"May mga iniisip lang ako."

"Like?" hinila nya ako palapit sa kanya. "Anong iniisip mo? May dahilan ba 'yan para iwasan ako?"

"Hindi kita iniiwasan." pag tanggi ko at nag iwas ako ng tingin.

Hinawakan nito ang aking baba at pinaling nya ang aking tingin sa kanya.

"But that's what you're showing, you're avoiding me."

Ramdam kong gustong gusto nya hulihin kung anong laman ng iniisip ko. I know communication is the key. But the reason why I can't tell to him dahil alam kong itatanggi nya iyon.

"Drake, can we not talk about this?"

Kita ko ang lamlay ng kanyang mata. Tila pagod na ito na pilitin pa ako, huminga ito ng malalim at tumango.

"Wala ng klase mamaya, can you come to me?" anyaya nya sa akin.

Nangunot ang noo ko. "Saan?"

"Date."

Tumango ako. Tumayo ito at binigay sa akin ang kanyang kamay. Tinanggap ko iyon at umalis na kami roon.

Sinundo ako ni Drake sa bahay. Dahil may usapan nga kami na may Date kami ngayon.

"Iuuwi ko din po si Chanel, around 8 PM. Nandito na po kami sa bahay ninyo." si Drake kausap si Mama.

"Salamat hijo. Oh sya lumarga na kayo."

Humalik lamang ako sa pisngi ni Mama bago sumunod kay Drake paglabas.

I'm wearing a floral dress above the knee, sleeveless ito kaya may dala lamang akong blazer para in case na lamigin ako.

Drake opened the door in the passenger seat for me. Pumasok ako roon at nag seat belt na. Si Drake ay pumasok na din, binaba nya lamang ang bintana ng kanyang sasakyan upang makapag babye sa Mama ko.

"Saan mo ba ako dadalhin ngayon?" takang tanong ko sa kanya.

"Just sit and relax Chanel."

Tulad ng sinabi nya ay ganoon ang ginawa ko. Tanaw na tanaw ko ang building sa dinadaanan namin. Tila sandaling nawala ang isipin ko, hindi ko alam kung bakit tila nagagawan ng paraan ni Drake na mawala kung ano mang bumabagabag sa akin. Alam na alam nya na kung anong kailangan ko.

Accidentally Fall In Love (Love Back Series 1)Where stories live. Discover now