Ano pa bang magagawa ko? Tinulak na ako sa alanganin ng kaibigan ko. Hindi naman sa ayaw kong manood, pero alam kong may mga manonood din doon na mga nagkakagusto sa kanya.

"Are you alright?" Tanong ni Drake sa tabi ko.

Tama nga si Ayesha, busy ang mga teacher. Iniwan lamang kami ng gawain, mamayang hapon ay shorten class na dahil may mga meeting ang mga guro para sa nalalapit na intrams.

"Yup." Ngumiti ako kay Drake para ipakitang okay lang ako.

"Are you done answering that?" Turo niya sa papel kong kakaunti palang ang sagot.

Umiling ako dito. At sa papel ko na lamang ako nag focus. Pagkatapos kong mag sagot ay ibinigay na sa akin ng mga kaklase ko 'yung mga papel nila. Hindi ako ang president ng room ngunit ako ang palaging inuutusan sa mga bagay na katulad nito.

"Ilalagay ko lamang ito sa table ni Ma'am." Paalam ko kay Drake at naglakad na papalabas.

Nagulat ako ng sumunod ito sa akin.

"Samahan na kita." Aniya na sumabay na sa akin sa paglalakad.

"Anong oras pala ang practice nyo?" Tanong ko dito ng makarating kami sa faculty.

"One in the afternoon. Why? Do you have something to do?"

Nilapag ko sa lamesa ng teacher namin iyong mga pinasasagutan sa amin. Inaya ko na si Drake na lumabas para hindi na kami mag ingay pa sa faculty.

"Wala naman." Sabi ko ng makalabas na kami ng faculty.

"Kung may gagawin ka naman, I can take you home first before I join the practice."

Nilingon ko sya at umiling ako. "Hindi na, manonood ako. Panonoorin kita."

Ngumiti ito at tumango. Naglakad na naman kami pabalik sa room namin. Abala nga ang mga kaklase namin sa mga kani-kanilang ginagawa ng maabutan namin ang mga 'to, may grupo na nag kukwentuhan, may grupo din na nag lalaro ng online games. Nilingon ko sina Marcus na abala sa kani-kanilang cellphone.

Ilang oras ang nakalipas bago sumapit ang lunch time, inaya na nila ako na tumungo na sa cafeteria upang kumain. Naabutan namin sina Zarene at Ayesha maging si Leila ay nandoon na din sa lamesa.

"Wow! Ang Shancai ng pinas." si Ayesha na inismiran pa ako.

Sinamaan ko ito ng tingin at naupo na sa tabi nila.

"Wag ka dito, doon ka kay Drake." taboy nya kaya wala akong choice kundi ang tumabi kay Drake.

Bakit ba naman kasi ganito sila, tinataboy nila ako bilang kaibigan nila ah.

"Kayo na ba?" tanong ni Leila.

"Still courting her." ani Drake sa aking tabi.

"Just don't fucking hurt her Drake. I'll break your leg if you do that." Si Marcus sa tabi ni Drake.

Napatingin ako kina Ayesha, malalaki ang ngisi nilang pinag mamasdan kami ni Drake.

Nilingon ko si Drake na nakatitig lamang sa akin. Masaya ako na nandyan sya, pero at the same time may takot sa puso ko, hindi ko maipaliwanag kung ano iyon. Palagi na lang ba talaga ako matatakot? Anong dahilan para matakot ako? Nakikita ko naman na okay na si Drake, nakikita kong totoong totoo ang pag mamahal na ibinibigay nya sa akin. At alam kong hindi niya ang sasaktan dahil alam ko ang kapalit noon ay ang pag kawatak ng pagkakaibigan nila ng pinsan ko. Alam kong mahalaga din sa kanya ang pagkakaibigan nila.

Nag antay kami ng ala una y media at nag tungo na kami sa malaking covered court ng school namin, madami na ang mga naroon at nag aabang ng laro nila Drake. Hindi ko maiwasang mamangha, practice pa lamang ngunit ang dami na agad mga sumusoporta, ano pa kaya sa totoong laban nila.

Accidentally Fall In Love (Love Back Series 1)Where stories live. Discover now