"Nako ka naman hija, sa gwapo ng kasama mo itatanggi mo pa."

Gwapo nga oo alam ko 'yon, eh sa hindi naman kami e.

"Nag daan din kami sa panahon ninyo. Talagang mga pakipot ang mga babae. Alagaan mo siya hijo ah?"

"Tama na iyan Marisa, masyado na nating naabala ang mga bata." sabi naman noong matandang lalaki.

"Gusto ko lamang sila payuhan Rodolfo. Halatang bago pa lamang sila sa relasyon nila."

Hindi nga sabi kami. Hayst!

"Oh sya. Hijo at hija, maiwan na namin kayo. Mag enjoy kayo sa date ninyo. Basta tandaan nyo, huwag kayong matakot mahalin ang isa't isa."

Umalis ang dalawa, naiwan kami ni Drake na tila malalim na ang iniisip. Huwag matakot mahalin ang isa't isa?

Nilingon ko si Drake, tumikhim ito at bahagyang ngumiti. Sinuklian ko ang ngiti niya at inabala na lang muli ang sarili sa pag tingin sa tanawin.

Nang mag dilim ay nag aya na si Drake na umuwi, dahil malayo pa raw ang ibibiyahe namin. Marami pang natirang pagkain kaya naman iyon ang pinagkaabalahan ko habang nasa biyahe kami. Uninti-unti kong kainin iyong mga natira naming mga pagkain.

"Tanong ko lang, bakit ka sumama kay Kian? Alam mo ba?" takang tanong ko rito.

"Yes, I had no intention of going with him, but Kian forced me."

"Bakit naman wala kang balak?"

"Because I know you are avoiding me, kung magpapakita ako sa'yo ay masisira lamang ang plano mo na iwasan ako."

Bumuntong hininga ako at humalukipkip sa inuupuan ko. Kung ganon na alam nya palang iniiwasan ko sya ay bakit nagkukusa parin syang mag lapit kami?

"Kung patuloy kitang iiwasan, anong gagawin mo?" tanong kong bigla na lamang lumabas sa bibig ko.

"Kung itali kita sa akin makakaiwas ka pa ba?"

Nagulat ako sa sinabi nya, nilingon ako nito mabilis lamang iyon dahil binalik nya na kaagad sa daan ang kanyang paningin.

"Pinapagod mo lamang ang sarili mo Chanel, ayaw mo na lang aminin na gusto mo ako."

Ngumuso ako. "Gusto kita. Okay kana ba?"

Nagtaka ako ng itinigil nya iyong sasakyan namin sa isang tabi, nilingon ako nito. Tila galit ang kanyang mga mata kaya nangunot ang noo ko.

"Hindi biro ang nararamdaman ko para sa'yo. Pero iyang sa'yo ginagawa mo lamang biro." inis niyang sabi sakin.

"Huh? Biro?" takang tanong ko dito. "Anong biro? Sabi mo umamin na lang ako na gusto kita, umamin na ako. Gusto kita."

"Stop. Pinapaasa mo ako." pagod itong bumuntong hininga at sinandal ang ulo sa backrest ng upuan nya.

"I'm not."

"Chanel..."

"Drake. Gusto kita."

Tiningnan ako nito, kita ko sa mga mata nya ang pakikiusap na tumigil na ako pero hindi. Ito ang gusto nya, ito ang inaantay nya matagal na. At ngayong sinasabi ko na sa kanya bakit sya nagkaka ganyan? Bakit sya naman ata itong natatakot ngayon?

"Masaya ka lang kaya mo nasasabi 'yan." he said sighed

"Masaya ako dahil pina realize mo sa akin na hindi dapat ako natatakot. Hindi ko dapat itago sa'yo ang totoong nararamdaman ko. Dinala mo ako sa lugar na iyon ng punong puno ng pag iisip punong puno ng takot sa pag ibig."

"Chanel..."

"Gusto kita, ang tagal mong hinintay ito tapos hindi ka maniniwala?" umangat ang gilid ng labi ko at inis na sumandal sa kinauupuan ko. "Nakakainis! Rejection 'yan para sa akin ah."

Accidentally Fall In Love (Love Back Series 1)Onde histórias criam vida. Descubra agora